KABANATA 19: TAGAPAGLIGTAS
THIRD PERSON'S POV
"Oh, ano? Sa tingin ko hindi mo na kaya pang sumagot dahil mukhang mamatay ka na. Kawawa ka naman, tila hindi ka na makakapasok sa paaralan ng Akademya de Minika. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa katangahan mo kaya-"
Hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa biglang may dumating. Mabilis silang umilag nang nakita nila ang mabilis na pag-ataki ng taong ito.
"Ako kaya ang kalabanin niyo hindi iyong mas mahihina sa inyo!" seryoso niyang sigaw sa dalawa.
"H-hayabusa?" nauutal nilang usal sa pangalan ng taong pumigil sa kanilang paslangin kay Shira.
"Nag-iisa lang sa mundo at wala ng iba!" maangas niyang sagot.
"Huwag kang matakot sa kanya Noel. Nag-iisa lamang siya, dalawa tayo. Kaya natin siyang talunin!" pagpapalakas loob na wika ng babae sa kay Noel.
"Tama ka, Inda. Maghanda ka dahil may hayop tayong patatahimikin," matapang namang tugon ng lalaking nagngangalang Noel sa babaeng kasama niyang nagngangalang Inda.
"Subukan niyo, kung kaya niyo!" mapanghamon na sabi ni Hayabusa saka sarkastikong ngumiti.
"Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo!" matapang na sigaw ni Noel at naunang umataki sa kanilang kalaban.
Itinapat ni Noel ang palad kay Hayabusa at lumabas ang mga matatalim na maliit na kahoy. Mabilis itong lumipad sa gawi ni Hayabusa ngunit maagap siya at agad na nailagan ito.
Ngunit sa paglayo ni Hayabusa, nakadama siya ng presensya sa likuran niya. Nakita niya mula sa gilid ng kanyang paningin ang ataking nagmumula sa likuran at mabilis na sinalo ang kamao nito.
Mahigpit na hinawakan ni Hayabusa ang kamao ng kalaban at pigilan ito na tumakas saka binigyan ng malakas na sipa sa mukha. Malakas itong napadaing sa sakit.
"Ang lakas niya para sa isang babae," mahinang bulong ni Inda sa sarili.
"Hindi na rin masama ang kombinasyon niyong dalawa. Tila humusay yata kayo. Anong nangyari?" nakangising pang-aasar ni Hayabusa sa dalawa na kinangitngit naman nila sa inis.
"Pagbabayarin kita sa pang-iinsulto mo sa amin, Hayabusa! Ipapakita ko sayo ang pinalakas kong kapangyarihan!" galit na sigaw ni Inda.
"Wala akong utang sayo kaya wala akong pagbabayaran," sarkastiko namang tugon ng dalaga.
Nagulat si Hayabusa nang biglang nabalot ng apoy ang buong katawan ni Inda. Sa ginawa nitong pagbalot ng apoy sa buong katawan niya ay mas lalong lumakas ang kanyang pisikal na katangian at domoble ang likas na bilis.
Bigla siyang nawala sa paningin ni Hayabusa. Hindi niya nasundan ng tingin ang biglaan nitong paggalaw. Napalingon si Hayabusa sa gilid niya at nakita ang papalapit na kamao sa kanyang mukha. Sinubukan niya itong iwasan ngunit masyadong mabilis ang kalaban na naging dahilan ng pagtilapon niya papalayo.
Bago pa si Hayabusa nakabawi mula sa ataking iyon, bigla siyang nahiyaw sa sakit nang naramdaman ang malakas na pagsipa ni Noel sa kanyang likuran.
"Binalot mo ng apoy ang buo mong katawan para mas mapabilis at mapaliksi ang galaw mo. Hindi ko inasahan na lumakas pala kayo lalo mula noong huli nating laban," nakangising wika ni Hayabusa. Hindi niya inasahan na ang dating nakalaban at natalo niya noon, bigla na lang lumakas at halos talunin na siya ngayon. "Napabilib niyo kong dalawa-"
Napatigil si Hayabusa sa sasabihin, nang nakita niya ang muling pag-ataki ni Inda sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil inasahan niya na ganun ang mangyayari. Malalim siyang huminga ng malalim at kinondisyon ang sarili sa papalapit na pag-ataki ng kalaban.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasyCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...