Kabanata 17

140 2 0
                                    

“Bakit nakabusangot ang kapatid mo?” tanong ni Mama nang masalubong akong nangingiti.

“Wala naman po. Nagkabiruan lang kami.” 

“Nilapag niya ang brown paper bag sa center table. Kunin mo na lang doon.” 

Tumango ako sa kanya at pumunta na doon para kunin nga ang brown paper bag. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto. Hindi naman ganoong nakakapagod ang araw ko dahil hindi naman puno ang schedule ko ngayon.

Nagbukas ako ng social media at nakita ang iilang notification at message doon. Isa na doon ang pag-friend request ni Aga. Binuksan ko ang profile niya at wala naman masyadong naka-pokus doon. Mostly mga tagged photos lang sa kanya. 

Ang profile niya ay dagat. Wala rin mas'yadong picture niya. Hindi ko namalayan na nagtagal na pala ako kaka-scroll sa feed niya. Nang ma-accept siya ay nag-exit na agad ako para makaligo at makapag-pahinga.

“Magkakaroon daw ng reunion. Sasama ka ba?” it was Mutya. 

We decided to meet at the café after her work. Nag-message naman ako kay Aga na hindi niya ako kailangan sunduin ngayon dahil magkikita kami ni Mutya. Nag-reply naman ito sa akin na ayos lang daw dahil may pupuntahan din siya.

“Malaman pa kung hindi tatama sa schedule ko.” 

“Gabi naman ‘yon gaganapin. Kung pupunta ka, pupunta ako.”

“Alam kong gusto mong pumunta kaya hindi mo kailangan dumepende sa akin, Mutya.” Sumimangot siya.

“Wala naman akong ibang ka close doon kundi ikaw at si—tsk! Nevermind!” 

Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

“Miss mo ba?” humawak siya sa dibdib niya na para bang nabigla sa sinabi ko.

“No way! Kapal naman niya kung namiss ko siya.”

“You don’t need to be defensive, Mutya. I was just asking you.” 

“Pero iyon ang dating! Kaya magiging defensive talaga ako!” 

She sipped on her milkshake and flipped her hair. I smiled. 

“Sige pupunta ako. Kaya pumunta ka. Kung nandoon siya, hayaan mo na lang.”

“Talaga!” I chuckled and also sipped on my coffee.

Nag-kwentuhan pa kami ng kung ano-ano ni Mutya. May nga pumasok sa loob ng café. Grupo sila at ang nahuhuli ay si Aga at isang babae na kausap niya. They looks like in a deep talked that he doesn't even know that I’m here.

Sinundan ko sila ng tingin at nakahanap agad ng pangmaramihan na upuan. The two of them are still talking. Ito ba ang sinasabi niya na may pupuntahan siya?

“Siob? Nakikinig ka ba?” nawala ang paningin ko sa kanila at lumingon sa kaibigan na kunot na kunot ang noo.

“Sorry, ano ‘yon?” 

“Sino bang tinatanaw mo doon?” 

Mabilis na lumingon si Mutya sa kung saan ako nakatingin. Nilingon niya ako agad nang makita kung sino ang mga ‘yon.

“Nakita ka?” tanong niya.

“Hindi,” simple kong sagot at humigop ulit ng kape.

“May kausap na babae. Kaibigan lang naman siguro ‘yan.” 

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. She smirked and shrugged her shoulder.

“Inunahan na kita. Baka kung saan na naman mapunta yan. Malikot ka pa naman mag-isip.” 

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon