72

62 11 18
                                    

KABANATA 72: SAKRIPISYO

THIRD PERSON'S POV

Mas lalong tumitindi ang labanan habang lumilipas ang panahon. Lahat ng pagsugod na ginawa nina Shira at ng mga kasamahan nito, lahat ng iyon ay madaling naiwasan ng kanilang kalaban. Tila nahuhulaan nito ang susunod nilang pag-atake at nababasa ang kanilang mga galaw.

Kahit anong gawin nilang pagsabay sa bilis nito ay hindi nila mapantayan. Hindi nila masundan ang mga galaw nito, kaya minsan ay natatamaan sila ng mga atake ni Azazel na nagdudulot ng lalong paghina nila.

Ang lakas na pinahiram ni Shira sa kanila ay unti-unting nauubos. Ang mga pag-atake na ginawa nila ay wala rin namang silbi kay Azazel. Unti-unti na silang nawawalan ng pag-asa na manalo sa labanan.

Nagsisimula na silang makaramdam ng pagkabigo at pagkainis sa tuwing inaatake nila si Azazel at ni isang daliri man lang ay hindi nila matamaan. Ang pambihirang bilis ni Azazel ay hindi nila mahabol. Kahit na sila ay pinalakas sa pamamagitan ng inkantasyon nina Shira at Feron, ito ay wala pa ring silbi pagka't hindi man lang nila mahawakan ang kanilang kaaway.

Si Azazel ay isang halimaw sa labanan na kahit pagsamahin pa nila ang kanilang mga lakas, maliit na pinasala lamang ang nadudulot nito.

'May pag-asa pa ba kaming manalo sa kalaban na ganito kalakas? Kahit pagsamahin namin ang aming mga lakas ay wala pa ring saysay. Kailangan ko na siguro gamitin ang inkantasyon na ito kahit gumagamit ito ng limampung porsyento ng lakas ko,' wika ni Shira sa kanyang isipan.

Wala nang ibang pagpipilian si Shira ngayon kundi gamitin ang kanyang makapangyarihang inkantasyon na natutunan niya mula sa libro ng Scriptum Intelligencia. Gagamitin niya ito upang palakasin ang kanilang lakas at bilis ng sampung beses.

Gagawin niya ang lahat upang makatulong sa kanyang mga kaibigan kahit na ang inkantasyon na ito ay gumagamit ng malaking enerhiya. Kailangan niyang gawin ito upang manalo sa laban.

Ngunit may pag-aagam-agam sa isipan ni Shira na maaaring hindi gumana ang inkantasyon. Ito ang unang beses na gagamitin niya na ito. Natatakot siya na kapag ginamit niya ito, maaaring pumalpak ang inkantasyon at magbigay pa ito ng sakit ng ulo. Subalit wala na siyang pagpipilian kundi ang gamitin amg inkantasyon, ito na lang natatanging paraan upang lumakas silang lahat.

Sa pag-iisip na iyon, nagsimulang kumilos si Shira.

"Guys, maaari niyo pa akong protektahan?" pagtatawag pansin ni Shira sa kanyang mga kasamahan.

Si Hayabusa ang unang tumugon at tinanong si Shira. "Ano ba ang pinaplano mo, Shira? Makakatulong ba 'yan sa sitwasyon natin ngayon?"

Malalim na napahugot si Shira ng hininga bago sumagot. "Hindi ako sigurado kung gagana ang gagawin kong inkantasyon, pero wala na akong ibang pagpipilian kundi ang manalig sa sarili kong kakayahan at manalangin na sana gumana ang inkantasyon na ito."

"Inkantasyon?" nagtatakang napabaling ang tingin ni Zerena sa kaibigan. "Anong uri ng inkantasyon ang gagamitin mo? Alam mo naman na kahit anong gawin nating pag-atake sa kanya tila wala itong epekto. Alam ko na marahas itong pakinggan, pero may magagawa ba ang inkantasyon na gagamitin mo sa sitwasyon natin ngayon?"

Mapait na napangiti si Shira tinuran ng kaibigan. Hindi niya inakala na pagdududahan ni Zerena ang kakayahan niya, pero naiintidihan niya ang pagdududa nito. Naisip ni Shira na kung siya ang nasa katayuan ni Zerena, iyon din ang kanyang sasabihin.

"Hindi ako sigurado na makakatulong ang gagawin ko, pero sana pagkatiwalaan niyo ko kahit ngayon lang," nakayukong tugon ni Shira kay Zerena.

Napangiti si Zerena sa tinuran ni Shira. "Huwag kang malungkot sa sinabi ko, Shira. Kahit noon pa man ay naniniwala na ako sa'yo. Hayabusa, Feron at Hanila, gawin natin ang lahat na protektahan si Shira habang sinasagawa nito ang pagbaybay ng inkantasyon."

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon