<Chen Pov>
"Kuya chen!"
Tumingin ako kay evan na napasok sa station
"Bakit?" Sabi ko na naka tingin sa computer
"Nakita mo ba si ate ashley?" Tanong nito
"Hindi nga e baka masama pakiramdam niya kaya wala siya" sabi ko
"Talaga?, Nakita ko kasi siya kanina na papunta dito"sabi niya, hininto ko ang ginagawa ko at tumingin sa kaniya kasi nakita ko din si ashley na pap pasok dito sa blue company kanina pero pag dating ko dito sa station ay wala naman siya sabi ni chief na baka daw masama pakiramdam kaya hindi naka pasok
" AHHH! "
parehas kami ni evan na napatingin sa labas dahil may narinig kaming sigaw
" Ano yun? " Sabi ni chief na naka upo sa upuan niya at naka tingin sa labas ng station
" Titingnan po namin chief" sabi ko at nag pasama ako kay evan na puntahan kung saan namin narinig ang sigaw, pag punta namin sa isang meeting room may nakita kaming babae na nakatayo at nanginginig sa takot.
" Miss ok lang po ba kayo? " Sabi ni evan sa babae, hindi sumagot ang babae tiningnan ko kung saan siya naka tingin at nakita ko ang lalaki sa sahig na walang malay at tabingi ang ulo at ang babae na duguan at butas ang tiyan.
"Evan ilayo mo siya dito at tumawag ka ng back up" sabi ko
"Ok po" sabi ni evan at umalis kasama ang babae
Nilapitan ko ang katawan ng lalaki tas tiningnan ko ang leeg niya may nakita akong dalawang tuldok na kulay itim at pula, tumayo ako at nilapitan ang babaeng butas ang tiyan chineck ko yung katawan niya na walang butas wala naman akong nakita na kakaiba
"Si-sir chen?"
Tumingin ako sa aking likodan nakita ko ang lalaki sa sahig na gising?
Nakapag salita pa siya kahit tabingi ang ulo nito?
Naka tingin lang ako sa lalaki kasi hindi ko ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon
"Anong nangyari?" Sabi nito, nakita ko sa itsura niya na talagang wala siyang alam sa nangyari sa kaniya.
Tumingin ito sa aking gilid
"Ya-yan ba ang ginawa ko sa secretary ko?" Sabi nito na naka tingin sa likodan ko, tumingin ako sa aking likodan at tumingin din sa kaniya.
"Sigurado ka ba na hindi mo alam ang nangyari?" Sabi ko, hindi niya ako sinagot.
Dumating na si evan kasama ang rescue team inutosan ko sila na kunin ang lalaki at dalhin sa hospital, nang nakuha nila ang lalaki saktong pag pasok ni evan sa meeting room dumating si chief
"Yung lalaki ba na tabingi ang ulo ang pumatay sa babae?" Tanong nito
"Yes po chief" sagot ko, nilapitan ni chief ang bangkay
"May nakita ka bang kakaiba sa lalaki?" Sabi nito habang naka tingin sa bangkay ng babae
"Yes po" sagot ko
S:gaya ng?
"Dalawang tuldok na kulay itim at pula na nasa leeg ng lalaki" sagot ko, tiningnan ako ni chief at ni evan na para bang may mali akong nasabi
"Walang M Disease ang lalaki" sabi ni evan
S:anong ibig mong sabihin?
E:may nag kokontrol sa lalaki na patayin ang babae
C:paano mo nasabi yan?
E:ang dalawang tuldok na kulay itim at red na sabi mo nasa leeg ng lalaki ang marka na yun ay marka na galing sa fire demon
"Fire demon?, Ngayon ko lang yan narinig"
"Oo nga, nakaka interesado"
Lahat kami napa tingin sa lalaking kulay grey ang buhok na naka tayo sa likod ni evan
"Lumabas ka muna dito nasa gitna kami ng pag iimbestiga" sabi ni chief
"Teka may kilala po ba kayong Sissannie?" Sabi nito
"Oo ako yun" sabi ni chief
?:Pwede ko po ba kayo maka usap?
S:Sige, chen and evan kayo na ang bahala dito ha?
"Yes po chief" sabay namin sabi ni evan, pag labas nila sa crime scene nag umpisa na kaming mag imbestiga ni evan.
"Evan?" Sabi ko, tumingin siya
"Pwede mo bang sabihin kung ano yung 'Fire Demon'?" Sabi ko
"Ang Fire Demon ay parang red demon ang pinag kaiba lang nilang dalawa ay pag marka ng gusto nilang maging alipin nila, kung ang red demon ay pag minarkahan nila ang isang tao o demonyo maari nilang patayin ang minarka nila kapag hindi nila sinunod ang utos nila, ang fire demon naman kapag minarkahan nila ang tao o demonyo maaring nila itong kontrolin at pag tapos gamitin kukunin nila ang kaluluwa ng minarka nila" kuwento nito
"Bakit kaluluwa lang kinukuha nila?" Tanong ko
"Dahil yun lang ang bagay na nakaka pag buhay sa kanila" sabi niya at may kinuha sa ilalim ng long table
"Oh sir tingnan niyo po ito" sabi niya at pumunta sa akin dala ang maliit na bote na walang laman
Kinuha ko ito at inamoy, amoy rosas ito
"Tara evan samahan mo kong hanapin si ash" sabi ko
Kasi si ash alam ko na alam niya kung sino nag mamay ari ng amoy rosas na amoy ko galing sa bote, bago kami umalis iniwan namin ang kaso sa ibang SA
Pag labas namin ni evan sa blue company nag punta kami ng gold city pag dating namin sa apartment building tinanong namin sa land lady kung may ash ba na naka rent sa kaniya sabi niya ay oo, pag punta namin sa room niya..
*Knock
*Knock
"Ash?, Nandito ka ba?" Tanong ko
Nakaka ilang katok at tawag na kami kay ash walang nasagot pag hawak ko sa doorknob ng room niya naka bukas ito, binuksan ko ng bahagya ang pinto naka patay ang ilaw
"Sir ash?" Sabi ko habang kinakapa ang switch ng nakapa ko ang switch bumukas ang ilaw
"Sir Ash nandito ka po ba!" Sigaw ko pero walang nasagot, lilibotin ko sana ang kuwarto pinigilan ako ni evan.
" Sir chen" mahinang sabi nito habang naka tingin sa sahig, pag tingin ko sa sahig na tinitingnan niya nagulat ako dahil nakita ko si ash sa sahig na walang malay, agad namin siyang nilapitan tiningnan ko ang katawan niya wala naman ito kahit na anong marka, nilagay ko ang daliri ko sa ilalim ng ilong niya wala akong nakapa na hangin hinawakan ko ang wrist niya may pulso ito.
Agad akong tumawag ng ambulansya para ma agapan si ash
Anong nangyari sayo sir ash?
(Ash mention to this chapter is not Ashton, Ash and Ashton are different person)
![](https://img.wattpad.com/cover/280946128-288-k815368.jpg)
BINABASA MO ANG
The Supernatural agents:Hide documents
Mystery / ThrillerAfter Ash found the one who killed the people from the orphanage he disappear for months makes all of the Supernatural Agents think he resigned secretly but in reality he just gone like a bubble was pop in the air. Until, one day chloe figure out a...