KABANATA 60: PROPESOR EROS
SHIRA
Ginamit ko ang aking kapangyarihan sa aming dalawa ni Busa na lumutang sa ere at nagmamadaling lumipad patungo sa kagagawango ng punong-guro. Ilang minuto ang tinagal ng aming paglipad bago kami nakarating sa kagagawango ni Propesor Eros.
Maingat kaming lumapag sa sahig, tinitiyak na hindi makakalikha ng anumang ingay na magbibigay inis sa punong-guro. Ito ang unang beses na pumunta kami rito ni Busa. Alam namin na dahil sa nangyaring kaguluhan sa kantina kaya kami pinatawag rito. Hindi namin alam kung ano gagawin at sasabihin.
Namamawis ang mga palad at bahagyang nanginig ang aming mga tuhod. Natatakot kami na baka mapaalis kami rito sa Akademya de Minika at hindi na pabaliking muli.
Malalim kaming napahugot ng hininga. Mariin kaming napapikit ng mata at napalunok ng sadili naming laway ng ilang beses. Nagtinginan muna kami ni Busa at nagtanguan sa isa't-isa. Pinaling namin ang tingin sa pintuan ng kagagawango ni Propesor Eros at marahang humakbang papalapit dito.
Agad kaming naghawak kamay na tila humugot ng lakas ng isa't-isa. Marahan kong kinatok ang pinto at hinintay na papasukin kami. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba nang narinig namin ang boses nito nagsasabing maaari na kaming pumasok. Dahan-dahang pinihit ni Busa ang busol ng pinto at maingat na binuksan ito.
Nang tuluyang bumukas ang pinto, nakita namin ang seryosong mukha ni Propesor Eros na nakatingin sa amin habang nakaupo sa silya nito. Inasahan din namin na makita si Sierra rito. Nakita namin itong nakaupo sa upuang para sa mga panauhin na nakayuko at tahimik.
Maingat na tinakpan ni Busa ang pinto at lumapit kami sa Propesor. "Magandang tanghali po sa inyo, Propesor Eros."
Katulad ni Guro Eli, ang bata tingnan ng mukha ng Propesor. Tila hindi sila tumatanda sa mukha nila. Ang gwapo nitong mukha ay seryosong nakatingin sa amin.
"Maupo kayo," wika nito sa malagom na boses. Bigla kaming kinabahan dahil sa baritonong boses nito.
Sabay kaming umupo ni Busa sa bakanteng silya. Tahimik kaming tumingin kay Sierra na nakayuko pa rin hanggang ngayon.
"Bakit kayo lumikha ng gulo sa loob ng kantina?" mahinahon pero may diin ang bawat katagang binitawan nito.
Walang ni isa sa amin ang nagbalak magsalita. Grabe ang kalabog ng aking dibdib sa kaba na halos matanggal na ang puso mula sa loob ng aking tadyang.
Muli itong nagsalita, pero ngayon ay naging pasigaw ang boses niya. "Alam niyo ba ang ginawa niyo ay maaaring magdulot ng peligro sa ibang mga mag-aaral ng Akademya de Minika. Hindi niyo ba nabasa ang librito na ibinigay sa inyo noong unang pumasok kayo sa inyong dormitoryo? Nakasaad doon na mahigpit na pinagbabawal ang paglalaban ng dalawang estudyante sa loob ng paaralan!"
Biglang tumingala si Sierra at tumingin sa guro. Walang pagdadalawang-isip na sumagot siya rito.
"Pero sila ang unang gumawa ng gulo. Prinotektahan ko lang ang sarili ko laban sa kanilang dalawa!" giit nito at sabay na itinuro kami ni Busa.
"Tumahimik ka, Sierra! Alam mo ba ang mga kasalanan na ginawa mo? Una ay ang paggamit ng mahiwagang kagamitan na pinagbabawal dito sa paaralan. Ikalawa ay ang pagsaway mo sa utos ko na dapat suspende ka ng isang linggo, pero dalawang araw pa lang ay pumasok ka na agad sa silid-aralan niyo. At ikatlo ay paglikha ng kaguluhan sa loob ng kantina at nakipag-away!" kalmado nitong singhal kay Sierra.
Tila isang tuta na naumid ang dila nito at hindi na nakasagot pa. Agad itong yumuko at mahigpit na hinawakan ang suot ng uniporme. "Paumanhin po, Propesor Eros. Hindi na ko uulit."
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasyCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...