Wakas

392 7 5
                                    

I was in grade seven when everything happened in just a snap. 

“Hoy, Pito! Sa quarters na daw tayo sabi ni Sir!” 

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Owen. Dahil ang mga mata ko ay nanatiling nakalapat sa babaeng napapalibutan ng mga taong nanonood. She was in the side minding her own business while moving her hands in the canvas. 

“Agapito!” kumunot ang noo ko at inis na nilingon siya.

“Ano ba ‘yon?” magaspang kong tanong.

“Sino ba tinitingnan mo diyan? Wala namang chicks diyan, Bro.” 

Inirapan ko siya. Hindi naman chicks ang hinahanap ko. Ang babaeng ito ang umagaw ng atensyon ko. She looks prim and proper. The way she sit there, parang hindi nangangalay sa pagkaka-straight ng likod. Bago siya naupo diyan kanina ay nakita ko kung paano siya kumilos. Kung paano gumalaw. She moves gracefully. Ibang-iba sa mga babaeng nakikita ko sa school namin.

“Anong school kaya siya?” hindi ko napigilang itanong sa kaibigan.

“Sino diyan?” kuryuso naman na tanong nito.

“The brown uniform with red lining. Anong school ‘yan?” tumayo ang babae nang lumapit sa kanya ang watcher.

Napangiti ako nang ngumiti siya. She’s more beautiful when smiling.

“Gago! Crush mo?” hindi ko pinansin ang sinabi ng kaibigan at nanatili pa rin ang paninitig sa babaeng walang kaalam-alam.

Alam kong hindi nalalayo ang edad ko sa kanya. Maybe I’m a bit ahead. Tama lang ang tangkad niya. May mahabang buhok at may manipis na bangs na hinahawi niya sa gilid. Maputi din ito kahit pa naka-long-sleeves ang uniform niya. 

“Hoy! Tawag na tayo ni Sir. Sino ba tinitingnan niyo diyan?” sunod na dumating si Shanrey. At bago pa siya makalapit sa amin ay nauna na akong umalis.

“Crush ni Pito yung babaeng nasa painting contest. Yung brown at red lining yung uniform.” Pagkwento ni Owen.

“All girls school ‘yan, pare! Pero ang alam ko kapag ganyang puro babae, nagiging sabik sa lalaki.” Si Shanrey at inakbayan ako na agad ko naman inalis sa balikat ko.

“Tsk! Gago!” naiiling kong sabi. Hindi naniwala sa sinabi niya.

I have been a volleyball player since I was in elementary. The legendary spiker; that’s what they called me. Owen and Shanrey are one of my teammates, at kasama ko na sila elementary pa lang. It became my sport and hobby at the same time. Lumalaban kami sa ibang school. Regional o kung ano-ano pa. Inter-high is exciting to me the most. Maybe because I wanted to see her again.

Hindi na siya nawala sa isip ko. At kahit noon pa man ay hindi talaga ako nagka-interes sa babae. Ngayon pa lang. Nung nakita ko siya.

But when I was in grade eight, I didn't see her. Ganoon din noong grade nine ako. She didn't compete. Hindi ko tuloy maiwasang manghinayang dahil hindi ko man lang siya nakilala ng mas maayos. I didn't even know her name. 

But everything happened unexpectedly when in my fourth year, finally…I saw her again. She had grown so much, not like the last time I saw her. But her eyes, something on it made me wonder. It looks sad…

“Tibo!” I called Mutya.

But I stopped when I saw who’s beside her. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang kalakas ang kabog ng dibdib ko. Tumingin siya sa akin na mas lalong nagpakaba sa sistema ko.

Kahit tatlong taon na ang nakalipas ay tanda ko pa din ang mukha niya. Without any information about her I know that she is the one I’ve been waiting to meet again.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon