S2 Chapter 38:Part time job

7 5 0
                                    

(Chen Pov Before Victor died)

"Chenille abotin mo nga to" sabi ni daphne na naka tayo sa tapat ng chip line.

"Ok po" sabi ko at lumabas ako ng cashier desk para puntahan si mam daphne inabot ko ang chip na pina paabot niya

"Ito na po" sabi ko at binigay ko sa kaniya ang chip

"Salamat, sige balik ka na sa trabaho" sabi niya, saktong pag balik ko sa cashier desk may costumer na pumunta sa cashier desk na may juice bottle na dala.

"Good morning po sir" sabi ko at binigyan ko siya ng ngiti.

"Good morning din sayo... Chenille" sabi niya at binigyan din ako ng ngiti

"Ito na po" sabi ko at binigay sa kaniya ang juice bottle niya pero aalis na sana siya bumalik siya ulit.

"Nga pala ito iho para sayo" sabi niya at binigyan ako ng juice and sandwich.

"Sa akin po yan?" Sabi ko

"Oo"

"Pero-"

"Kainin mo yan para madagdagan ang lakas mo"

"Oh?, Salamat po sir" sabi ko at umalis na siya nilapitan ako ni mam daphne.

"Ang bait niya ano?, Anyway sige ako na ang bahala dito umuwi ka na baka malate ka pa sa school" sabi niya at pumasok sa cashier desk

"Ok po, babalik po agad ako dito kapag tapos na ang klase ko" sabi ko at umalis na ng store.

Pag dating ko sa bahay pumasok na ako sa loob.

"Ito na ang uniform mo kuya" sabi ni lea at pumunta sa akin na bitbit ang uniform ko na inayos niya.

"Dapat nag pahinga ka na lang at ako na ang-"

"Suotin mo na ito kuya ma lalate ka sa school" sabi nito, lumuhod ako ng kaunti tas sinuot niya sa akin ang uniform ko pag lock ko ng aking uniform nag palit na ako ng sapatos kinuha ko na ang bag ko, nag paalam ako sa aking kapatid at umalis na ng bahay tas tumakbo ako kasi hindi ko na namamalayan ang oras mag 8 na pala, pag dating ko sa black campus pumasok na ako sa loob at tumatakbo ako sa hallway papunta sa room 121 at pag dating ko dun may teacher na dahan dahan akong pumupunta sa pinto habang inaabangan ko ang teacher na tumalikod nakita ako ni victor sinenyalasan niya ako na gumapang papunta sa tabi niya..

Sinunod ko ang sinabi ni victor gumapang ako papunta sa kaniya at tagumpay akong nakarating sa upuan ko.

"Marami ka atang costumer ngayon ha" bulong ni victor.

"Hindi naman masyado" sagot ko

V:bakit ka nalate?, Traffic ba?

" Oo, sobra" palusot ko

" Mr. Alvarez and Mr.salvador" sabi ng teacher namin kasi nahuli niya kaming nag uusap.

"Ikaw mr.alvarez late ka na nga nag iingay ka pa" sabi niya

"Sorry po mam" sabay namin sabi ni victor tas tumawa kami, pag tapos ng klase lumabas na kami para mag recess, kami naman ni victor ay nag punta ng canteen pag tapos naming bumili ng pag kain nag lalakad kami papunta sa upuan na may bumangga sa akin at natapon ang juice ko.

"Bulag ka ba ha!?, Nadumihan tuloy yung palda ko" sabi ng babaeng nabuhosan ko ng juice.

"Anong nang yari aliyah?" Sabi ni alex habang napunta sa gawi namin

"Tinaponan niya ako ng juice porket hindi ko binigay ang number ko sa kaniya" sabi nito

"Hoy babae hindi ko hinihingi number mo" sabi ko kasi binabaliktad niya ang nang yari.

The Supernatural agents:Hide documentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon