KABANATA 68: TRAIDOR
THIRD PERSON'S POV
"Papaslangin mo ko dahil sa kasalanang hindi ko naman ginustong mangyari? Huwag mong isisi sa akin lahat na parang ako ang pumaslang kay Nanay Kiva," bulyaw ni Shira.
Isang ina ang turing ni Shira kay Nanay Kiva. Ngunit hindi niya inakala na siya ang sisisihin ni Jena sa pagkamatay nito. Ni minsan ay hindi siya nag-isip ng masamang bagay rito. Napamahal na si Shira kay Nanay Kiva.
Matalim na tingin ang pinukol ni Jena kay Shira. Kita sa kislap ng mata nito ang pagkamuhi. Nagngitngit ang ngipin nito sa galit.
"Itatanggi mo pa talaga ang iyong kasalanan. Buhay ang iyong kinuha, kaya buhay rin ang babawiin ko sayo---"
"Humihingi ako ng tawad sayo. Kahit hindi ko intensyon na nasaktan ka, humihingi pa rin ako ng tawad sayo, Jena."
Marahan siyang yumuko kay Jena. Namawis ang kanyang palad at namuo ang butil ng pawis sa noo nito.
Hinintay ni Shira ang sasabihin nito, ngunit nanatili itong tahimik. Namayani ang nakakabinging katahimikan.
Napahugot ng malalim na hininga si Shira. Pinahid nito ang namamawis na palad sa suot nitong damit. Dahan-dahang iniangat ni Shira ang tingin tinitigan si Jena. Pero hindi niya inasahan ang sunod na nangyari.
Nawalan siya ng balanse at natumba mula sa kanyang kinatatayuan. Nakita nito ang dalawang pares ng sapatos sa harapan niya. Iniangat ni Shira ang tingin at nakakamatay na tingin ang sumalubong sa kanya.
"Bakit mo ginawa iyon?" kalmado pero may bahid ng inis ang boses ni Shira.
"Dahil nais kong patayin ka," agadang sagot nito.
Malakas na pagsipa ang ginawa ni Jena. Mabilis na iyinuko ni Shira ang mukha at iniwasan ang atake nito. Gumulong siya sa lupa upang makalayo rito. Mabilis siyang tumayo at pinagpag ang suot na damit.
"Tila ayaw mong pakinggan ang pakiusap ko. Kung laban ang gusto mo, laban din ang ibibigay ko sa'yo."
Tinaas ni Shira ang kamay at lumiwanag ang kanyang palad. Lumitaw mula sa kawalan ang isang kakaibang baston. Sa tuktok ng baston na ay makikita ang nililok na isang ibon na malapad na nakabuka ang pakpak nito. May mahabang buntot na nakapulupot sa katawan ng baston.
"Hindi ko inaasahan na may tinatago ka rin pa lang sandata, Shira."
"Dahil alam kong hindi ka patas lumalan Jena, kaya seseryosohin ko ang laban na 'to," seryoso at may diin ang bawat salitang binitawan ni Shira.
*****
Pagkapasok ni Hayabusa sa loob ng paaralan, inilibot nito ang tingin sa paligid. Gumuhong pader at nahulog na mga aranya ang nakaharang sa daanan. Kumalat din sa sahig ang salamin ng mga nabasag na bintana. Ang malawak na pasilyo ng paaralan na may magara at maganda disenyo ay sira na.
Malalim na napabuntong hininga si Hayabusa. Hindi nito inasahan na masisira ang paaralan. Maingat siyang humakbang at iniwasan ang mga balakid sa daan. Inilibot niya ang tingin at naghanap ng mga taong nasaktan o nasugatan ng pagkasira ng paaralan.
Tunog ng mga yapak at kalansing ng mga sandata ang kanyang narinig. Inilibot niya ang tingin sa palagid at nakita nito sina Zerena at Hanila na nakikipaglaban sa mga nilalang na hindi niya inasahang makikita.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasyCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...