HINDI ako nakatulog nang maayos kagabi kaya mabigat ang mata at katawan kong nagpunta sa eskuwelahan. Gusto ko sanang dumiretso sa clinic para umidlip pero hindi ko puwedeng gawin iyon dahil kailangan kong pumasok kung ayaw kong madagdagan ang problema ko. Paulit-ulit na sumasara ang talukap ng mga mata ko habang nagtuturo si Sir Ferdie sa harap, tinatangkang umidlip. Mabuti na lang at nalabanan ko iyon hanggang sa natapos ang klase.Hindi na ako nagpunta sa cafeteria para mag-recess. Nilampasan ko ang pagkain at hinayaan ang sarili na matulog kahit sandaling oras lang. Yumukyok ako at hinayaan ang sarili na makaidlip. Nakarinig ako ng mga ingay; tawanan, kalampagan, at sigawan dahilan para maidilat ko ang mga mata ko. Hindi ako nakakilos kaagad nang salubungin ako ng tingin ni Lothaire.
Umayos ako ng upo at sinipat ang paligid. Hindi ko man lang namalayan na nakabalik na pala ang lahat ng kaklase ko. Parang kapipikit ko lang tapos ubos na kaagad ang kalahating minuto naming break time. Muli kong sinulyapan si Lothaire. Oo nga pala, Research One pala ang subject namin ngayon.
"Mabuti na ang pakiramdam mo?" Hindi tumitingin sa kaniyang tanong ko.
Kung gusto kong masagot ang mga tanong ko, epektibo sigurong paraan kung susundin ko ang sinabi ni mama. Kung may gusto akong malaman, ang pagiging mainitin ang ulo ay hindi makakatulong. Kailangan kong subukang maging mas kalmado sa kaniya. Hindi ko puwedeng hayaan na magbangayan kami nang magbangayan at layuan ang isa't isa na nangangati ang isip ko kahahanap sa mga sagot.
"Ano ang dahilan nang biglang pagbabago mo?" Hindi niya pinansin ang tanong ko.
"Bakit, kailangan ba may dahilan ang lahat?" Sinusubukan kong maging mas pasensiyosa.
"Hindi ako naniniwalang wala."
"Pinakiusapan ako ni Mama na pakitunguhan ka nang maayos. Masaya ka na ba?"
Totoo naman iyon. Pero hindi iyon ang buong dahilan ko.
"Nakakatawa."
"Edi tumawa ka." Pinaningkitan niya ako pero hindi ko na siya pinansin.
"Sa susunod na linggo, bubuuhin ko na ang grupo ninyo," ani Sir Domagso. "Dahil tapos ko ng ipaliwanag ang lahat ng kailangan ninyong malaman, umaasa ako na hindi na kayo mahihirapang buohin ang research paper ninyo. Kung may mali man sa mga gawa ninyo, dapat ay minor na lang. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes, Sir," sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko.
Muli akong napatingin kay Lothaire. Kung alphabetically ang gagamiting sistema ni Sir Domagso, malaki ang posibilidad na maging magkagrupo kami. Hindi ko matukoy sa ngayon kung maganda ba iyon o hindi.
Pagkatapos ng klase, sabay kaming lumabas na para bang close friend namin ang isa't isa. Kinakausap niya ako at ganoon din naman ang ginagawa ko. Nangangati na ang dila kong itanong sa kaniya ang ilang mga bagay pero kung gagawin ko iyon ngayon, siguradong malalaman niya kung ano ang talagang pakay ko sa tangkang pakikipagmabutihan sa kaniya.
"May mga kasalanan ka pa sa akin. Pinagsabihan mo ako ng hindi maganda," sabi ko matapos humantong ng usapan namin sa pagiging nakakainis at nakakapikon ng isa't isa.
"At ganoon ka rin naman."
Heto na. Nagsisimula na naman akong mainis sa kaniya pero sinikap kong huwag iyon ipahalata.
BINABASA MO ANG
Janji
ParanormalSa mundong binabalot ng mga lihim at panlilinlang, sino ang dapat pagkatiwalaan? -- Si Rhealle ay hindi naniniwala sa mga bagay na mahiwaga. Para sa kaniya, ang mga tulad no'n ay produkto lamang ng malikot na imahinasiyon ng mga tao; ang mga kakaiba...