36

98 24 14
                                    

KABANATA 36: ANG KADILIMANG NAKAKUBLI

HAYABUSA

Napakunot ang noo ko sa hindi kapani-paniwalang salita na sinabi ng kakambal ko. Naguluhan ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanila at pumagitna sa kanilang dalawa at kunot-noo na hinarap si Naré.

"Ano ba ang pinagsasabi mo Naré? Nakalimutan mo na ba, siya si Shira," pilit pagpapaintindi ko rito.

"Tumabi ka diyan Aya. Hindi si Shira ang kasama mo," aniya sa seryosong boses.

Napaawang ang labi ko sa itinuran niya. Di ko maintindihan kung bakit iyon ang sinabi ni Naré. Parang may mali sa kanya.

Anong pinagsasabi nito?! Anong hindi si Shira ang kasama ko? Ano ba siya bulag?

"Anong pinagsasabi mo Naré? Anong hindi siya si Shira? Siya ka yan, nakalimutan mo na ba?" giit ko rito.

"Hindi ko nalimutan si Shira," agadang sagot nito.

Iyon naman pala e! Hindi naman pala niya nakalimutan si Shira, e bakit kung anu-ano ang pinagsasabi niya?!

"Anong pinagsasabi mo Hayanaré? Alam kong hindi mo ko gusto na maging kaibigan ng kapatid mo, pero ang pagkamalan ako na ibang tao ay hindi maganda. Alam mo hindi ako natatawa sa biro mo," seryosong wika ni Shira kay Naré.

Tumango-tango ako sa sinabi ni Shira. Alam ko na naman na pinoprotektahan niya lang ako at naiintidihan ko iyon, pero ang pagbintangan mg kanyang bagay ang kaibigan ko ay hindi magandang biro.

"Tumabi ka diyan Aya, nililinlang ka lang ng Shira na kasama mo," wika nito at pilit na tinatago ako sa likuran niya.

"Ano bang pinagsasabi mo Hayanaré?! Ako ito, si Shira! Ano ba ako sa paningin mo ibang tao?"

"Ikaw ang tumabi diyan Naré. Bumalik ka na lang sa inuupuan mo. Kung ayaw mo si Shira para sakin ay sana direkta mo ng sinabi na ayaw mo siyang maging kaibigan ko at hindi iyong pinagbibintangan mo siya na ibang tao!" pagdedepensa ko kay Shira.

"Tila nilason na yata ng Shira na yan ang isipan mo. Kung ikaw ay naloko niya ibahin niya ako. Hindi ako katulad ng iba na mauuto niya ng ganun kadali. Hindi e-epekto sakin ang mahika niya. Kaya kung sino ka man umalis ka na rito kung ayaw mong pagsisihan ang paglilinlang sa kapatid ko." Mas lalo akong naguluhan at nalito sa sinasabi ni Naré. Ano ba ang nangyayari sa kanya at bakit siya nagkakaganito?!

"Ano bang pinagsasabi mo Naré? Nahihibang ka na ba?" bulyaw ko rito. Hindi ko maipigilan ang sarili na bulyawan siya. Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig niya. Kung anu-ano ang mga sinasabi niya.

Ano bang nangyayari kay Naré?! Bakit tila nababaliw na yata siya? At hindi ko gusto ang nangyayari sa kanya.

"Kahit anong gawing paliwanag ay tila ayaw mo kong paniwalaan. Mas pinapanigan mo pa ang huwad na iyan. Isang paraan na lang ang dapat kong gawin upang makita mo ang katotohanan." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, na parang may binabalak siyang hindi maganda. Sa tingin ko ay hindi maganda ang susunod niyang gagawin. Kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan. Hindi naman sa mas pinapanigan ko si Shira dahil sa kaibigan ko siya kaysa kanya na siyang kapatid ko, sadyang hindi lang talaga kapani-paniwala ang mga sinasabi niya.

Kung may galit man siya kay Shira o sa akin, sana ay sabihin niya na lang ng direkta hindi iyong marami pa siyang sinasabi. Hindi na ko natutuwa sa mga sinasabi niya. Ngayon lamang ako nagkaroon ng kaibigan, na siyang tumulong sakin kanina laban kay Axazel, tapos ngayon tututulan pa niya.

"Kapag sinaktan mo si Shira ako mismo ang makakalaban mo Naré," pagbabanta ko rito.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko. Ibinaling niya ang tingin sa akin at tinitigan ako ng malamig. Ginantihan ko din siya ng malamig na titig. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Alam ko na kahit mas malakas siya sa akin ay hindi ko siya susukuan.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon