Kabanata 23

129 2 0
                                    

“Good evening,” Aga said in a deep tone.

Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang kamay na nakalahad. Dinala niya iyon sa kanyang labi. At hinalikan ang likod ng palad ko.

“You’re beautiful,” dagdag niya.

“Good evening, Aga. Thank you…” pinaghila niya ako ng upuan. Naupo naman ako doon at sumunod siya sa kanyang upuan naman.

Mukhang ako na lang ang hinihintay. Kaya naman sa pagdating ko ay agad nagsalita si Mama patungkol sa dinner namin ngayong gabi. 

I smiled and looked at Aga beside me. He looked formal and attentive to whatever my mother was saying. I reached for his hand that was resting on his thigh.

“Relax…” mahina kong sabi.

“Do I look stiff?” He asked innocently.

Tumango ako at hinaplos ang kamay niya para kahit papaano ay kumalma siya. This is the first time I will introduce him to my family as my boyfriend. Dahil noon naman ay hindi namin ito nagawa. Isa pa, I didn't have a good relationship with my mother in the past. 

“You’ll be alright. They already like you.” 

Paniniguro ko sa kanya. Pinaghugpong niya ang mga kamay namin at tipid siyang tumango sa akin bago muling bumaling sa matatanda. 

The dinner was fine. My father and Tito Paul are talking to Aga about some other stuff. While Tita, Mary, and Mama are talking to me. 

“Masaya akong makita kang may nobyo na, Siobhana. Parang kailan lang…” si Tita Mary at hawak ang kanyang malaking tiyan. She's pregnant again. And another baby brother again.

Hindi ko alam kung kailan ba ako magkakaroon ng babaeng kapatid. But I’m thankful that my brother inside Tita Mary’s tummy is healthy. Lumalaki talaga ang pamilya namin at hindi naman ako nagrereklamo doon. Masaya ako. 

“That's what I'm saying to her, Mary. My Siobhana really grew a lot. Ngayon ay may boyfriend na siya. At alam kong dadating sa oagkakataon na pag-aasawa naman.” 

Ngumuso ako kay Mama dahil ang advance niya naman mag-isip. Nagsisimula pa lang nga kami ni Aga.

“Hindi pa naman, Ma. Isa pa, hayaan niyo muna kami sa ganito. Hindi namin ‘to naranasan noon.” Sagot ko sa kanya.

“Pwede niyo naman ‘yan gawin kapag kinasal na kayo,” si Tita Mary naman ngayon ang nagsalita.

“Kasal?” biglang sabat ni Papa. “Sinong ikakasal?” 

Gusto ko na lang mapairap dahil sa reaksyon niya. I know that my father is really protective towards me. Alam kong isa ‘yon sa paraan ng pagbawi niya sa akin. Kahit matagal na namin napag-usapan iyon ay talagang walang sawa siya sa pagbawi. 

“Wala, Jeffrey. Napag-usapan lang namin ni Siob at Mary ang tungkol sa pagpapakasal. Hindi na bata si Siobhana. At alam kong hindi lang naman pagbo-boyfriend at girlfriend ang plano niyo, Aga, hindi ba?” si Mama.

Kaya naman napabaling ako kay Aga na ngayon ay titig na titig sa akin. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Bigla akong nahiya sa mga tanong ni Mama.

“Hindi naman po. Pero, gusto po sana namin maranasan ang pagiging mag-nobyo at nobya. Hindi po namin naranasan iyon noong kabataan namin. Kung magkasundo man po kami kalaunan sa kasal at mapag-usapan iyon ay wala naman pong problema.” 

Bumaling siya sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. Parang gusto ko tuloy lumapit sa kanya at yakapin siya.

Sa totoo lang ay ganoon din naman ang nasa isip ko. Marami kaming oras para pag-usapan ang bagay na iyon. Pero sa ngayon ay gusto muna namin ang ganito. Tulad din ng sabi niya ay hindi namin ‘to naranasan. We just wanted to know how it feels to be with this kind of relationship. 

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon