KABANATA 39: ZERENA AT HAYABUSA
(TRIVIA: Centrifugal Force (puwersang sentrifugal) is an apparent force that is felt by an object moving in a curved path that acts outwardly away from the center of rotation.
s: Merriam-Webster)***
THIRD PERSON'S POV
Naging mainit ang atmospera dahil sa nabubuong tensyon mula sa magkabilang panig. Matalim na tinitigan ni Hayabusa at Zerena ang diablong nakatayo sa kanilang harapan, habang kalmado namang tinignan ni Zeron ang laban na malapit ng maganap. Maya-maya pa'y napangisi siya nang mapansin ang biglaang pagkawala ni Zerena.
'Nag-umpisa na ang totoong laban', nakangiting wika ni Zeron sa kanyang isipan at tahimik na lumapit sa walang malay na si Shira.
Biglang lumitaw si Zerena sa harapan ng diablo at agad niya itong inatake. Walang kahirap-hirap na naiwasan ni Azazel ang ataking ginawa ni Zerena kahit malaki at mabigat ang katawan nito. Ngunit ang hindi nito alam, kanina pa inasahan ni Hayabusa ang pag-ilag na gagawin niya, kaya pinakinabangan nito ang pag-ilag ni Azazel upang sekreto itong atakihin ng hindi nito napapansin.
Kahit hindi nakita ni Azazel ang papalapit na si Hayabusa, pero agad naman nitong naramdaman ang presensya ni Hayabusa sa kanyang likuran, kaya agad niyang iniwasan ang kamao nito na direkta sanang tatama sa kanyang mukha.
Mabilis niyang iniwasan ang ataki ni Hayabusa, pero hindi niya nakita ang pagtalon ni Zerena sa ere patungo sa kinaroroonan niya. Maliksing pinaikot nito ang katawan sa ere at kumuha ng buwelo upang bigyan ng malakas na sipa si Azazel subalit nasalag naman nito.
Dahil sa puwersang sentrifugal, ang puwersa na natuon sa kanyang paa nung pinaikot niya ang katawan sa ere ay nakadagdag sa bigat at lakas ng kanyang sipa, kaya malakas na nahulog si Azazel pababa na naging dahilan ng pagkabiyak ng sahig. Ngunit tila hindi ito nasaktan sa ataking iyon.
Pero nang sinubukan nitong tumayo ay nagulat siya ng hindi nito maigalaw ang katawan. Agad niyang ipinaling ang tingin sa kanyang mga paa at nakitang nakapulupot rito ang kadena na gawa sa tubig. Sinubukan nitong kumawala subalit bawat galaw na ginagawa niya ay unti-unti siyang nanghihina at nauubusan ng lakas.
Maya-maya pa ay napansin ni Azazel ang papalapit na atake ni Hayabusa sa kanya. Gusto man niyang umilag pero hindi siya makaalis sa kanyang kinaroroonan. Direktang tumama ang ataki ni Hayabusa sa kanyang sikmura na agad naman nitong kinadaing sa sakit na naramdaman.
Pagkaraan ng ilang segundo, mataas na tumalon si Zerena na ipinagtaka ni Azazel. Bigla siyang nakakita ng nakakasilaw na liwanag mula sa kung saan tumalon si Zerena. Napaso ang katawan ni Azazel nang deretsong tumama sa kanya ang liwanag na agad nitong kinadaing sa sakit. Malakas ang taglay niyang kapangyarihan, ngunit may kahinaan din naman siya at iyon ang banal na mahika.
Nang nawala ang liwanag ay humupa din ang sakit na nararamdaman niya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay mag-uumpisa pa lamang ang kanyang kalbaryo.
Biglang nagsiliparan ang mga punyal na gawa sa tubig at isa-isang tumama't bumaon sa kalamnan ng diablo. Malakas siyang napahiyaw sa matinding sakit na naramdaman mula sa ataking iyon.
Lumipas ang ilang sandali at muling lumabas mula sa ibabaw ang nakakapasong liwanag na deretsong tumama kanya. Dumoble ang sakit na nararamdaman nang muling napaso ang buo nitong katawan mula sa banal na liwanag.
Tiniis ni Azazel ang sakit na nararamdaman at kinalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at sinubukan ang kanyang naisip na ideya. Buong lakas na pinakawalan ang malakas na itim na mahika mula sa kanyang katawan. Ang kulay itim nitong dugo na nagkalat sa paligid ay naging usok at pumunta patungo sa kanya.
BINABASA MO ANG
ENCHORODIAN
FantasyCOMPLETED | BOOK 1 -- Isang ordinaryong mamamayan ng Bayan ng Magus si Ayudishira, tahimik at matiwasay ang pamumuhay. Ngunit isang pangyayari ang magbubukas ng kanyang pinto sa Akademya de Minika, isang prestihiyosong paaralan na nagbibigay-hugis s...