10

179 30 8
                                    

KABANATA 10: ELKANTEUS

SHIRA

"Saan tayo pupunta, Sita?"

Napansin ko na iba ang tinatahak niyang daan katulad ng kasamahan niya. Sa pagkakalaam ko, nasa kanlurang bahagi ng gubat ang kanilang tinutuluyan. Nakapunta na ako rito dati noong buhay pa si maestro, ngunit matagal na 'yun noong bata pa ko. Pero tandang-tanda ko pa ang daan patungo sa lungga nila. Pero bakit tila may nag-iba?

"Nagbago ang lugar na aming tinutuluyan dahil may nangyari na hindi inasahan noon," sagot niya sa akin habang patuloy sa pagtakbo.

"Bakit? Bakit ano ba ang nangyari na hindi niyo inasahang mangyari?" takang tanong ko sa kanya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo."

Hindi na ako nagtanong pa dahil kahit tanungin ko siya. Kilala ko si Sita, alam kong hindi niya naman ako sasagutin. Kahit sa maikling panahon, naging matalik kaming magkaibigan ni Sita noong mga paslit pa ang bawat isa.

Pero ngayon, maraming nagbago sa kanya at isa na roon ang pisikal na kaanyuan. Matagal din kaming hindi nagkasama at nagkita. Hindi ko alam kung siya pa ang Sita na naging kaibigan ko noon.

Pinaling ko ang tingin sa paligid, ngayon ko lang napagtanto na mas lalong dumilim ang paligid. Habang unti-unti kaming lumalayo, unti-unting dumidilim ang daang tinatahak namin. Hindi ko na makita kung ano ang nasa paligid. At wala akong ideya kung saan bahagi na ba kami ng gubat nakarating dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng buong lugar.

Naramdaman ko ang paglamig ng paligid dahilan upang mas lalong humigpit ang yakap ko kay Sita. Tila nababalutan ng nyebe ang buong lugar kahit sobrang dilim.

Nagdaan ang ilang minuto na madilim at maginaw pa rin ang paligid dahilan upang manginig ako sa lamig. Lumalakas ang kalabog ng aking dibdib sa ideyang baka saan ako dinadala ni Sita. Hindi ko na alam kung siya pa ba ang kaibigan ko dati na palagi kong kalaro. Hindi ko mapigilan ang matakot sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko.

Pilit kong inaaninag ang madilim na paligid hanggang sa may nakita akong maliit na liwanag sa malayo. Habang papalapit kami ng papalapit, lalong lumalaki ang munting liwanag. Nang tuluyan kaming makalapit, isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa amin dahilan upang mapatakip ng mga mata.

"Buksan mo ang iyong mata Shira at pagmasdan ang kagandahan ng paligid," narinig ko ang malambot na boses ni Sita.

Unti-unting kong minumulat ang aking mga mata at biglang nanlaki sa gulat ng pagmasdan ko ang buong paligid. Bumungad sa paningin ko ang magandang tanawin na nagmistulang paraiso, umaalpas at nagsisilbing tanglaw sa mga matang umaasam sa pag-usbong ng panibagong araw.

Ang langit ay masayang ipinakikita ang mga kulay na tila mga bughaw na luhang nagpapahiwatig ng bagong simula. Ang liwanag, na para bang nag-iimbita, ay bumubukas ng mga pintuan sa mundong puno ng pag-asa, kung saan ang kahapon ay nagpapalitaw ng ngiti at ang bukas ay naghihintay ng masayang paglalakbay.

Pinasadahan ko ang ng paningin ang buong paligid. Hindi ko sukat akalain na may ganito pala kagandang lugar rito sa loob ng kagubatan ng Norioh. Tunay na kagila-gilalas ang mga tanawin dito.

Napapalibutan ang buong paligid ng mga mababangong bulaklak na kulay ginto ang talulot na kumikinang dahil sa sikat ng haring araw. Ang mga punongkahoy na kulay dilaw ang bawat mga dahon. Mga bulubundukin na babalutan ng nyebe ang tuktuk kahit hindi naman taglamig o umuulan ng nyebe sa lugar na ito.

Nakangiti akong bumaba sa likod ni Sita at hinawakan ang mga bulaklak na kay sarap pagmasdan. Nakita ko na napakaraming mga kentaurus na nagsikalat sa buong lugar.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon