17

163 29 22
                                    

KABANATA 17: PAGSUSULIT

EROTH

Ilang araw, buwan at taon ang nagdaan bago muling binuksan ang pintuan ng Akademya de Minika para sa mga taong gustong mag-aral sa paaralang ito. At ngayong araw mismo ang pinakahihintay ng lahat, ito rin ang araw ng pagsusulit sa Akademya para sa mga taong gustong pumasok sa paaralan.

Sa amin na mga mag-aaral na dito, hindi na namin kailangan pang kumuha muli ng paunang pagsusulit. Hindi ko inasahan na ang daming tao ang narito ngayon na gustong kumuha ng pagsusulit.

Sa ekspresyon ng mukha ni Shira ay halata ang takot at pangamba. Nakakatawa talagang tingnan ang mukha niya kapag ganyan ang kanyang ekspresyon. Para siyang isang basang sisiw na tila naligaw ng landas. Sarap niya tuloy asarin ngunit huwag na muna dahil baka mabatukan pa ko ng babaeng 'to.

Ang bigat pa naman ng kamay niya. Ewan ko nga kung bakit ganyan, marahil dahil sa araw-araw niyang pagtatrabaho kaya mabigat ang mga kamay niya. Pero kahit mabigat ang kamay niya ay hindi naman maipagkakaila na maganda talaga siya.

Ang puti at kinis nga ng balat niya kahit isa siyang povré. Matangos at makitid din ang ilong nito. Manipis at mapula at tila hugis puso ang kanyang labi na lalong nagpaganda sa kanya. Ang kulay lupa niyang mata na kung titigan mo ay parang napakainosinti.

Ang mahaba niyang pilik mata na nakakaakit tignan kapag nakatingin siya sa iyo. Ang kilay niyang bumagay sa inosinti niyang pagmumukha. Maitim at mahaba ang kaniyang buhok na abot hanggang beywang nito. Balingkinitan at hugis orasa ang kanyang katawan. Masasabi kong ang liit ng beywang niya, matambok ang kanyang puwit, ngunit wala namang laman ang dibdib nito, hahaha! Siguro kapag naririnig niya itong iniisip ko ay marahil galit na naman ito.

"Eroth may gusto ka ba kay Shira? Kanina ka pa kasi nakatitig sa kanya," mapanuksong wika ni Aoki.

Binigyan ko naman siya ng matalim na titig na kinangisi ng gago.

"Ako?! May gusto sa babaeng yun? Tsk. Mamatay man ako ay hindi ako magkakagusto sa kanya. At huwag mo nga akong inisin Aoki! Maganda ang araw ko ngayon wag mong sirain!" bulyaw ko rito.

"Hahaha! Sabagay, kahit sino naman ay magkakagusto sa gandang taglay ni Shira, lalo na kapag inayusan siya," sabi nito habang nakangisi na nakatitig kay Shira.

"Ligawan mo na!" sabi ko rito at binigyan ito ng nakakalokong ngisi.

"Pero pakiramdam ko parang may gusto sa akin si Shira. Halos kasi lahat ng babae rito ay may gusto sa akin." Mula sa nakangiting mukha ay biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ligawan mo na, dami pang salita!" sigaw ko dito ngunit ngumisi lang ang gago.

"Hindi puwede, alam mo naman ang dahilan, diba?"

Kibit-balikat lamang ang tanging naisagot ko sa kanya. Kung sabagay, tama siya. Naiinis kong tinanggal ang nakahawak ng kamay niya sa balikat ko, at naglakad patungo kina Hanila at ng iba pa.

"Hoy, hintayin mo ko!" sigaw nito ng nakalayo ako sa kanya ngunit sumunod din agad siya sa akin. "Ang bilis mo talagang maglakad para kang nagmamadali!"

"Huwag mo kong asarin, Aoki. Baka batukan kita diyan!" singhal ko sa kanya.

"Bakit ba ang init palagi ng ulo mo? Dapat nga ay kalmado ka kasi lupa ang elemento ng kapangyarihan mo. Dapat pa nga na si Hanila ang mainitin ang ulo dahil apoy ang kapangyarihan niya kaysa sayo."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at di pinansin ang mga pinagsasabi ni Aoki. Nakakainis pakinggan ang isang 'to, hindi talaga tumitigil sa pagsasalita. Sarap niya talagang bigwasan! Dapat lang siguro na isama silang dalawa ni Hanila dahil alam kong magkasundo sila.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon