7

194 31 11
                                    

(Larawan ng isang Kentaurus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Larawan ng isang Kentaurus. Source: Google Chrome)

(A/N: Ang salitang Centaur na nagmula sa salitang Griyego (Greek) na Kentauros ay maaaring maunawaan bilang Ken-tauros, na nangangahulugang "piercing bull". Ang salitang ito ay nagmula sa Mesopotamia para sa Centaurus, isa din itong konstelasyon na nagmula sa kultura ng Mesopotamia.)

***

KABANATA 7: KENTAURUS

SHIRA

Pagkalabas ko ng bahay ay nagmamadali akong nagtungo papunta sa Kagubatan ng Norioh. Lakad at takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa labas ng pinagbawal na kagubatan.

Naalala ko na sinalaysay dati sakin ng aking yumaong maestro ang tunay na kwento bakit naging ganito ang kagubatan.

Ayon sa kanya, noong unang panahon nang dumating si Zetur sa mundo ng Enchorodion, ang gubat ng Norioh ang lugar kung saan unang nasilayan ni Zetur ang nakakabighani na kagandahan ni dating Va Vendre Minika.

Sa lugar na 'to unang tumibok ang matigas at malamig na puso ni Zetur. Mula nang unang nasilayan nito ang perpektong wangis ng dalaga ay araw-araw laging pumupunta ng palihim rito si Zetur upang patagong masilayan ang ganda ng dating Va Vendre Minika.

Ngunit isang araw nang palihim niyang binantayan si Minika na masayang pumipitas ng mga bulaklak, may biglang sumulpot na matipuno at makisig na ginoo sa harapan ng dalaga at bigla itong niyakap ni Minika. Hindi alam ni Zetur kung ano ang nararamdaman niyang galit at pagkainis sa lalaking kayakap ni Minika. Dahil sa nasaksihan ni Zetur, unti-unti siyang nakadama ng kakaibang emosyon na ngayon lamang niya naramdaman.

Kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon ay agad niyang dinakip ang ginoo at ikinulong. Ginaya niya ang wangis nito at nagtagumpay siya dahil nalinlang niya ang dalaga. Ngunit hindi nagtagal ay natuklasan ang panlilinlang niya. Sa galit ni Minika sa kanya ay itinakwil siya nito papalayo. Dahil sa poot na naramdaman ni Zetur, isinumpa niya ang gubat dahilan upang ito'y mamatay kasabay ng pagkamatay ng kanyang puso.

Nang dahil sa pag-ibig kaya naging ganito ang gubat na 'to. Ito ang dahilan bakit ayaw kong pumasok sa isang relasyon o umibig dahil baka kapahamakan lang dala nito.

Marahas akong napabuga ng paghinga nang bigla kong naalala ang tunay kong pakay bakit ako nandito. Mabilis kong inilabas sa aking bulsa ang isang kwentas na proteksyon laban sa itim sa mahika. Ayon sa aking maestro, ang bato sa kwentas na 'to ay nabuo mula sa butil ng luha ng isang bathala. Kaya may kapangyarihan ang batong ito na proteksyonan ang kung sinuman na may suot ng kwentas laban sa itim na mahika. Mabilis ko itong sinuot at malalim na humugot ng hininga at naglakad papasok sa loob ng gubat.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tumakbo patungo sa tunay na balak ko. Wala na akong ibang inisip kundi ang mailigtas si Akira. Ngunit agad din akong napatigil nang maramdaman ang mga presensya. Biglang bumilis ang kalabog ng dibdib ko nang mapagtanto na hindi ako nag-iisa sa loob ng gubat.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon