KABANATA 3: MAKAPANGYARIHANG MAHIKA
THIRD PERSON'S POV
Nanlaki ang mga mata ni Akita nang naramdaman ang napakalakas na enerhiya na nagmumula kay Shira. Nagtataka siyang napatitig sa walang buhay na si Shira. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaibigan pero sigurado siyang may kakaibang mangyayari.
Halos magsalubong ang mga kilay ni Akita nang napansin ang unti-unting pagbalik ng kulay ng balat ni Shira sa dati at pagbalik ng init ng katawan ng kaibigan. Impit siyang napadaing sa sakit nang uminit ang katawan ni Shira dahilan upang mabitawan niya ito.
Agad napansin ni Akita ang pagbago ng panahon. Awtomatikong napatingala siya nang dumilim ang buong kalangitan. Gumuhit ang kidlat at sumunod ang malakas na pagkulog. Lumakas ang ihip ng hangin na halos tangayin ang lahat ng tao sa bugso nito.
Sa isang iglap, malakas na lumindog ang lupa dahilan upang mawalan ng balanse ang ilan at bumagsak sa kinatatayuan.
Hindi alam ni Akita ang nangyayari. Binaling niya ang tingin sa paligid at pinagmasdan ang lahat na katulad niya nakakunot din ang noo sa kalituhan. Napahawak si Akita sa
dibdib nang naramdaman nito ang malakas na kabog ng kanyang puso.Maya-maya pa, biglang tumahimik ang paligid, nawala ang pagkidlat at pagkulog. Huminto ang paglindol ng lupa at nawala ang malakas na bugso ng hangin.
Akala nila ay bumalik na ang lahat sa dati, ngunit nagkamali sila. Hindi nila inasahan ang sunod na nangyari. Bigla silang nakadama ng malakas na kapangyarihan dahilan upang mapahulod sa kanilang kinaroroonan na tila hinihila sila ng grabidad pababa. Unti-unting lumutang sa ere ang mga maliliit na tipak ng bato at muling yumanig ang lupa.
Agad na napalingon ang lahat sa walang buhay na si Shira nang unti-unting lumutang ang katawan niya sa ere na tila binubuhat ng hindi nakikitang puwersa. Marahang bumukas ang kanyang mga mata na tila biglang nagising mula sa mahimbing niyang pagkahimlay. At sa kanyang pagmulat ay lumiwanag ang mga mata.
Rinig sa paligid ang sunod-sunod na paglunok ng lahat habang nakatingin kay Shira. Namuo ang butil ng pawis sa kanilang mga noo habang nakaluhod pa rin sa lupa.
Unti-unting umawang ang labi ni Shira at lumabas ang kakaibang salita. Isang salita na hindi pa nariring ng lahat, maliban sa Va Viasgre na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Shira."En thæs nomen ab thæs poteré ab lucere,
Lætanmā borwēn ēow limité poteré,
Covrirmā bodig vi ēow lucere kusugín,
Covrirmā monerè vi ēow mintig wīs,
Lætanmā ēow vas tõ deore," tumigil si Shira sa kalagitnaan ng kanyang pagbigkas ng inkantasyon at binaling ang tingin sa mga indora.Malalim na napabuntong-hininga ang Va Viasgre nang napagtanto niya na isang mataas na uri ng inkantasyon ang binigkas ni Shira.
"Sino ang batang ito?" mahinang bulong ng Va Viasgre sa sarili.
Malalim na humugot ng paghinga ang Va Viasgre at bumaybay ng inkantasyon na tanging siya lang ang makakarinig. Pagkatapos ay naging hugis krus ang balintataw ng kanyang mga mata.
Wala sa sariling napatango ang Va Viasgre habang nakatingin kay Shira. "Klaro na ang lahat sa akin. Naiintidihan ko na," mahina niyang usal sa sarili at muling bumalik sa dati ang balintataw ng mga mata.
Inilibot ni Akita ang tingin sa ibang naroon at katulad niya, nanlalaki ang kanilang mga mata sa gulat. Ang iba naman ay nakakunot ang mga noo sa pagtataka habang diretso ang tingin sa kaibigan niyang si Shira.
Hindi lubos maintindihan ni Akita kung ano nangyayari kay Shira. Hindi niya inasahan ang bigla nitong pagbigkas ng kakaibang salita. Katulad ng lahat ay gulat at nagtataka rin siya kung saan natutunan ni Shira ang ganoong lenggwahe. Mas lalong dumoble ang kutob niyang may tinatago itong lihim sa kanya.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasiCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...