33

101 25 18
                                    

KABANATA 33: LABYRINTHUS (Prt. 7)

HAYABUSA

Isang oras na kaming nagpapalitan ng atake ngunit ang bawat isa sa amin ay ayaw sumuko at magpatalo. Bawat pagsalakay na binibigay niya ay ginagantihan ko rin kung gaano kalakas at pulido ang mga pag-atake nito.

Ito ang kauna-unahang laban na binuhos ko lahat ng aking makakaya ngunit tila hindi pa sapat. Ito rin ang kauna-unahang laban na nagkaroon ako ng kalaban na ganito kalakas. Ngunit kahit gaano siya kalakas, hinding-hindi ko siya susukuan at mananalo ako kahit anong mangyari.

"Bakit ayaw mo pang sumuko?! Halatang nauubusan ka na ng lakas!" halata ang inis at pagkairita sa boses nito.

Napatawa ako sa sinabi niya. Ano tingin niya sakin susuko na lang ng ganun kabilis?! Hindi ako katulad ng iba na agad susuko kapag nakaharap ng malakas na kalaban. Oo aaminin ko na malakas siya, pero malakas din ako kaya lalabanan ko siya hanggang kamatayan. Ito ang laban na hindi ko susukuan. Ito ang laban na kailangan akong manalo.

"Huwag mo kong maliitin. Hindi ako katulad ng iba na agad sumusuko! Halata rin naman na nauubusan ka na ng lakas tulad ko, at alam ko na alam mo na malapit ka na sa iyong limitasyon," sagot ko rito.

Sa halip na sumagot sa mga tinuran ko ay binigyan niya lamang ako ng kakaibang titig at ngumisi na tila nagpapahiwatig na may binabalak siyang masama. Nagulat ako nang bigla siyang nawala sa aking harapan, namalayan ko na lang amg duguan kong braso. Tama nga ang hinala ko na may binabalak siyang hindi maganda, at huli na bago ko pa iwasan ang ataking iyon.

Mabilis na dumaloy ang masaganang dugo sa aking braso. Agad kong pinunit ang laylayan ng aking suot na damit at itinali sa sugat upang matigil ang pagdurugo. Marunong naman akong gumamit ng mahikang panlunas ngunit ayaw kong mag-aksaya ng lakas. Iniipon ko ang aking enerhiya para sa laban ko sa diablong kaharap ko ngayon.

Binigyan ko siya ng matalim na titig ng bigla itong tumawa ng malakas. Tsk. Pagbabayaran mo ang ginawa mo!

Mabilis akong tumakbo patungo sa gawi niya na at agad ko siyang sinuntok ng malakas na mabilis niya namang nailagan. Napangiti ako dahil inasahan ko na ganun nga ang gagawin niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pagngisi ko. Sinubukan niyang lumayo mula sa akin ngunit huli na ang lahat. Ngayon, ako naman ang hahalakhak sa ating dalawa.

Mabilis akong tumakbo patungo sa likuran niya at agad siyang inatake. Bumuo ng matalim na anyo ang tubig mula sa aking mga kamay at mabilis kong sinaksak sa kanyang tagiliran. Napadaing siya, bakas ang hapdi sa kanyang mukha habang pumilipit ang kanyang katawan sa sakit.

Tumakbo siya palayo, mariing hinawakan ang sugat habang umaagos ang malansa niyang dugo. Napangisi ako, pinagmamasdan ang kanyang paghihirap.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" nanggagalaiti nitong turan.

Bigla niyang inihagis ang mga bola ng buhangin sa akin. Umiwas ako, mata'y nanlilisik habang sinusuri ang kanyang galaw. Ano na naman ang binabalak niya?

Sa sandaling tumama ang mga ito sa lupa ay isa-isa itong sumabog. Agad akong tumalon at lumayo mula sa mga ito ng gumuho ang lupa mula sa pagsabog.

"Aquaphyllion!" lumabas ang butil ng tubig mula sa aking mga daliri, dahan-dahang lumulutang sa ere saka naging matalim na espada. Isa-isang tinapon ko ang lahat ng mga espada sa kanya.

Mabilis niyang iniwasan ang aking mga atake, ngunit may ilan na nasugatan siya.

Pagkalapat ng aking mga paa sa lupa, dagli akong gumawa ng makapal na hamog at pinakalat sa buong paligid upang harangan ang kanyang paningin na makakita.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon