KABANATA 58: HINDI INAASAHANG LABAN
SHIRA
Ilang linggo na ang lumipas mula ng nagsimula ang unang araw ng klase ng pagiging Secondo Anno, at magpahanggang ngayon, binubwesit pa rin ako ni Sierra. Nag-umpisa na naman siyang bwesitin ako at tila ayaw niya talaga akong tigilan.
Palagi niya na lang akong pinapahiya sa harap ng maraming tao. Akala ko titigilan niya na ko, ngunit mas lalo niya pa kaming pinipeste. Pansin ko nitong nagdaang mga araw, lalong lumalala ang pagpapahiya niya sa'min, lalo na sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi niya gusto na narito ako sa Akademya. Pakiramdam ko talaga may galit siyang kinikimkim sa akin at 'yon ang hindi ko alam kung bakit.
Di ko batid bakit ganoon ang pakikitungo niya sa amin, lalo na sa akin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong kasalanan sa kanya at hindi naman ako nakasakit ng damdamin ng ibang tao.
Hanggan ngayon, 'di ko talaga maintindihan kung bakit siya gano'n. Wala akong maisip kung ano ang kanyang dahilan ng palagi nitong panglalait sa akin. Ang iba ay maayos naman ang pakikitungo sa akin, siya lang talaga ang nagsasabi ng masasakit na salita sa amin.
Marahas akong napabuga ng hininga. Hindi maganda ang nangyari noong unang araw ko sa pasukan, at nitong mga sumunod pang araw ng pasukan, at ng mga sumunod pa.
Napapaisip ako minsan, bakit kaya galit sa akin ang babaeng iyon? Nagkakilala na ba kami dati at may nagawa akong mali sa kanya at nakalimutan ko lang?
Pero parang malabo naman yatang mangyari ang bagay na iyon. Kahit isang beses ay hindi ko siya nakita o nakilala, dito lang sa loob ng Akademya. Mula sa aking kamusmusan hanggang sa kasalukuyan, 'di ko talaga nakita ang pagmumukha niya.
Mabuti na lang at palaging nasa tabi ko si Busa para ipagtanggol ako laban sa kanya. Kung wala marahil siya sa tabi ko, malamang, naging impyerno na ang buhay ko. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil hindi niya ako iniwan.
Palagi kaming magkasama kahit saan ako pumunta, maliban na lang kay Hayanaré na wala talagang pakialam sa aming dalawa. Hindi niya rin kami pinagtatanggol mula sa babaeng 'yon. Wala talaga siyang pakialam. Minsan naiisip ko, may puso kaya ang lalaking iyon?
Naisip ko minsan na humingi ng tulong kay Zerena kasi alam kong matutulungan niya talaga ako upang mapaalis ang babaeng 'yon rito sa Akademya, subalit nahihiya naman akong humingi ng tulong sa kanya dahil marami na siyang nagawang tulong sa akin. Hindi naman ako abuserong tao katulad ng iba. Kaya haharapin ko ang suliraning ito ng walang tulong mula kay Zerena.
Pero ang hirap talaga ng sitwasyon ko ngayon! Hay naku!
Nakakawalang gana talaga kumain. Kasalukuyang nasa kantina kami ngayon at nakaupo sa bakanteng mesa kumakain ng agahan. Bago kami makapasok sa kantina ay maraming tao na ang nag-aagahan dito tuwing umaga bago pumasok sa kanya-kanyang silid-aralan.
Mga mag-aaral na nanggaling sa iba't-ibang baitang. Kapansin-pansin din ang iba't-ibang kulay ng suot nilang medalya na nakabatay ayon sa kanilang ranggo at baitang.
Ayon sa nabasa kong impormasyon mula sa isang libro na hiniram ko sa malaki at malawak na silid-aklatan ng Akademya, ang mga Electus at mga baguhang guro ay magkapareho lang ang antas sa paaralang ito. At nalaman ko rin na hindi na nila kailangan pang mag-aaral dahil sa taas ng antas ng kanilang ng mahika. Kaya nirerespeto at ginagalang ang mga electus sa loob at labas ng paaralan.
Kaya pinag-iigihan kong mabuti upang mapabilang sa mga electus, kahit minsan tinatamad akong magbasa. Malaking pasasalamat ko kay Busa dahil pinipilit niya akong mag-aral. Ngunit ang demonyong si Sierra ay malaking balakid sa pag-abot ko ng aking pangarap. Nakakagigil talaga ang babaeng 'yon.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasyCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...