37

99 23 15
                                    

KABANATA 37: ANG MAITIM NA BALAK

ZERANA

Patuloy pa rin akong nakasunod sa likuran ni Zeron habang tinatahak namin ang sekretong daanan na nakatago rito sa harden ng Ester. Ang daan na ito ay nakakonekta diretso sa kagagawango ng punong-guro.

Nakakapagtaka bakit dito ako dinadala ni Zeron. Di ko batid kung ano ang gagawin namin sa kagagawango ni Propesor Eros. Ano ba ang gustong ipakita sakin ni Zeron? May kinalaman ba ito sa pagsusulit?

"Anong gagawin natin dito, Zeron?" takang tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa loob ng kagagawango ng punong-guro na si Propesor Eros. Embes na sagutin ang tanong ko, tinitigan lamang niya ko.

"Nandito na pala kayong dalawa."

Agad na napabaling ang tingin ko sa taong biglang nagsalita na biglaang lumitaw sa harapan namin. Nagtatakang tinitigan ko lamang siya na seryosong nakatingin sakin.

Anong nangyayari bakit tila lahat yata ng taong nakakasalamuha ko ngayon ay seryoso at tila ayaw magsalita?!

"Alam kong nagtataka ka kung bakit ka namin pinapunta rito," ani nito.

"Mabuti alam mo," naiinis kong wika rito. Kanina pa ko nagtataka kung ano ang ginagawa namin dito. Bakit di na lang nila sabihin sakin ng diretso.

Naiinis na ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. May dapat ba akong malaman kaya ako pinatawag rito sa kagagawango? Kanina pa ko naiinip sa mga pabitin nilang eksplinasyon at seryosong ekspresyon. Puwede naman na sabihin na lang nila sakin, hindi iyong marami pang pasakalye. Nauubos na ang pasensya ko.

Nakita ko ang pagkamot ni Propesor Eros ng batok nito. Ngayong alam niya na naiinis na ko, siguro naman sasabihin na nila sakin ang nangyayari.

"Prinsesa Zerena," tinitigan ako nito ng seryoso at muling nagsalita. "Sumama ka sa akin at may ipapakita ako sayo."

Hindi niya man lang ako hinayaan na magsalita at nauna ng maglakad sa amin. Nakita kong sumunod si Zeron sa papalayong pigura ng punong-guro, kaya wala na kong nagawa kung hindi ang sumunod na din rito.

Pumasok kami sa isang kakaibang silid na nakatago rito sa loob ng kagagawango. Kakaiba ang arkitektura ng silid na ito. Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba talaga. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong disenyo.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito pa lang silid rito?

"Ano ang gagawin natin dito? At anong lugar ito?" takang tanong ko sa punong-guro at pinasadahan ng tingin ang buong sulok ng silid na ito.

"Ito ang Silid ng Pagmamatyag," aniya sa seryosong tono.

Pangalan pa lang ay tila hindi ko na gusto ang kayang gawin ng silid na ito.

"Tignan mo ang salamin na iyan Prinsesa," wika nito at itinuro sa akin ang salaming sinasabi niya.

Agad ko namang ibinaling ang tingin rito at gulat ang naging reaksyon ko, nang biglaang may lumabas na larawan mula sa salaming itinuro nito. Hindi lang basta larawan, kung hindi gumagalaw na larawan.

Ano ito? Anong uri ng mahiwagang kagamitan na ito?

"Teka, parang kilala ko ang nasa larawan na yan. Shira? Shira!" agad kong namukhaan kung sino ang pinapakita ng salamin.

Pagkakita ko ng mukha ni Shira, agad akong tumakbo patungo sa salamin na ito upang makita ng mas malapitan kung ano ang ipinapakita ng salamin ito.

"Ang salamin na iyan ay may kapangyarihan na ipakita ang kahit anong pangyayari na nagaganap sa kasalukuyan. Ibig sabihin, kayang manmanan ang kahit na sinong nilalang ang nanaisin mo. Ngunit may limitasyon ang kakayahan ng salamin," paliwanag ni Propesor Eros pero wala sa kanya ang atensyon ko, kundi nasa kay Shira.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon