KABANATA 31: LABYRINTHUS (Prt. 5)
HAYANARÉ
Inasahan ko na ganito ang mangyayari noong umpisa pa lang. Mukhang pinagplanuhan ng mga nilalang na 'to na paghiwalayin kaming tatlo at atakihin ang bawat isa sa amin sa iba't-ibang lokasyon. Marahil ginawa nila ito upang pahinain ang aming depensa at atakihin kami kung saan kami nag-iisa. Isang matalinong plano kung iisipin.
Hindi na rin masama ang ginawa nilang plano. Ngunit ang hindi nila alam ay matagal ko ng kalkulado ang lahat ng mangyayari.
Maigi kong inobserbahan ang buong paligid bago naglakad. Pagkatapos kong talunin ang lalaki na biglang umataki sa'kin kanina, wala na kong may nararamdamang nagbabantay sa akin. Habang patuloy sa paglalakad, dinala ako ng aking mga paa sa tabing dagat at may napansin akong hindi ordinaryo rito.
Tahimik ang dagat na tila sinumpa sa walang hanggang katahimikan, walang malansang amoy at ang nakakapagtaka sa lahat hindi ito umaalon. Binaling ko ang tingin sa paanan at napansin ko na walang buhangin. Malalim akong napabuntong-hininga nang mabuo ang konklusyon sa aking isipan, isa itong artipisyal na dagat.
Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Kung tama ang hinala ko, si Shira napunta sa gubat, si Aya napunta sa desyerto at ako naman sa tabing-dagat. Magkaiba ang lokasyan naming tatlo na may magkaibang kalaban
Nakakunot ang noo ko nang makita ang bahagyang paggalaw ng tubig dagat pero agad ding nawala. Hindi ako nag-iisa sa lugar na 'to.
Agad akong naging alisto nang makita ang muling paggalaw ng tubig dagat, pero ngayon mas lalong lumapit sa akin. Kailangan kong ihinanda ang sarili sa posibling kalaban.
"Kung sino ka man, huwag ka ng magtago sa ilalim ng tubig. Kung hindi ka bahagyang gumalaw, hindi sana kita mapapansin!"
Pagkaraan ng ilang sandali, unti-unting umalon ang dagat at isang babae ang umahon mula rito. Nakausot ito ng itim na damit na hanggang talampakan, mahaba ang itim na buhok, blanko ang ekspresyon, at maputla ang balat na tila hindi sinikitan ng araw.
Gumuhit ang ngiti sa mapula niyang labi habang unti-unting lumalapit sa akin. "Ang husay mo sa pag-oobserba ay kapuri-puri. Sa maliit na paggalaw lamang ng tubig ay nalaman mong nasa tubig ako nagkukubli. Kung ang ibang tao ang napunta rito, marahil iisipin nila na nasa malaking puno ako nagtatago."
"Isang ilusyon lamang ang puno na tinutukoy mo," sagot ko rito at malamig siyang tinitigan direkta sa kanyang mga mata.
Tsk. Sa tingin mo ba ikaw lang ang may kakayahang gumamit ng ilusyon? Hindi mo ko maloloko sa ganyang walang kwentang ilusyon.
"Hoh? Mahusay ka at agad mong nalaman na ilusyon ito sa isang titig lamang. Nakakabilib. Gusto kitang makalaban." Pilit niyang ibahin ang tono ng kanyang pananalita pero ang wala pa ring emosyon.
"Kung gusto mo kong makalaban, bakit hindi mo ako atakihin?" paghahamon ko rito na kinatawa niya. Marahan niyang tinakpan ang labi at patuloy na nagkukunwaring tumatawa. "Matagal na kong umataki hindi mo lang napansin."
Agad akong napahawak sa kaliwang balikat nang bigla itong kumirot ng walang dahilan. Nang tignan ko ito, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking sugat na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Paano niya nagawa iyon? Bakit hindi ko man lang napansin?
Kaya bago niya pa ako atakihin muli, mabilis akong lumayo sa kanya ng ilang metro. Tumigil ang kanyang pagtawa at tumingin sa akin. Halos magsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang biglang pagkwala ng dagat na kanina ay nandiyan pa.
Nakakapagtaka ang ginawa niya? Hindi ko man lang siya nakitang gumalaw. Hindi ko nakita ang naging pag-ataki niya. Gumamit ba siya ng mahika na may malawak na saklaw?
Mariin kong hinawakan ang balikat at agad ko itong pinagaling gamit ang mahikang panlunas. Kung magaling si Aya sa panggagamot, mas magaling ako. Ako ang tumuro nito kay ina, na tinuro rin sa kanya. Kaya ang mga ganitong sugat at madali lang pagalingin.
"Mabilis ang naging reaksyon mo mula sa walang kwenta kong ataki. Pinapakita mo na maingat ka sa bawat kilos na ginagawa mo. At ngayon naman pinakita mo sakin na isa ka rin palang manggagamot tulad ko. Kahanga-hanga!" aniya at biglang pumalakpak.
Nagulat ako sa huli niyang sinabi. Ibig sabihin ay may kakayahan din siyang pagalingin ang kanyang sarili tulad ko? Sino ang babaeng 'to at bakit siya napunta sa lugar na ito? Anong ginagawa niya rito?
"May kakayahan ka rin pa lang manggamot, ibig sabihin nito ay magiging interasado ang magiging laban natin," saad ko malamig na boses.
Muli siyang napatawa sa tinuran ko, at sa pagtawa niyang ginawa, binigyan niya ako ng dahilan na atakihin siya. Mabilis akong umaksyon at tahimik na tumakbo upang hindi makalikha ng kahit anong tunog. Sa aking kaliwang kamay, lumikha ako ng bola ng itim na apoy at saka itinapon sa kanya. Ngunit agad naman niyang nailagan at lumayo ng ilang metro mula sa akin.
"Marunong kang gumamit ng itim na mahika?!" gulat niyang usal.
Alam ko na ang iba kong mahika ay hindi tatalab sa kanya dahil ramdam ko na hindi siya pangkaraniwang nilalang. Kaya naisipan ko na atakihin siya gamit ng itim na mahika dahil alam kong tatalab ito sa kanya. Pero hindi ko inasahan na madali lamang niya naiwasan ang pag-ataki ko.
Sa halip na sagutin siya ay mabilis ko muli siyang inataki ng itim na apoy na muli niyang nailagan. Gaya ng aking inaasahan maliksi siyang kumilos at mabilis umilag sa mga ataki ko. Ang masasabi ko ay mabilis siya.
"Ikaw ang kauna-unahang tao na nakita kong gumamit ng itim na salamangka. Alam mo ba ang paggamit ng pinagbabawal na kapangyarihan ay magbubunga ng masama sa iyo. Isa itong negatibong enerhiya. Unti-unting kakainin ng itim na mahika ang iyong kaluluwa hanggang sa ikaw ay maging diablo. Bilang na lang ang mga araw mo-"
"Alam ko," putol ko sa sasabihin niya. "Alam ko na hindi maganda ang mangyayari sa taong gagamit ng itim na salamangka. Ngunit nagagamit ko ito ng walang hinihinging kapalit." Dahil sa sumpa ng pamilya namin na namana ko, malaya kong nagagamit ang itim na mahika na hindi nagiging diablo.
"Hindi ka pangkaraniwang nilalang. Marahil ito na panahon upang magseryoso ako sa pakikiglaban," aniya at naging pula ang kulay ng kanyang damit.
Kagyat akong tumalon sa ere nang naramdaman ko na may kakaibang nangyayari sa lupang kinatatayuan ko. Nang nasigurado ko na malayo ang distansya ko sa kinatatayuan ko kanina ay nakahinga ako ng maluwag. Pinaling ko ang tingin sa dati kong puwesto at tila tama ang hinala ko, nag-iba ang katangian ng lupa na parang naging putik ito. At kung hindi ako agad nakaalis, panigurado lumubog na ang buo kong katawan.
"Eviscero prae Segmentum!"
Impit akong napadaing sa sakit ng biglaang nagkasugat-sugat ang buo kong katawan. Nagngitngit ang ngipin ko sa pagtiis ng matinding hapdi ng aking katawan. Nagkapunit-punit ang suot kong damit mula sa hindi makitang ataki. Mabilis kong pinahilom ang mga sugat sa buo kong katawan upang matigil ang pagdurugo nito.
"Deus Explodore!" agad itong bumigkas ng inkantasyon na naging dahilan ng pagsabog ng lupang kinatatayuan ko.
Malakas akong napahiyaw sa sakit dahil sa ataking ginawa nito na hindi ko inasahan. Napuno ng mga sugat at pasa ang buo kong katawan dahil sa pagsabog. Malakas siya. Mukhang mahihirapan akong talunin ang isang 'to.
Hindi ko inakala na marunong pala ang babaeng 'to gumamit ng inciant katulad ni Shira. Pero ang kaalaman niya sa paggamit ng inciant ay mas malawak kaysa kay Shira. Sinabi ni Shira sa amin kanina na isang araw pa lang siyang gumagamit ng inciant na natutunan niya mula kay Feron.
Ang ginamit niya na inciant laban sa akin ay isang mataas na uri. Kapag hindi ko pa siya matalo gamit ng itim na salamangka, wala na kong ibang pagpipilian kung hindi gamitin ang kapangyarihang ito.
"Kahanga-hanga. Ikaw pa lang ang kauna-unahang kalaban ko na nanatiling buhay pagkatapos tanggapin ang sunod-sunod kong ataki," anito sa masiglang boses saka sinuri ang kabuuan ko. "Pero tatapusin ko na ang laban na ito."
Agad akong naalerto at mabilis na pinagaling ang lahat ng sugat sa katawan. Marahil kailangan ko na rin magseryoso sa laban na ito. Gagamitin ko na ang kapangyarihan na ito.
***
Marvin Wrighttee | M.W.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasiCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...