<Ash Pov>
Hindi ko aakalain na mahahawa ang isang mayaman na tao ng M Disease kasi base in my investigation ang M Disease ay galing sa isang tao na nasapian ng black soul at tanging mga may problema sa buhay lang ang mahahawaan nito..
Paano nabuo ang M Disease?
Ang M Disease ay gawa sa kadiliman, kalungkutan, galit at pag hihiganti
Saan galing ang M Disease?
Galing ito sa mga black souls na sumasapi sa mga taong may problema na hindi na sosolba gamit ang tao na sinaniban nila lalapitan nila ang taong may problema sa buhay sa pamamagitan ng pag trigger ng lungkot o galit nila dun na mag sisimulang mabaliw ang tao at mahawaan ng M Disease.
---
Lumabas na ako ng station at nag punta naman ako SA Station- hindi sa blue company pala para mag trabaho.
"Hi- ash anong nangyari sayo bakit ka naka wheel chair?" Sabi ni chen na nakatayo sa gilid ng table ni veronica.
"Nahulog kasi ako sa hagdan" sabi ko at inikot ko ang wheel chair papunta sa aking table.
Bakit nga ba ako naka wheel chair?
Kasama kasi ito sa aking 'Hidden Plan'
Bakit ka may Hidden Plan?
Para mahuli ko si veronica dahil kasi may kutob ako na may kinalaman siya sa pag kalat ng M Disease at sa pag kawala ng mga bata at teenagers na babae, narinig ko kasi sa balita kanina na may nawawalang bata at babae tas karamihan sa kanila at natatagpuan na patay tas may butas ang dibdib yung iba naman hindi na mahanap
Bakit si veronica ang nakutoban mo na nag pakalat ng M Disease?
Unang pasok niya pala bilang SA na amoy ko sa kaniya na may binabalak siya pinapabayaan ko lang para pag tapos ng plano niya dun palang ako kikilos.
Kaya naka upo ako ngayon sa wheel chair para mapadali ang plano ko, balak ko kasing sundin si veronica sa kung saan man siya pupunta, kapag kasi hindi ako naka wheel chair mapag hahalataan niya ako na sinusundan ko siya lalo pa't minsan lang ako mag paramdam sa station kaya mas ligtas ako kapag naka wheel chair ako.
---
Habang nag kaka likot ako ng mga kaso ng mga bata at babaeng patay may nag lapag ng iced coffee sa aking desk.
"Mag kape ka muna para may lakas ka"
Napa tingin ako sa nag salita at si veronica yun
"Oh?, Salamat" sabi ko at ningitian siya
"Welcome, have a good start" sabi niya and she smile at me tas pumunta sa desk niya
"Welcome in our team!" Sabi ni chen tas may nag lakad na babae at teka si ashley yun ah.
"Tch" sabi naman ni ashley at pumunta sa desk niya na malapit sa desk ko.
"Oh hi ash ngayon lang kita nakita dito at anong nang yari sayo?" Sabi niya
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko
" Ganyan ka pala mag welcome ng bagong agent huh? "Sabi niya sabay nilagay yung siko sa ibabaw ng sandalan ng aking desk.
"Bagong agent?"Taka kong sabi
"Oo, naka limutan ko sayong sabihin siya nga pala si ashley ortega ang bago natin agent" sabi ni chen na naka ngiti.
" Ah akala ko bagong papalit sa akin" out of nowhere kong sabi
" Bakit ka naman nila papalitan maganda ka kayang ipakain sa mga pating na nahabol sa mga SA" sabi ni ashley na naka ngiti pa
" Biro ba yan?, Anyway alis muna ako"sabi ko at inandar ang wheel chair.
"Saan ka pupunta?, Alalayan na kita"sabi ni chen at hinawakan ang wheel chair ko
" Kakain ako saan mo gusto? "Sabi ko
" Ahm sa ramen house na lang" sabi niya
" Ok"sabi ko at nag punta kami sa ramen house.
Pag punta namin sa ramen house nag order na kami mga ilang minuto dumating na ang order namin
*Slurp
"Mmm ang sarap pala ng ramen" sabi ni chen sabay nguya ng noodles.
Hindi ko siya inimik at kumain na din ako
"Pwede ba akong mag tanong?" Sabi nito
"Ayan nag tanong ka na" sabi ko habang naka tingin sa ramen
Ch:ano ahm, ano talaga nang yari sayo bakit ka naka wheel chair?
A:nahulog nga ako sa hagdan nung isang araw
" Talaga? "Sabi nito, huminto ako sa pag kain at tiningnan siya
" Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko? "Sabi ko kasi alam ko na hindi siya naniniwala dahil kahit na hindi ko siya nakaka sama base sa mala action movie niyang mukha at galaw ang lalaking ito ay hindi madaling maloko
"Huh?,naniniwala naman ako" sabi niya at kumain
"Ok"sabi ko at kumain
Pag tapos namin kumain bumalik na kami sa blue company pero dadalhin pa lang ako ni chen sa aking table biglang umikot yung wheel chair ko at dinala ako sa folder room.
"Hoy ashley anong gagawin ko dito?" Sabi ko
"May ipapakita ako sayo" sabi niya at pumasok sa folder room, pag pasok namin sa loob iniwan niya ako saglit at nag halukat ng mga folders
"Ano yung ipapakita mo?" Sabi ko na naka tingin sa kaniya
"Ito" sabi niya at pinakita sa akin ang kulay black na folder
"Ano yan?" Taka kong sabi kasi hindi ko pa nakikita ang folder na nahanap niya
"Tingnan natin kung ano to" sabi niya at lumabas na kami ng folder room
(Ash mention to this story is not Ashton, Ash and Ashton are different person)
BINABASA MO ANG
The Supernatural agents:Hide documents
Mystery / ThrillerAfter Ash found the one who killed the people from the orphanage he disappear for months makes all of the Supernatural Agents think he resigned secretly but in reality he just gone like a bubble was pop in the air. Until, one day chloe figure out a...