Nagising ako dahil sa marahan na paghaplos sa aking buhok. Unti-unting dinilat ko ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisami. At naagaw lang ang atensyon ko sa humahaplos sa aking buhok. Nilingon ko ito at nakita ang pamilyar na lalaki sa aking harap. Matagal bago ko na-proseso kung sino ito at nang makapag-adjust ay nanlaki ang mata ko at mabilis siyang niyakap sa leeg.
“Aga!” I said and tears flowed down my cheeks. “Aga…”
Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang aking sintido. Marahan ang pagtapik niya sa aking likod habang patuloy akong umiiyak sa bisig niya.
“You fainted. How was your feeling?” kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya.
Sa gilid niya ay nandoon nakatayo ang pinaglalagyan ng dextrose niya. Maaliwalas ang kanyang mukha habang tinitingnan ako. Mas lalo akong naiyak dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong itanong sa kanya.
“I-I’m fine…” I said almost a whisper.
“Narinig ko kay Mama ang mga ginawa mo noong hindi pa ako nagigising. Thank you, Siob. I hope I didn't give you a hard time.” Malambing niyang sabi at nagawa pang ayusin ang buhok kong medyo humaharang sa aking mukha.
“No, and even if you did, I will still take care of you.”
“I’m sorry, did I make you worried?” ngumuso ako dahil sa mga tanong niya.
“Bakit ako ang iniintindi mo? Ako nga dapat ang nagtatanong sa'yo niyan. Ano ang nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo? Ayos ka na ba?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“I’m fine, Siob. You know how much you scared me when you suddenly fainted. Mabuti na lang at nasalo kita agad. You got a fever. Hindi ka na sana pumunta sa ospital kung hindi na pala maganda ang pakiramdam mo.” Umiling ako sa kanya.
“Tingin mo ba magagawa ko pang dumiretso ng uwi kung malalaman kong nagising ka na? Those days I stayed with you here in the hospital, I prayed na magising ka na. Pero nagising ka ng wala ako dito,” dismayado kong sabi.
Bumuntong-hininga ito at pinaghugpong ang mga kamay namin. Parehas kaming may swero. Tinaas niya iyon.
“Couple goals?” sumimangot ako sa sinabi niya pero kalaunan ay natawa.
“Stop it! You made me worried too. Sinabi ko sa'yo na hintayin mo ako, and I expected that we will see each other once na nakabalik akong Laguna. But guess what? Nagkita tayo sa ospital at wala kang malay. I was scared and I didn't know what to do when I heard you had an accident.” Hinalikan niya ang likod ng palad ko naglalambing.
“I’m sorry,” marahan niyang sabi.
“It's fine, Aga. That was accident at hindi natin maiiwasan ‘yon.” Malambot ko siyang tiningnan. “I should be the one to say sorry to you…”
Nagbaba ako ng tingin. Nahiya dahil sa naalala ko ang mga naging akto ko noong nagselos ako. Alam ko kung gaanong pinaramdam at pinakita ni Aga sa akin kung gaano niya ako kamahal. Na ako lang lang talaga. Pero mas pinangunahan ako ng mga iniisip ko dahilan kung bakit kami hindi nagkaunawaan.
“I was…jealous,” pag-amin ko sa kanya. Tumango siya at parang naiintindihan kung ano ang gusto ko g sabihin. “I’m sorry of sinabihan kitang sinungaling. I even raised my voice at you. I didn't hear your explanations. I know you love me, Aga, but I got jealous at the thought of someone giving food to you. Kahit pa hindi mo siya kinakain, hindi ko pa rin maiwasan mag-selos lalo’t lagi pala siyang pumupunta sa barracks.”
Naramdaman ko kung paanong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Kinausap ko na siya, Siob. I told her that I already have a girlfriend. That she should stop doing those things to me because you don't want it. She still insisted but then, I talked to her cousin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ng pinsan niya oero simula no’n ay hindi na siya pumunta sa barracks.”
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomanceOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...