6

226 31 7
                                    

KABANATA VI: KAGUBATAN NG NORIOH

KABANATA VI: KAGUBATAN NG NORIOH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Larawan ng Kagubatan ng Norioh. Source: Google Chrome)

ZERANA

Napakatahimik at madilim na lugar ang unang sumalubong pagkadating namin sa loob ng kagubatan. Ito'y napapaligiran ng mga lanta at tuyong mga punong kahoy na tila dinaan ng matinding tagtuyo. Kahit maliwanag ang gabi ay 'di makapasok ang liwanag ng buwan sa maghiwagang gubat na ito.

Kakaiba ang ihip ng hangin rito sa loob ng kagubatan kung ihahantulad sa labas. Ang ihip ng hangin ay nagmula sa ibaba sa lupang tinatapakan namin papunta sa itaas. Sa bawat pag-ihip ng hangin ay tila tinatangay ang aming mga lakas. Mabuti nalang at may proteksyon kami ng puting mahika bago umapak papasok sa gubat, ang Alma Luceré---isang banal na mahika na nagbibigay ng proteksyon laban sa itim na mahika. Mabisa rin itong panlunas sa sakit na Febris.

Nabasa ko dati ang dahilan kung bakit naging ganito ang kagubatan ng Norioh. Ayon sa libro ng kasaysayan, noong nakaraang dalawang libong taon, ang kagubatan ng Norioh ay dating kanlungan ng Panginoong Vinea---Diyosa ng buhay at kamatayan.

Dati rin itong banal na lugar na pinamumugaran ng mga diwata at ng mahiwagang mga nilalang. Ang kagubatang ito ay dating nababalot ng banal na mahika na kayang pagalingin ang kahit anong uri ng karamdaman. Pawang kabutihan at kapayapaan ang namamayagpag sa kagubatang ito.

Subalit, nang dumating si Zetur, biglang nagbago ang lahat. Namatay ang kagubatan at napalitan ng kadiliman at kalungkutan. Ito ay pinamugaran ng mga masasamang elemento at ligaw na ispirito. Kung sino ang magtatangka na pasukin ang gubat na ito, kamatayan ang naghihintay sa kanila. Kaya pinagbawal ng Kaharian na pasukin ang gubat.

Tanging mga salamagkero lamang na may malakas na uri ng kapangyarihan o pangangatawan ang may kayang labanan ang itim na mahika na bumabalot sa kagubatan ng Norioh. At ayon sa pagkaka-alam ko, ang mga Kentaurus ay maalam sa paggamit ng orasyon na Alma Luceré.

Kaya isa ito sa mga dahilan bakit dito nila piniling tumira upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga nagnanais na hulihin sila. Dahil ang puso ng mga Kentaurus ay lunas sa kahit anong uri ng sakit o karamdaman at sinasabi na kaya rin nitong buhayin ang mga patay. Kaya marami ang nagnanais na hulihin sila kahit alam ng karamihan ang taglay na mahika ng mga Kentaurus.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at agad na may napansin akong kakaiba. Ang madilim na paligid ay nagbigay hadlang upang hindi makita ang paligid. Dahilan kaya naging alerto kami nang narinig ang mga yapak mula sa malayo.

Malalim akong napabuntong-hininga at pinasahan ng tingin ang buong paligid. Mas mabuti ng maging mapagmasid para maging handa at sa ligtas sa anumang laban.

"Maghanda kayo. Mayroon tayong ibang kasama rito!" Napatango ang lahat sa sinabi ni Zeron.

Hinanda namin ang mga sarili sa posibling panganib na taglay ng kagubatang ito. Siguradong mapapalaban kami nito.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon