S2 Chapter 58:White Curse

6 16 0
                                    

<Alvin Pov>

"A-aray!" Sabi ko at hinawakan ko ang ulo ko dahil nasakit actually mag iisang buwan na ang sakit ng ulo pero tinatago ko lang...

Pag tayo ko bigla naman akong nahilo, binuhat ko ang sarili ko at pumunta ng banyo, pag dating ko sa banyo tiningnan ko ang aking sarili, nakita ko na isang strand ng aking buhok ay kulay puti, binalewala ko ang buhok ko at pag labas ko ng banyo napa luhod ako dahil naramdaman ko na may para bang sumipa sa loob ng katawan ko, humawak ako sa pinto at sinusubukan na maka tayo..

"Sir Alvin!"

"Sir al-, sir ok lang po ba kayo?" Sabi ni ades at natakbo papunta sa akin..

Ades Cathedral, siya ang assistant ko na kamukha ni ash, mabait siya sa akin kahit alam niya na isa akong demonyo at mamatay tao.

Isa ba siyang demon na katulad mo?

Hindi, katulad siya ni veronica tao din na may demon blood but he never use his demon blood dahil sabi niya na kapag ginamit niya ang demon blood niya mamatay siya, dahil din sa may demon blood siya, pwede sumapi sa kaniya ang lima hanggang benteng kaluluwa.

"Oo, ok lang ako" nang hihina kong sabi, nilagay niya ang kamay ko sa braso niya at dinala niya ako sa aking kuwarto.

"Diyan lang kayo sir ikukuha-" sabi nito dahil hinawakan ko ang kamay niya

"May favor sana ako sayo" sabi ko

A:ano po yun?

Al:kapag tuloyan akong kinain ng white curse gusto ko na ikaw ang humawak ng Red Inferno Company

A:Po?, Hindi po ako marunong humawak ng kompanya.. sa iba-

"Ikaw lang ang pinag kakatiwalaan ko, pwede ba mangyari yun?" Sabi ko, tumahimik siya saglit

"Ahm, sige po para sa inyo sir alvin" sabi nito

"Salamat, sige alis ka na tatawagan na lang kita kapag hindi maganda ang pakiramdam ko" sabi ko

"Ok po" sabi niya at umalis na

Pag alis niya bumuhos ang ulan at biglang sumakit yung ulo ko ng sobra kaya bumangon ako at pag baba ko ng kama nadapa ako..

"ARGH!" sigaw ko habang hawak ang ulo ko na sakit, habang ako ay nasa dilim at nag hihinagpis sa mala impyernong sakit sumasabay ang kulog at kidlat, pinilit ko ang sarili ko na makatayo pero pinipigilan ako ng sakit na makatayo hanggang sa nag suka ako pag tapos kong mag suka pag punas ko ng aking bibig nakita ko sa aking kamay na may dugo...

"Ngayon lang kita nakita na nag hihirap"

Napatingin ako sa babaeng nag salita at pag kidlat nakita ko si ashley na nasa aking harapan

"Ashley?" Sabi ko habang naka tingala sa kaniya

"Yes?" Sabi niya at umupo sa aking harapan

Al:a-anong ginagawa mo dito?

A:papanoodin kang nag hihirap sa sumpa mo

Al:bakit kailangan mo kong panoodin na nag hihirap sa sumpa?

"Dahil napatunayan mo na tumalab ang sumpa na binigay ko sayo" sabi ni ashley, napa tahimik ako sa sinabi niya kasi halos nagapang na ako sa kakahanap kung sino ang nag lagay ng sumpa sa akin at nasa harapan ko lang pala ang salarin

" Ikaw ang nag lagay ng white curse sa akin?" Sabi ko

" Yes" sabi nito and she smile

" Walang hiya ka!" Sabi ko at sanang kakalmutin ko ang mukha niya hinawakan niya ang mukha ko.

" You cant escape to your curse" sabi nito

Al:Bakit mo ko sinumpa?

"Dahil gusto ko na maranasan mo ang sakit na pinaranas mo sa akin noon" sabi niya at binitawan niya ang mukha ko tumayo siya.

" Suffer well"sabi niya at nawala na siya

" AHHHHH!" sabi ko at sumigaw ako at wala na akong pake kung maubosan ako ng boses.

Hindi ko kasi aakalain na ang sarili kong kapatid ay sinumpa ako at halos buong tiwala ko binigay ko na sa kaniya.

Walang hiya ka talaga ashley binasag mo ang tiwala ko pa na din ang buong pag katao ko.

Pagsapit ng umaga nagising ako sa silaw ng araw na naka silip sa naka saradong bintana at sa sahig na pala ako naka tulog, dahan dahan akong tumayo, pag labas ko ng kuwarto nag punta ako ng banyo pag tingin ko sa salamin nagulat ako sa aking itsura..

Nag kulay puti ang aking buhok,kilay, pilik mata at yung buo kong katawan except sa labi at mata ko

Wait this things is a part of my past

"Ano to?" Sabi ko habang hawak ang buhok ko, nag hilamos ako baka kasi guni guni ko lang pag tapos kong mag hilamos pinunasan ko ang aking mukha at tumingin sa salamin, hindi ko pala guni guni yun totoo na nag kulay puti ang itim kong buhok.

Lumabas na ako ng banyo at nag handa ng aking pagkain pag tapos kong mag luto ng aking agahan nilapag ko na ito sa lamesa..

*Ding

*Dong

Tumingin ako sa pinto at lumapit pag silip ko sa door viewer nakita ko si ades, agad akong humanap ng paraan para matago ko ang puti kong buhok sigurado ako na mag tataka siya kapag nakita niya ako ngayon, kumuha ako saglit ng tela sa aking kuwarto tinaklob ko yun sa aking ulo at pinag buksan ng pinto si ades.

"Hi sir alvin good morning" sabi niya

"Bakit naka taklob yung ulo mo?" Habol niya

"Ano kasi- basta pumasok ka na lang" sabi ko, pag pasok niya sa bahay pina upo ko siya sa dinner table

"Nakakain ka na ba?, Sabay na tayong kumain kung hindi ka pa nakakain" sabi ko

"Oh ok salamat" sabi niya at kumuha ng plato kutsara at tinidor, habang nakain kami napapansin ko siya na nakatingin sa akin

"Teka parang may mali" sabi niya, tiningnan ko siya

"Tumayo ka" sabi niya

"Bakit naman?" Sabi ko, hindi niya ako sinagot, pag tayo niya tumayo din ako at nilayuan siya ng kaunti kasi may balak siyang alisin ang tela na sa ulo ko pero kapag nalayo ako nalapit din siya.

"Ades itigil mo yan" sabi ko, nahawak niya ang tela at na alis ito sa aking ulo, pag alis niya ng tela sa aking ulo nag katinginan kami

" Ayan pala ang epekto ng white curse sa isang demonyo" sabi niya

Al:alam mo ang tungkol sa white curse?

" Yes po ,kasi nag aaral din ako ng mga curses para alam ko ang gagawin ko kung paano sila kontrolin" sabi niya at nilagay ang tela sa upuan.

"At hindi ko aakalain na ganyan pala ang epekto ng white curse sa isang demon" habol niya

Al:hindi ito ang epekto ng white curse

Ad:po?, Bakit po nag kulay puti yung itim niyong buhok at iba pang parte ng katawan niyo?

Al:this thing is my part of my past, sa tingin ko ang white curse na nasa katawan ko ay binabalik ang dating ako para mawala ang demon blood na nasa katawan ko

"Ah, para sa akin ang galing ng epekto ng sumpa na yan, based what i read in witch book pag tapos gamitin ng sumpa na yan ang katawan ng isang demon babalik ang sumpa sa kung sino man ang nag lagay nito sa demonyong sinumpa nila" sabi nito

" Bakit babalik sa kaniya ang sumpa?" Tanong ko

" Hindi naman kasi immortal ang mga demonyo kaya hindi ito mag tatagal sa katawan ng isang demonyo, nag tatagal ang sumpa na ito sa katawan lamang ng tao" sabi nito

Hindi ko na pala kailangan mag higanti kaya ashley dahil ang sumpa pala ang gaganti para sa akin

" Salamat po sir alvin sa pagkain alis na po ako para asikasohin ang Red Inferno Company" sabi niya at umalis na

•••

The Supernatural agents:Hide documentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon