14

180 25 8
                                    

KABANATA 14: REKOMENDASYON

HANILA

Tahimik kaming nakaupo sa silya sa harap ng mesa ng punong-guro, sa loob ng kagagawango ng punong-guro ng Akademya de Minika. Hindi ko batid kung ano ang sadya rito ng Prinsesa sa kagagawango. Hanggang ngayon katulad ni Eroth ay wala kaming sapataha kung ano kailangan ni Zerena rito. Bakit kaming dalawa pa ang isinama niya at hindi nalang ang kapatid niya o si Feron.

"Sinabi ba sayo ng Prinsesa ang sadya niya rito sa kagagawango ng punong-guro?" mahina kong bulong kay Eroth.

Nagkibit-balikat lamang ito, senyales na wala rin siyang sapataha sa pakay ni Zerena. Kahit ako ay nagtataka rin sa kanya kasi wala naman siyang sinabi sa akin tungkol sa pagpunta namin dito. Sa tuwing tatanungin ko naman siya ay panay kibit balikat lang ang sagot at sasabihing 'malalaman mo rin mamaya'. Kaya hindi na ko nagtanong pa at sumunod na lang sa kanya.

Agad kaming napaayos ng upo nang pumasok ang punong-guro rito sa loob ng kanyang kagagawango. Nakakunot ang kanyang noo at halos magsalubong na ang kilay sa pagkaseryoso. Halos lahat ng mag-aaral rito sa Akademya ay takot sa kanya at pati na kami ni Eroth, maliban nalang kina Zerena at Zeron.

"Anong sadya mo sa akin, Prinsesa?" seryosong tanong ng punong-guro pagkaupo niya sa kanyang silya.

"Irerekomenda ko sana ang isang veneficus na mag-aral dito sa paaralan natin. Hindi lang siya ordinaryong veneficus kundi nakikitaan ko siya ng potensyal. Alam ko na kapag nahasa siya rito sa paaralan natin ay matutuwa kayo sa magiging resulta," nakangiti niyang tugon ni Zerena.

"Ang babae ba 'tong inirerekomenda mo ay iyong nagngangalang Shira?" seryoso niyang sagot.

"Oo. Kaya irerekomenda ko na pag-aralin siya rito at ako na bahala sa mga babayaran niya at--"

"Ano bang relasyon ng babaeng ito sayo at bakit tila gustong-gusto mo siyang makapag-aral dito?" putol ng punong-guro kay Zerena.

"Pakiramdam ko kasi ay iyon ang dapat kong gawin. Tila may nagsasabi sa loob ko na papasukin siya sa paaralan. Kaya narito ako ngayon sa harap mo at sinusunod ang dinidikta ng damdamin ko," ang kaninang ngumingiti na Prinsesa ay naging seryoso.

Sa huling sandali, direktang tumingin ang punong-guro sa mga mata ni Prinsesa na tila sinusuri ang kaluluwa niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pagkaraan ng ilang minuto, nakita naming tumango-tango ito na tila sumasang-ayon kay Zerena.

Si Shira pala ang pinag-uusapan nila? Siya pala ang dahilan ng pagpunta namin dito.

"Susubukan natin kung makakapasa siya sa unang pagsusulit. Maaari ko bang malaman kung ano ang buong pangalan niya?"

"Ayon sa nakalap kong impormasyon, Ayudishira Aziz ang buo niyng pangalan, Propesor Eros. Sana tanggapin niyo pa rin siya kahit hindi siya makapasa. Lilisan na kami, Propesor Eros. Salamat sa panahon niyo," nakangiti niyang paalam dito.

Pagkatapos niyang magsalita ay marahan siyang tumayo mula sa kinauupuan at lumabas ng kagagawango. Sumunod naman kami ni Eroth sa kanya pagkatapos naming magpaalam sa punong-guro.

"Bakit hindi mo agad sinabi na irerekomenda mo pala si Shira na mag-aral dito sa Akademya? Bakit hindi na ba kaibigan turing mo sa amin kaya ayaw mong sabihin? Nakakainis na ba kami sa paningin mo?" sunod-sunod kong tanong kay Zerena habang patuloy na naglalakad sa malawak na pasilyo ng paaralan.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon