S2 Chapter 96:New Employee

6 16 0
                                    


"Nilakad ko na ang plano mo, hahayaan mo na ba akong mabuhay?" Sabi ni veronica na nasa anyong lalaki

"Dinala mo lang sa patibong ang plano ko" sabi ko at pinakita ko ang picture ng lalaki na taga SA...

Ako nga pala si Silver Stone im the prince of violence, galing ako sa impyerno na umangat dito sa lupa para gawin bagong impyerno ang 'blue city'

Bakit ko nga ba gagawing bagong impyerno ang blue city?

Para meron akong maayos na matitirhan sawang sawa na kasi ako sa demon portal kaya ayun napag desisyonan ko na gawin bagong impyerno ang blue city at nagawa ko naman yun sa tulong ng alipin ni ashley at binuhay ni alvin na si veronica, kaso meron isang lalaki na taga SA na wawasakin ang plano ko ng pakunti kunti kaya nag alala ako at nainis

"Ash?" Sabi niya habang naka tingin sa litrato ng lalaki

"Oh, ash pala ang pangalan niya" sabi ko

"So-sorry po mahal na prinsipe, sasalohin ko lahat ng parusa na ibibigay mo sa akin" sabi niya

"No need"sabi ko

"Po?" Sabi niya at tumingin sa akin

"Marami ka ng nagawa kaya mag pahinga ka na lang muna at ako na lang ang kikilos" sabi ko

"Ok po" sagot niya

" Sa blue company na nag tratrabaho ang SA right? "Sabi ko

" Opo"sagot niya

Kinabukasan hinanda ko na ang sarili ko nag palit ako ng katauhan nag panggap ako bilang isang mortal pag tapos kong ayosin ang gamit ko tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at talagang hindi mahahalata sa itsura ko ang pagiging prinsipe ko, sinuot ko na ang salamin at kinuha ang bag ko tapos umalis na ako.

Pag baba ko ng bus bago ako pumasok sa blue company tiningnan ko muna ito tas nag lakad na ako papasok ng blue company

"Hi po sir ano po yun?" Sabi ng babae sa cashier desk

"Ahm saan po ba dito yung hiring-"

"Blue Freshman?" Napa tingin ako sa babae na nag lalakad papunta sa akin

"Ahm oo" sabi ko

"Halika sundan mo ko" sabi niya, dinala niya ako sa opisina niya

"Ako nga pala si sissannie and you?" Sabi nito at ngumiti

"Ako nga po pala si.." sabi ko kasi naka limutan ko na kailangan ko pala ng bagong pangalan, tumingin ako sa isang gilid at nakita ko ang libro na may naka lagay na Grey Cruz

"Grey, Grey Cruz" sabi ko at ngumiti

"Mukhang kinakabahan ka ah" sabi niya

"Ahm oo nga po medyo" sabi ko

"Ok, wala naman akong masyadong kailangan pero marunong ka ba mag basa ng latin o maka intindi?" Sabi nito

"Ahm ah opo, marunong naman" sabi ko

"You're hired na" sabi nito

The Supernatural agents:Hide documentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon