“Are you sure you’ll be fine here?” si Mutya.
“Yes, thank you.” Lumambot ang tingin niya sa akin.
Tinawagan ko siya kagabi tungkol sa natanggap kong message kay Jude. Galit na galit ito at gusto na akong puntahan sa bahay pero agad ko siyang pinigilan.
Nakatanggap din akong message kay Aga at nag-aalala ito. Siguro ay sinabi ni Mutya kay Aga ang sinabi ko sa kanya. Ayoko silang mag-alala ng sobra pero dahil sa nasisira na din ang mental health ko dahil sa takot kay Jude ay hindi ko na sila magawang pigilan.
“Tawagan mo ako, o kahit sino sa amin ni Aga o Ricardo. Pupuntahan ka namin agad.” Binalot niya ako ng yakap. “Mag-iingat ka…”
Ngumiti ako at tumango sa kanya.
Pumasok na ako sa classroom na parang normal lang ang lahat. Nag-tama ang mata namin ni Mayie pero agad siyang umiwas ng tingin. Dumiretso na lang ako sa upuan at binalewala ang nasa paligid.
Pagdating nang lunch ay mabilis akong lumabas ng classroom pero sumalubong agad sa akin ang tatlo. Ngumiti ako at napanatag.
“Saan tayo kain?” tanong ni Mutya.
Inakbayan niya ako at nagsimula na maglakad. Nauuna kami sa dalawang lalaki.
“Kahit saan,” tipid kong sagot.
Dahil pwede naman kami lumabas ng school ay doon na kami naghanap ng makakaain. Isang oras naman ang lunch namin kaya kakayanin naman na magtagal kami.
Napili namin ay isang karinderya hindi kalayuan sa school namin. Si Ricardo at Aga ang nag-order ng pagkain namin habang si Mutya naman ay sinamahan lang ako. Nang dumating sila dala na ang mga in-order na pagkain ay agad akong pinaghandaan ni Aga.
I’m just watching him putting the rice on my plate and he even blows the rice because it is hot. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko. On my left Mutya and Ricardo are whispering to each other. I can see the annoyed face of Mutya while Ricardo was talking.
“Kain ka na,” malumanay niyang sabi.
Nilagyan niya ng ng tubig ang baso ko. Sunod niyang inasikaso ay ang pagkain niya. Inuna niya lang ako. At dahil magkaiba naman ang ulam namin ay sinubukan kong i-alok sa kanya ang ulam kong menudo.
“Gusto mo ba?” mahina kong tinulak ang mangkok na may ulam sa kanya. “Gusto ko tikman yung kare-kare.”
Mabilis niyang kinuha ang mangkok na may kare-kare at nilapit sa akin. Kaya naman binigay ko din sa kanya ang akin. I tasted the kare-kare and it’s really delicious. Nilingon ko si Aga na nakatingin pala sa akin.
“Masarap?” tumango ako. “Masarap din itong menudo.”
Kumain kami ng tahimik hanggang sa matapos. Tumambay muna kami sa mini-park ng school dahil may natitirang oras pa naman kami para mag-pahinga.
Ngayong araw din ay pasahan na ng portrait na ginawa namin. Ibabalik din naman iyon sa amin kailangan lang talaga makita. Tapos ko na ito at hindi pa ‘yon nakikita ni Aga. I’m sure that he will love the painting I made. He loves my art, that's what he said. At kahit minsan binibiro ko siya na niloloko niya lang ako ay alam kong totoo ang sinasabi niya.
He’s the most genuine person I have ever met.
“Hindi pa rin ba pumapasok?” umiling si Aga sa tanong ni Mutya.
“E, si Mayie? Natanong mo ba, Siob?” umiling din ako.
“She's been avoiding me since the day I told her what Jude did to me. Tuwing nagkakatinginan kami ay mabilis siyang nag-iiwas ng tingin. I've never been close to Mayie. Ilang beses lang ako nagkaroon ng interaksyon sa kanya.”
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomanceOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...