74

87 8 9
                                    

KABANATA 74: NIRVANA

THIRD PERSON'S POV

Wala silang tigil sa pagpalitan ng mga atake sina Azazel at Eros. Wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo. Ang malakas na mga pag-atake nila ay nakakalikha ng delikadong puwersa na nagiging dahilan ng pagkasira ng paligid. Ang kahit na anong bagay, hayop o tao ang matamaan ng puwersa ng kanilang mga atake ay tiyak na magkakalasog-lasog or mawawasak.

Sinigurado ni Eros ang kaligtasan nina Shira at Zerena at gumawa ng pananggalang upang protektahan sila bago niya inatake si Azazel. Dahil kung hindi gumawa si Eros proteksyon, tiyak na matatamaan sila ng kanilang mga atake at malalagay sa kapahamakan ang kanilang buhay.

Masusing sinuri ni Azazel ang bawat galaw ni Eros, maingat na pinag-aaralan ang pamamaraan nito ng paggamit ng espada. Masinsinang hinahanapan niya ng gusot ang perpekto nitong galaw. Ngunit kahit isa ay wala siyang nakitang mali.

Sa sandaling yaon, napagtanto ni Azazel na hindi pangkaraniwan ang kanyang kalaban. Naisip niya na dapat mas lalo siyang maging maingat, lalo na't hindi niya pa nasisilayan ang buo nitong kapangyarihan.

Inatake niya ng nakakamatay na mahika ang kalaban ngunit mabilis nitong nailagan ng napakadali. Pero ang pag-ilag nito ay inasahan na ni Azazel. At iyon din naman ang gusto niyang gawin ng kalaban upang makadistansya siya rito.

Maigi niyang pinagmasdan ang pisikal na kabubuan nito. Napansin niya sa tindig nito na mas may karanasan ang kanyang kalaban sa pakikiglaban, kaysa sa mga nauna niyang nakalaban kanina. Halata din sa hilatsa ng mukha nito na mas matanda ito kaysa kina Shira at ng mga kasamahan nito.

Sa gayong dahilan, nahinuha niya, na mas mas malakas ang kanyang kasalukuyang kalaban kaysa sa pinagsanib na lakas nina Shira, Zerena, Hayabusa, Hanila at Feron.

"Sino ka---" hindi natuloy ni Azazel ang sunod na sasabihin nang makita niya ang pag-iba ng wangis ng mata ni Eros.

Ang itim nitong balintataw ay nag-iba ang anyo at hugis. Mula sa pagiging bilog ay naging hugis krus. Natahimik si Azazel nang malaman nito na gumamit ang kanyang kalaban ng Oculus de Horus- isang sinaunang kapangyarihan na ginagamit upang makita ang hinaharap.

Nakaramdam si Azazel ng kakaunting pangamba at tuwa, dahil sa wakas nakahanap na rin siya ng makakatapat niya. Alam na alam niya kung ano ang kayang gawin ng Oculus de Horus. Pero ang Oculus de Horus ay hindi gumagana laban sa mga diablo, sa kadahilanan ang kanyang hari ang gumawa ng mahikang ito.

Nagulat lamang siya dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng tao na kayang gumamit ng Oculus de Horus. Kaya nahinuha nito na hindi pangkaraniwang kalaban ang kaharap nito. Kundi isang malakas na kalaban.

Inihanda ni Azazel ang sarili nang napansin nito ang paggalaw ng kalaban. Maya-maya pa'y nakita niya kakaibang atake nito kaya mas lalo niyang pinatatag ang depensa.

Ngayon ang totoong laban ay magsisimula pa lang.

Walang pagdadalawang-isip na inatake ni Eros si Azazel. Ang kanyang lakas ay pinatibay ng panahon at hinubog ng hindi mabilang na karanasan. Alam niya na may mataas siyang pag-asa na manalo sa laban nila.

Ngunit kahit buong lakas niyang ginagamit ang Oculus de Horus, hindi niya masyado makita ang hinaharap ng diablo. Kaya pinawalang bisa niya ang mahika upang masayang ang kanyang lakas. Ginamit niya rin kanina ang Command Mantra sa diablo, ngunit hindi rin ito gumana kaya Oculus de Horus na lang ang ginamit niya pero wala pa ring saysay.

Sa umpisa pa lang ay alam niya ng makapangyarihan ang diablo bago pa sila magtuos. Sa mga isinalaysay ni Hayabusa sa kanya, doon niya nalaman na nasa matinding panganib ang buhay nina Shira, Zerena, Hanila at Feron.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon