16

169 26 13
                                    

KABANATA 16: ANG GWAPONG SALAMANGKERO

SHIRA

Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa nalamang katotohanan. Nalaman ko na hindi lang pala si Akira ang namayapa, pati din pala si Nanay Kiva. Di ko alam kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay niya. Gusto ko sanang bumalik sa bayan ko at alamin mula kay Jena kung ano ang totoong nangyari sa kay Nanay Kiva. Di talaga ako makapaniwala sa nalaman. Parang totoo talaga siya nung kausap ko ito, nayakap ko pa nga siya.

Nakakagulat man isipin na kahit sa kanyang kamatayan, hindi niya pa rin ako pinabayaan. Inalagaan niya pa rin ako kahit nakatulog ako ng mahabang panahon. Di ko talaga makakalimutan lahat ng mga kabutihang ginawa niya para sa akin.

Nanay kiva kung nasaan ka man ngayon, sana ay maging payapa ang kaluluwa mo. Sana maging masaya para sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutin lahat ng mga tinuro mo sa akin. Mahal na mahal kita, Nanay Kiva.

Malalim akong napahinga ng malalim at itinuon na lang ang pansin sa magandang karwahe ni Zerena, upang huwag maiyak at malungkot.

Kay sarap sa paningin ang kulay ng bughaw na kisame ng karwaheng ito. Tila kakulay ng asul na kalangitan. Hindi talaga maipagkakaila na isa siyang rajān. Sa disenyo at pagkakagawa sa karwahe, malalaman mo talagang anak ng Va Viasgre ang nagmamay-ari nito. Kapansin-pansin din sa kisame ng karwaheng ito, ang nakaukit na malaking rosas na may pinagsamang ginto, itim at puti ang kulay, at may nakapalibot pa dito na mga paru-paro na may iba't-ibang kulay sa pakpak.

Napansin ko din na may nakaburdang masikot na disenyo sa dingding. Ang upuan naman nito ay napakalambot at kay sarap sandalan na tila nakakawala ng pagod sa katawan.

Ang kulay naman ng labas ng karwahe ay pinaghalong ginto at pilak, na nagniningning sa tuwing natatamaan ng sikat ng araw.

Sa ikalawang pagkakataon, muli kong tinitigan ng maiigi ang kisame ng karwahe niya. Dahan-dahang napakunot ang noo ko dahil napaka-pamilyar sa akin ang rosas na 'to. Parang nakita ko ito dati ngunit hindi ko matandaan kung saang lugar. Napaka pamilyar talaga sa akin ng rosas na 'to. Pakiramdam ko nakita ko na ito sa kung saan.

Naputol ang pag-iisip ko nang narinig ko ang magiliw na boses ni Hanila. "Maligayang pagdating sa lungsod ng Minika! Ang bayan kung saan matatagpuan ang Akademya de Minika."

Dali-dali kong binuksan ang hugis pusong bintana ng karwahe at agad na tinitigan ang labas. Halos napanganga ako sa pagkamangha.

Napakagara at ganda ng lungsod ng Minika. Madaming mga tao ang makikita sa paligid at naglalakad sa labas, ang iba ay masayang nag-uusap habang paglalakad. Nang nakita nila ang karwahe ng Prinsesa ay agad-agad na nagsiyukuan ang lahat ng nandito, bata o matanda, babae o lalaki, ang lahat ay nagbibigay galang sa pagdating ng Prinsesa.

Ang lahat ay nakasuot ng makulay na damit, di tulad sa akin na puro kulay lupa lang ang palagi kong suot na damit. Madaming karwahe ang nagkalat habang hila ng hayop na kabayo na kulay puti. Ang mga gusali ay malalaki at matitibay na gawa sa matigas na bato at ang bubong ay gawa sa makinis at makinang na kulay pulang bakal.

Napaka ingay, makulay at masigla ng paligid, di tulad sa aming bayan na hindi gaano kadami ang taong naninirahan. Naamoy ko mula rito ang pinaghalong amoy ng pagkain. Nakakagutom ang amoy ng pagkain.

Habang manghang-mangha nililibot ko sa paligid ang paningin ay may nakita akong kumpulan ng mga tao. Napakunot ang noo ko habang tinitigan ito ng mabuti, lalo pa dahil halos mga babae ang nagkukumpulan at nagtitilian.

Nanlaki ang mata ko nang biglang may lumipad na kakaibang ibon, at ang mas nakakagulat pa ay
ang ibon na ito ay hinulma mula sa apoy. Nasundan pa ito nang iba't-ibang hayop na gawa din sa apoy.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon