65

72 13 25
                                    

KABANATA 65: ZȌLTO

TRIVIA: ZȌLTO is a slavic word which means gold. Slavic is a branch of the Indo-European language family containing Belarusian, Bulgarian, Czech, Polish, Serbian and Croatian, Slovene, Russian, and Ukrainian.

***

THIRD PERSON'S POV

"Zeron, Aoki, lalagyan ko ng proteksyon at supporta ang inyong mga katawan gamit ng inkantasyong bibigkasin ko!"

Tumango ang dalawa bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Feron. Agad na umaksyon si Feron at nag-umpisang magbaybay ng inkantasyong pangsuporta.

"Ille arma! Ille armatura! Ille suscípiet! Deus Inciant! "

Sa sandaling natapos niyang bigkasin ang inkantasyon ay agad itong umepekto. Nabalot ng asul na lumiwanag ang katawan ng dalawa niyang kaibigan na sina Zeron at Aoki. Pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman nila ang paggapang ng kakaibang enerhiya sa buo nilang katawan na naging sanhi ng pag-init ng kanilang mga buto at kalamnan.

Agad na umepekto ang inkantasyon na binaybay ni Feron. Ito'y nagdulot ng pagdagdag ng kanilang pisikal na lakas, bilis, istamina, tatag ng pangangatawan, at liksi ng kanilang kilos. Naging mas malakas sila ng sampung beses sa dati nilang lakas. Gumaan ang kanilang katawan at tila nagkaroon ng hindi nakikitang baluti na pumoprotekta sa kanila laban sa kapinsalaan at kapahamakan.

Hinanda nila ang kanilang mga sarili sa magaganap na laban. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nabalot ng kuryente ang buong katawan ni Zeron at naunang sumugod sa kalaban. Mabilis itong umatake patungo sa diablo at binigyan ito ng malakas na suntok sa mukha. Ngunit naiwasan ng diablo ang kanyang atake at tumalon papalayo sa kanya.

Sumilay ang kakaibang ngiti sa mukha ng diablo. Tila nanunudya na ngumisi kay Zeron nang makalayo siya rito. Ngayon, ang diablo naman ang umatake kay Zeron.

"Nigrum Ignis!"

Sa isang iglap, biglang lumitaw mula sa kawalan ang mga bolang itim sa ere. Ang mga bolang ito ay nagtataglay ng malakas na itim na mahika na delikado sa kahit na sino. Lalo na kapag tumama ito sa isang tao, kahit pa ang mga tulad ni Zeron.

Nang ikinumpas ng diablo ang kanyang kanang kamay, isa-isang lumipad ang mga bolang itim patungo kay Zeron.

Mabilis na iniwasan ni Zeron ang mga atake nito. Sa sandaling tumama ang mga bolang itim sa lupa, bigla itong umusok at sumabog ng napakalakas.

Muli silang inatake ng diablo at bago pa sila matamaan ay agad na nagbaybay ng isang inkantasyon si Feron. Mabilis siyang gumawa ng pananggalang palibot sa kanilang tatlo.

"Deus Protectus!"

Sa kabutihang palad, walang may nasugatan o nagalusan sa kanila dahil sa ginawang proteksyon ni Feron. Ngunit hindi nagtagal ang bisa ng pananggalang nang muli na naman silang atakihin ng kalaban. Maya-maya pa tuluyang nawasak ang proteksyon ni Feron.

Agad silang tumakbo papalayo nang muli na naman sila nitong inatake. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi sila naabot ng atake nito. Sunod-sunod ang mga pag-atake ng diablo na nagsanhi ng sunod-sunod na pagsabog. Ang pagsabog na ito ay nagdulot ng malakas na pagyanig ng lupa. Naulit muli ang mga pag-atake ng diablo pero lahat ng iyon ay hindi sila natamaan.

Napakunot ang noo ni Zeron nang napansin niyang hindi sila ang pinatatamaan nito. Nagtaka si Zeron bakit hindi sila nito hinabol nang lumayo silang tatlo. Kung iisiping mabuti, ito pa nga ang may kalamangan pagdating sa mapaminsalang kapangyarihan. Maaari nito silang atakihin hanggang sa masira ulit ang kanilang pananggalang. Sa gayong paraan ay maaari nitong matapos ang kanilang buhay.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon