Kabanata 4

235 4 1
                                    

"Manood ka ah!" It was Mutya.

"I will. Pero kailangan ko muna unahin sa club namin. Hahabol ako. At isa pa, Ricardo will be there. He will support you in your game."

Umismid ito sa sinabi ko.

"Pero mas gusto kong nandoon ka!" giit niya.

"Pupunta ako. I promise!" itinaas ko pa ang isang kamay para siguraduhin na pupunta ako. She smiled widely and hugged me from the side.

We are in the mini-park. Since it is our lunch time. Ricardo was nowhere to be found. I guess he is in the library. Ricardo is a studious person. Hindi ko pa nasubukan maging kaklase si Ricardo. Pero base na din sa mga kwento ni Mutya ay talagang matalino ito. He is always first in their class.

Nagkwento ni Mutya ang mga nangyayari sa kanila sa training. I'm just listening to her not until I saw Aga's group. Nagtama ang tingin namin dalawa.

Nagtaas siya ng kamay sa akin. Immediately a smile plastered on my lips and slowly raised my hand. Hindi naalis ang tingin niya sa akin hanggang sa tuluyan na silang nakalagpas ng mini-park.

"Sino yung kinawayan mo?" napalingon ako kay Mutya.

"Uhm... si Aga." Mabilis siyang ngumiwi sa akin.

"Pinopormahan ka ba no'n? Alam mo ba lagi ka no'n hinahanap sa akin. Akala mo naman nasa bulsa kita lagi. Halos naririndi na ako sa kanya tuwing nagkakasalubong kami ay ikaw agad ang hanap. Tingin ko may gusto yan sa'yo. Sa inter-high pa lang e!"

I didn't confirm what she asked. Hindi rin naman niya ito inulit dahil napalitan na ng bagong topic ang kinukwento niya sa akin.

Puro lesson lang naman ang ginawa namin buong subjects. Pagdating ng uwian ay mabilis akong pumunta sa room ng art club. Pagdating ko ay naroon na ang aming president at iilang members.

"Siob, may nakuha ka na?" mabilis akong umiling kay Vicente. Our art club president.

"Ikaw na lang ang wala. Wala ka bang mahanap?"

"Mayroon naman, Pres... itatanong ko pa sa kanya kung papayag siya." Tumango ito at iniwan na ako.

Kinuha ko ang mga art materials ko at nilagay sa duffel bag na naka-provide na sa amin. Nagpaalam ako sa kanila.

Malayo pa lang ay natanaw ko na si Aga. He's in his usual jersey. We texted last night and this morning. Nasabi niya nga sa akin na may laro sila ngayon. Nag-aabang siya sa labas ng art room. I smiled at him.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay siya na mismo ang sumalubong sa akin. Mabilis niyang kinuha sa akin ang duffel bag.

"You don't have to..."

"It's fine. Ihahatid na kita sa gymnasium."

Ngumiti ako at hinayaan siya.

"Uhm... tapos na yung laro niyo?"

"Hindi pa. But we will share the court with badminton players. Cancel ang laro namin. We are more on drills today."

Tumango ako sa kanya.

A group of students saw us. Biniro nila si Aga pero tanging tawa lang ang naging sagot nito. I smiled at him when he looked at me.

"You're popular." Naiiling kong sabi.

"They are my schoolmates from my past school. They know me because I've been a varsity player since then."

While we were walking I remembered that I needed a model for our art activities

"Uhm, Aga..." he looked at me. "I need a human model for our art class. Wala pa kasi akong nahahanap and hindi rin ako nagtangkang maghanap. Naisip ko kasi na ikaw na lang. If hindi ka busy o kung papayag ka..."

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon