S2 Chapter 71:Orphanage

7 15 0
                                    

(Ashton Pov when he is still in the orphanage)

"Monster, monster are you there?" Sabi ni mario na nasa tapat ng pinto ng aking kuwarto.

Si mario lang naman ang palagi akong pinag tritripan kasama ng mga kaibigan niya, simula kasi na nalagay ako sa bahay-amponan siya ang mario na yan ang unang bata na binubully ako.

---

"Wala ata diyan si ash-mali yung halimaw" sabi naman ng isa niyang kaibigan

"Nakita ko siya na pumasok dito.. kaya 1,2,3.. "

" Monster, monster are you there hahaha" sabay nilang sabi at tumawa

" Hoy halimaw lumabas ka kakain na daw sabi ni sister" sabi ni mario at narinig ko na humikgik sila.

Inistorbo nila ang tulog ko, tumayo ako at binuksan ang pinto pag bukas ko ng pinto nakita ko si mario hindi ko siya pinansin at nag lakad sa hallway.

"Dito ang daan ash papunta sa dining area" sabi nito, hindi ko siya pinansin nag lakad lang ako, nakarating ako sa labas ng bahay-amponan saglit akong nag punta ng hardin, pag punta ko dun pumunta ako sa duyan na naka puwesto sa gitna ng mga bulaklak at dahon, umupo ako dun at tumingin sa sahig.

"Ikaw si ash di ba?"

Tumingin ako sa batang lalaki na nasa harapan ko

"Oo, nandito ka ba para asarin ako?" Sabi ko

"Gusto ko sanang tulongan mo ko na buhatin yung paso na iyon" sabi niya at tinuro ang paso na naka lagay sa ibabaw ng bato.

"Ah sige" sabi ko at tumayo, pinuntahan namin yung paso na may lupa at tinulungan ko siya na ilagay yun sa tabi ng mga paso na may lupa din

"Salamat sa pag tulong" sabi niya, pag ring ng bell pumasok na kami sa loob ng bahay-amponan.

"Ayan mga bata pag tapos ninyong kumain mag linis na kayo ng katawa ninyo at matulog ok?" Sabi ng madre na nag bigay sa amin na masarap na pag kain.

"Ok po" sabi ng mga bata pwera sa akin

Pag lagay ng pagkain sa aming plato, tiningnan ko lang ang pagkain kasi hindi ako nakain ng normal na pagkain, kumakain man pero nasusuka ko lang, habang naka tingin ako sa plato ko napalitan ito ng karne

Tumingin ako sa katabi ko at ang lalaking tinulongan ko na buhatin ang paso ang nag palit ng pagkain ko

"Sige na kumain ka na" sabi niya, kinuha ko ang plato at binalik sa kaniya ang pagkain niya.

"Kainin mo na yan" sabi ko at umalis ng hapag, dumeretcho ako sa aking kuwarto.

Nasa kuwarto lang ako kasi sino ba naman makikipag kaibigan sa bata na katulad ko na may sungay.

Nakatingin ako sa bintana may kumatok, pag punta ko sa pinto nawala ang katok, pag bukas ko ng pinto may plato na may karne at baso ng gatas na nakalagay sa tray, tumingin ako sa paligid-ligid baka kasi pinag tritripan na naman ako ni mario, wala naman akong nakitang kakaiba kaya kinuha ko ang tray at pinasok sa kuwarto ko, nilagay ko ang tray sa ibabaw ng study table ko at kinuha ko ang tinidor at kutsilyo hiniwa ko ang karne at nilagay ko sa aking bibig.

Pag lunok ko ng karne humiwa ulit ako kasi sa bawat nguya ko ng karne nalalasahan ko ang lambot at lasa nito na matagal ng gustong lasapin ng aking bibig, pag tapos kong kumain uminom ako ng gatas lumabas ako ng kuwarto para ilagay sa lababo ang tray, pag lagay ko ng tray sa lababo bumalik agad ako sa aking kuwarto at natulog na.

-MORNING-

"Ash, ashton gising na mag aalmusal na tayo"

"Ash gising na"

Nagising ako sa mahinhin na boses ng isang madre, pag mulat ko ng aking mata nakita ko siya na nakatingin sa akin na may ngiti sa mukha niya

"Maligo ka na at kakain na tayo" sabi niya

"Ok po" sabi ko at umalis siya, umalis na ako sa aking kama pag tapos kong maligo, hindi ko alam kung kakain ba ako ng almusal o hindi, kasi ang pagkain na binibigay ng mga madre sa amin ay puro gulay at mga pagkain na tanging mga normal na tao lang ang nakain, ayaw ko kasing sabihin ko sa mga madre na ayaw ko ng pagkain nila baka kasi sumama ang loob nila kaya pinili ko na lang na hindi mag salita.

Tinalikodan ko ang dining area, pumunta ako sa hardin sinayang ko ang oras ko na naka upo sa duyan at nag masid-masid, tumayo ako kasi nag bago isip ko sa kuwarto na lang muna ako mag sstay, pag pasok ko sa bahay-amponan tapos na silang kumain para hindi ako makita ng mga madre para mag tanong kung 'bakit hindi ka kumain?, May sakit ka ba? ' .

Ayaw ko kasi na tanongin nila ako dahil wala akong isasagot sa tanong nila.

Pag punta ko ng aking kuwarto nakita ko ang bata na tinulongan ko sa hardin, napansin niya ako sanang papasok ako sa kuwarto lumapit siya sa akin, lumayo ako pero kapag nalayo ako nalapit siya

"Isa akong halimaw, lumayo ka baka kainin kita"sabi ko

Hindi niya ako inimik tas bigla siyang tumawa

"bakit ka natawa?, Ah kaya ka natawa kasi gusto mong mamatay ng masaya" sabi ko

"Gusto kong maki pag kaibigan sayo" sabi nito, tiningnan ko siya na may pag tataka

"Kahit na may sungay ka- mali halimaw ka gusto pa din kita.. na maging kaibigan"habol nito

Yumuko ako, kinagat ko ang braso niya at pumasok sa kuwarto ko

Hindi kasi ako maka paniwala na makiki pag kaibigan siya sa akin, akala ko kasi lumapit siya sa akin para asarin ako.

Lumabas ako ng kuwarto at nilapitan siya

" Totoo ba na makiki pag kaibigan ka sa akin? "Tanong ko

Hindi ko kasi sure kung totoo ang sinabi niya

" Oo naman, kakaiba ka, sabi ng mga bata dito sa bahay-amponan kakaiba ang itsura ganon din 'daw' ang ugali mo... So naisipan ko na paano kung makipag kaibigan ako sayo para ikompirma kung totoo ba ang sinasabi nila o hindi" sabi nito

"Totoo yun, kakaiba ako kakaiba din ugali ko" sabi ko

?:sa tingin ko naman hindi

"Tingnan mo yung braso mo may kagat ko, ibig sabihin kakaiba ako" sabi ko, tinawanan niya lang ako

" Anyway ako si ian ikaw? "Sabi niya

" Kilala mo naman ako di ba? "Sabi ko

" Ako naman si ash" habol ko

" Nice to meeting you" sabi niya at ngumiti.

Totoo ang lahat ng sinasabi niya, hindi ko alam kung nanaginip ba ako o totoo tong nangyayari sa akin.

Someone bang my head in the wall

•••

The Supernatural agents:Hide documentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon