KABANATA 67: KAMI AY IISA
THIRD PERSON'S POV
Patuloy sa pagtakbo sina Shira at Hayabusa patungo sa labas ng gusali ng Akademya de Minika. Inabot sila ng isang oras sa pagtakbo bago tuluyang makalabas ng paaralan. Hinihingal na napahawak ang dalawa sa kanilang mga tuhod habang naghahabol ng hininga.
Pagod at pawisan na napasalampak ang dalawa sa damuhan. Patuloy sa pag-agos ng kanilang mga pawis sa buo nilang mukha. Marahan nilang pinunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng kanilang mga kamay.
Ilang minuto ang lumipas bago sila tumayo mula sa damuhan. Naisip nila na walang magagawa ang umupo at panuorin na tuluyang gumuho ang paaralan.
Pagkatayo nilang dalawa, agad nilang pinagpag ang laylayan ng suot na uniporme. Tinanggal ang dumi na dumikit sa suot at nagpatuloy sa pagtakbo.
Muli silang bumalik sa loob ng Akademya de Minika. Gusto nilang tumulong sa mga nangangailangan ng kanilang tulong.
"Tulong! Tulungan niyo ko!"
Napatigil ang dalawa sa pagtakbo, nang nakarinig sila ng sigaw na humihingi ng saklolo.
"Tulong!"
Hinanap nila ang pinanggalingan ng boses. Agad naman nila natukoy kung saan ito nagmumula. Bago pa makalapit ang dalawa rito, biglang pinigilan ni Shira si Hayabusa. Nagtatakang ipinaling niya ang tingin sa kaibigan.
"Ako na ang bahala sa kanya. Marami ang nangangailangan ng tulong natin sa loob ng paaralan. Mas kailangan nila ng tulong natin ngayon. Pero dahil may humingi ng saklolo rito, kaya naisipan ko na ako na lang ang tutulong sa kanya," ani Shira.
Tinitigan ni Hayabusa ang kaibigan at bakas sa mukha nito ang pag-aalala, iniisip na baka mapahamak ang kaibigan. Dinidikta ng katutubong simbuyo niya na huwag iwanan si Shira. Pero marami ang nangangailangan ng tulong niya sa sitwasyong kinakaharap nila ngayon.
Kahit labag sa kalooban niya na iwanan ang kaibigan, kailangan niyang umalis. May tiwala naman siya kay Shira na malalampasan nito ang kahit anong pagsubog.
Bago umalis si Hayabusa, nag-iwan siya ng paalalarito. "Pero sumunod ka agad. Mag-ingat ka."
"Susunod ako agad," nakangiting tugon ni Shira sa kaibigan.
Ngumiti rin pabalik si Hayabusa at muling pinagpatuloy ang pagpasok ng paaralan. Pagkawala ni Hayabusa, agad na pinuntahan ni Shira ang humingi ng tulong.
Mabilis siyang tumungo sa lugar na pinanangalingan ng boses, pero laking gulat niya nang wala siya nakitang tao roon. Kahit anino man lang nito ay wala siyang napansin.
'Bakit tila wala namang tao rito? Ito ba talaga ang lugar kung saan nanggaling ang boses ng humingi ng tulong?' nagtatakang usal ni Shira sa kanyang isipan.
"Nagkita din tayo muli, Shira."
Bigla siyang naestatwa sa kanyang kinatatayuan nang narinig ang pamilyar na boses. Hindi siya makapaniwala na muli niyang naririnig ang boses nito. Ibinaling niya ang tingin sa taong nagsalita. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat pagkaharap niya rito.
"A-akita?!" halos hindi niya mabigkas ang pangalan nito dahil sa pagkautal.
Ngumiti itong nakatingin sa kanya at marahang ikinaway ang kamay. Hindi mapigilan ni Shira ang mapatakip ng bibig gamit dahil sa gulat at pagkasabik dito. Hindi nito napigil ang sarili na mapahagulgol ng iyak.
Hindi inasahan ni Shira na muli nitong makikita ang matalik na kaibigan. Matagal na panahon siyang nangulila sa presenya ni Akita. Sabik na sabik na siyang makita, makatawanan, at makasama si Akita. Napaluhod siya sa kakaiyak. Walang tigil na nangilid ang luha sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasiaCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...