KABANATA 69: ANG MAPAIT NA NAKARAAN
THIRD PERSON'S POV
"S-shira t-tu-tulong," naghihikahos at nahihirapang paghingi ni Jena ng tulong.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Shira at bumalik sa tamang huwisyo, nang narinig nito ang paghingi ng tulong ni Jena rito. Nanginginig na itinapat ni Shira ang palad kay Jena. Nagliwanag ang kanyang kamay na at lumabas ang pulang usok.
Lumapit ang pulang usok kay Jena at binuhat ang katawan nito sa ere, at dinala palapit kay Shira. Nang nakalapit ito sa kanya, marahan niyang inilapag sa lupa ang katawan nitong naliligo sa sariling dugo.
Mabilis niyang pinunit ang laylayan ng suot na uniporme at itinali sa dibdib ni Jena upang pigilan ang patuloy na pagdurugo ng sugat nito. Bumaybay siya ng isang inkantasyon upang pigilan ang pagdurugo ng sugat nito, pero hindi ito gumana na labis niyang pinagtaka. Gumamit siya ng ibang inkantasyon pero ang resulta ay katulad ng nauna, hindi ito gumana.
Galit na ibinaling niya ang tingin sa taong sumaksak kay Jena at sinigawan ito. "Anong ginawa mo?! Paano mo nagawa ang bagay na iyon?!"
Ngumiti ito ng matamis at sabay na sumagot. "Dahil tapos na ang kanyang tungkulin na pagsilbihan ako," masaya nitong tugon at malakas na tumawa ng malademonyo.
"Hindi ako makapaniwala na kaya mong gawin ang ganitong bagay, Aoki!" bulyaw ni Shira sa kaharap.
Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Shira, nagngitngit ang mga ngipin at bumilis ang kanyang paghinga. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Aoki.
"Dahil iyon ang nararapat," nakangiti nitong tugon.
Mas lalong umapoy ang galit sa puso ni Shira dahil sa walang kwentang sagot na isinagot ni Aoki sa kanya. Galit niyang sinalubong ang mapaglaro nitong mga mata at malakas na sinigawan. "Walang hiya ka! Ano ba ang nangyari sayo-"
"S-shira..." naputol si Shira sa sasabihin nang narinig ang tinig ni Jena. "P-pa-patawarin mo k-ko sa lahat ng masasamang bagay na g-ginawa ko s-sayo. A-alam kong hindi mo ko m-mapapatawad ng ganun kadali, k-kinain ako ng s-sarili kong inggit at g-galit na nagtulak sa akin na g-gawin ang hindi n-nararapat."
Lumamlam ang mga matang tumingin si Shira rito. Marahang hinaplos niya ang mukha nito at ngumiti ng mapait.
"Hindi naman ako nagtanim ng galit sayo. Siguro naiinis, pero hindi kita kinamuhian. Aaminin ko na minsan nagagalit ako dahil sa pagpapahiya mo sa akin sa harap ng maraming tao, pero panandalian lamang ang galit na 'yun. Ikwinento sakin ni Hanila ang tungkol sa pagiging magkaibigan niyo dati. Hindi ko talaga inakala na ang Ina na tinutukoy niya ay si Nanay Kiva. At sana patawarin mo ako."
Napaiwas ng tingin si Jena kay Shira dahil sa huling pangungusap na tinuran nito. Malalim siyang napahugot ng hininga at nahihirapang nagsalita. "Aaminin ko na n-nagalit ako sayo, k-kahit ngayon ay h-hindi pa kita masyadong n-napapatawad. At p-patawarin niyo sana ako sa ginawa kong p-pagtaksil sa inyo at p-pagnakaw s-sa Yabi de Diabolos. N-nagawa ko lamang iyong dahil p-pinangakuan ako ni Aoki na b-bubuhayin niya si Ina. Gusto ko lang naman m-makapiling siyang m-muli. P-pero hindi ko inakala n-na g-gagawin niya sa akin a-ang bagay n-na ito."
Ngayon ay naunawaan na ni Shira bakit nagawa nito ang saktan siya. Mas lalo siyang naawa sa mga naranasan ni Jena, lalo na noong nawalan ito ng magulang.
Mariing ipinikit ni Jena ang mga mata at pinigilan ang sarili na mapaluha, habang inaalala ang kaniyang mapait na nakaraan. Ang senaryo kung saan sinakripisyo ng kanyang ina ang buhay nito upang iligtas si Shira.
Ang mga alaala na nangyari noong nagdaang tatlong taon ay muling nagpabigat ng kanyang damdamin. Ang masaklap nitong pinagdaan ay hindi niya makakalimutan. At ngayon, hindi niya inasahan na mamamatay siya dahil sa kataksilan ng taong pinagkatiwalaan niya. Isa-isang nanumbalik ang mga alaala sa isipan ni Jena. . .
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasyCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...