"Hindi habang buhay gugustuhin ni Siob dito, Lauren. Her father still has custody of her."
Dahan-dahan akong naglakad sa may pinto. I didn't know that they were already here. Minsan umuuwi sila gabi na kaya hindi na nila naabutan si Pash na gising.
"Paul, I don't care about her father. Dito lang si Siob. Kung gusto niya bigyan ng custody ang anak namin okay lang sa akin. Pero ang patirahin niya si Siob sa kanila ay iyon ang hindi ayos sa akin."
I can feel the frustration in my mother's voice. Hindi ko magawang pumasok dahil alam kong mas'yadong seryoso ang pinag-uusapan nila. Tungkol 'yon sa akin.
"Paano kung pagmalupitan siya doon? Hindi ko lubusang kilala ang asawa ni Jeffrey. I don't know what comes to their mind that they want Siobhana in their home."
"Anak niya pa din si Siobhana, Lauren. Hindi mo mapipigilan si Jeffrey kung iyon ang gusto niya. Isa pa, si Siobhana ang magde-desisyon kung gugustuhin niyang sumama sa tunay niyang ama."
"Bakit ba kinokontra mo ako, Paul? Ito ang gusto kong desisyon!"
"Do you still love Jeffrey?"
"What? Ano ba ang iniisip mo, Paul?"
"You're still triggered by him. Pakiramdam ko... pakiramdam ko mahal mo pa din siya!"
"Stop it! Si Siobhana ang usapan dito at hindi 'yon tungkol sa amin ni Jeffrey!"
Napayuko ako.
They already have their own family. My mother. My father. They have already been divorced for a long time. Minsan hindi ko maiwasang isipin na may lugar pa nga ba ako sa kanilang bahay. I felt like I'm alone and no one cared about me. Alam ko na hindi lang ako ang may ganitong sitwasyon but sometimes it hurts to know that I don't belong to any family they have.
We were once a family.
It felt unfair that they immediately created their own family. Habang ako naman ay mag-isa at hinahanap ang kalinga nilang dalawa. At hindi ko mapigilan isipin na baka ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Kasi noong wala pa ako ay maayos naman sila.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. Bakit nila ako pag-aagawan ngayon? Noong kailangan ko sila ay wala naman sila sa tabi ko. Even though my mother was there with me when I'm growing up, I felt like she didn't care.
Nang masiguro kong wala na sila ay tsaka lang ako pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Doon ay ibinuhos ko ang mga luha na kanina ko pa pinipigil.
Tumagilid ako at nakita ang picture frame namin ni mama, papa at ang batang ako. Humikbi ako habang tinatanaw iyon.
"Siob?" nag-angat ako ng tingin. "May naghahanap sa'yo sa labas."
Tumango ako kay Crissy at tinanggal ang apron bago lumakad palapit sa pinto. Ang naabutan ko doon ay si Aga he has a paper bag on her arms.
"Breaktime?"
Napangiti ako at dahan-dahan tumango sa kanya.
Wala naman akong class ngayong araw pero meron akong mga dapat gawin sa art club kaya babad ako doon mag-hapon. Ako, si Crissy at Vicente lang ang nandoon. Balak ko din kasi tapusin yung painting na palpak kong nagawa noong nakaraan.
Aga knows that I'm here kaya hindi na ako magtataka kung pupuntahan niya ako sa art club. Nang makita ko ang ekspresyon ng mukha ni Crissy kanina ay may halo iyong panunukso. Pero dahil kanina pa ako tahimik at seryoso ay hindi niya iyon isinatinig.
"I heard that you love Chuckie. Binilihan kita..." nilabas niya iyon sa brown bag. "With ensaymada. Baka gusto mo."
"Thank you, Aga. Pero kanino mo narinig?" kumamot siya sa likod ng kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomansaOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...