Today’s weekend.
Buong araw akong nasa loob lang ng kwarto ko. Nakailang sketch na din ako ng kung ano-ano para lang maibsan ang pagkabagot. Nang matapos ako ay naisipan ko din naman lumabas at doon ko naabutan si Paco, kasama ang kanyang tutor.
Ngumiti lang ako sa tutor niya at pumasok sa kusina para magdala ng snacks. Pagkatapos ay dumiretoo na ako sa aming garden para doon tumambay. My sketch pad and other materials are with me.
I always hear Mutya's rant whenever I’m with a sketch pad. Ito na ang libangan ko maliit pa lang ako. I’ve been surrounded by art materials. And I’ve been in love with these things with the piece I made.
Nagtagal ako doon hanggang sa may sunod-sunod na sasakyang dumating. Around two vans and one car.
Nangunot ang noo ko at nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan ang mga taong lalabas doon. Alam ko ang isang van dahil iyon ang madalas gamitin nila Mama at Tito Paul tuwing aalis sila.
Pero ang dalawang sasakyan ay hindi ko alam kung kanino. Dahil bihira lang naman magkaroon ng bisita sa bahay.
Si Tito Paul ang unang lumabas ng sasakyan at sumunod si Mama. May mga lumabas na din ng sasakyan at hindi pamilyar ang mga ito. Pero sa huling taong lumabas sa isang van ay totoong natigilan ako.
It was Aga. With his messy hair and rough look.
Nagtama ang mata namin at alam kong kahit siya ay nagulat na dito kami magkikita. He was stunned but immediately composed himself.
Pumasok sila sa gate at si Tito Paul ang unang nakapansin sa akin.
“Siob! Oh, this is my stepdaughter, Siobhana.”
Tito Paul said. He looked happy when he introduced me to the visitors.
Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila.
Nagtama muli ang tingin namin ni Aga. I can’t smile.
“Good afternoon, Ma'am, Sir…” I said politely.
“Wow! You have a beautiful daughter, Lauren.”
My mother smiled and talked to the woman who said it.
Naglakad na sila papasok pero nanatili akong nakatayo hanggang sa makalapit si Aga sa pwesto ko.
“So this is where you live.”
I finally smiled at him.
“Hmm, yes.”
“Hindi ka pa papasok?” mabilis akong umiling.
“Papasok din ako kapag naligpit ko na yung mga gamit ko.”
I pointed out the stone table where my materials are. Nandoon ako kanina nang bigla silang dumating.
“Samahan na kita,” mabilis ko siyang tiningnan.
Nagtaas lang ito ng kilay sa akin.
“Baka hanapin ka sa loob. Hindi naman kailangan.”
Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman ito.
“I didn’t know that my parents and your parents are friends.”
Kinuha niya ang bag of color pens ko habang ako naman ay sketch pad.
“I didn't know either. Hindi ko expect na dito pa tayo magkikita.”
Hindi ko mapigilan ang galak sa tono ng boses. I saw how a small smile crept on his lips.
“Your house is far from our school. Bakit hindi ka mag-dorm? It’s easier.”
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomanceOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...