27

128 25 23
                                    

KABANATA XXVII: LABYRINTHUS (Prt. 1)

(TRIVIA: Labyrinthus is a latin word which means a place constructed of or full of intricate passageways and blind alleys. Labyrinths and labyrinthine symbols have been dated to the Neolithic Age in regions as diverse as modern-day Turkey, Ireland, Greece, and India among others.
source: www.worldhistory.org)

- -

SHIRA

Isinalaysay sa akin ni Busa ang lahat ng mga nangyari kanina. Akala ko naging halimaw na talaga si Hayanaré, pero isang ilusyon lang pala iyon. Halos himatayin ako dahil sa takot noong mga oras na yaon. Pero ang sumpa na sinabi niya ay totoo, kinabahan tuloy ako ukol rito. Mabuti siguro na huwag galitin si Hayanaré upang walang may mapahamak na kahit na sino.

Akala ko patay na yung babae, buhay pa naman pala. Di ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya at sa mga kasamahan nila kasi umalis na kami agad bago pa mawala ang bisa ng ilusyon na ginawa ni Hayanaré.

Salamat na lang talaga at isang ilusyon lamang ang senaryong iyon. Isang ilusyon na parang totoo. Sinabi sa akin ni Busa na hanggang limang minuto lamang magtatagal ang ilusyon, at kapag nawala ang bisa nito, paniguradong magugulat talaga ang mga kasamahan ng babaeng 'yon pati na din siya.

Yung akala nila na patay na ang kasama nilang babae na pinatay ni Hayanaré, pero buhay pa pala. Paniwalang-paniwala talaga ako. Kapag nagkataon na totoo ang kasuklam-suklam na pangyayaring iyon, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya iyon ginawa. Nagawa lamang niya iyon upang maisahan ang mga nagnais na isahan siya. Di namin inasahan na bigla na lang silang pumasok sa lagusan na pinaghirapan naming mabuksan.

Sana ay matuto sila sa ginawang iyon ni Hayanaré. Masyadong matalino si Hayanaré para isahan nila, pati nga si Busa at ako ay napaniwala din niya.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kaming tatlo sa pagtakbo at hindi alam kung saan patutungo ang ginagawa naming pagtakbo. Nahilo ako sa dami ng mga dinaanan naming daan na pasikot-sikot. Lahat kasi ng mga nadaanan namin ay magkakapareho ang itsura ng daan kahit saang angulo tignan.

Ang buong paligid ay napapaligiran ng napakataas na mga pader at nakakalitong pasikot-sikot na mga pasilyo. Ang mga pader na ito ay napakataas na kung susukatin ay mahigit kumulang sandaang metro ang haba ng pader na 'to, na gawa sa inukit at hinulmang mga bato na hugis ng isang ladrilyo, at ito'y pinagtangkas o ipinatong-patong upang makabuo ng isang matibay na pader.

Ang lupang tinatapakan namin ay mabuhangin at minsan ay mabato, depende sa pasilyong dinadaanan namin. Kapag ang pasilyo ay mabato ang lupa, ibig sabihin ay puno ng lumot at tinutubuan ng ligaw na damo ang pader, madulas din ang batong tinatapakan namin na tila nabasa pero wala namang tubig.

At kung mabuhangin naman ang pasilyong tinatahamak namin, ibig sabihin maraming mga ligaw na makamandag na insekto at mga hayop. Mabuti na lang at nagagamit ko ang deus protectus kong mahika kung mahika, upang protektahan kami laban sa mga hayop at insektong ito.

Minsan ay minamalas naman kami kapag ang daang tinatatahak namin ay puno ng mga patibong. May patibong na biglang guguho ang lupang tinatapakan namin tapos sa ilalim ng lupang gumuho ay mayroong matutulis at mahahabang mga bakal, na kapag mahulog ka ay siguradong matutusok ang buo mong katawan. Mayroon ding pasilyo na nang dinaanan namin ay biglaang may nagsiliparan na mga palaso na ang dulo ay puno ng nakakamatay na lason.

ENCHORODIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon