Gawain 1:
Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament? Mula sa saliksik nina Almoete, Banggad, at Garferio
1. Ano ang paksa ng binasa mong pananaliksik?
> Ang paksa ng binasang pananaliksik ay tungkol sa paggamit ng wikang taglish sa pinoy new testament, kung ito ba ay swak o ligwak.2. Ano-ano ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik?
> Ang naging resulta o kinalabasan ng pananaliksik ay swak dahil ang paggamit ng wikang taglish sa pinoy new testament ay lubos na epektibo kaya nangangahulugang ito ay tanggap o swak.3. Angkop ba ang metodo na ginamit ng mananaliksik? Pangatwiran ang iyong sagot.
> Angkop ang ginamit na metodo sa pananaliksik sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean. Pinili din ang mga kalahok sa pamamagitan ng simple random sampling kaya naging maayos ang presentasyon ng datos at kinalabasan ng pananaliksik dahil mas naging natural ang pagsagot ng mga kalahok sa mga katanungan.4. Anong kulturang Filipino ang masasalamin sa pananaliksik na nabasa mo?
> Ang kulturang Filipino na masasalamin sa pananaliksik na aking binasa ay ang matibay na pananampalataya ng mga Pilipino.5. Ano ang kahalagahan o implikasyon sa pag-aaral, kabuhayan, at buhay ang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Filipino.
> Nagkakarooon tayo ng gabay at mga pagbabasehan ng mga desisyon na maaaring makatulong sa ating wika at kultura batay sa resulta ng
ginawang pananaliksik.☆☆☆☆☆☆☆☆
Ibigay ang hinihingi ng kahon sa ibaba batay sa pinaplano mong lalamanin ng iyong sariling gawang pananaliksik.
Pamagat/Titulo
> Kahalagahan ng Wika sa Paggamit ng Social Media1. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
> Nang isinilang ang tao kakambal na nito ang pisikal at mental na potensyal sa paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng paggamit ng
wika, nauunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat tao at nagiging salamin ng kung ano ang kultura, tradisyon at paniniwala mayroon ang isang bansa na siyang nagsisilbing gabay ng bawat mamamayan. Samantalang, sa pag-usbong modernong panahon at makabagong teknolohiya, nagbubunga ito ng mga bagong kaalaman ng tao buhat sa
pananaliksik at malikhaing pag-iisip. Isa sa produkto ng makabagong teknolohiya ay ang pinakatampok na "Social Media" Ito ay sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga
tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng mga impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad na sa kasalukuyang labis na kinahuhumalingan ng mga kabataan.2. Paglalahad ng mga suliranin
> 1. Anong social media site ang kadalasang ginagamit ng mga kabataan?
2. Anong dahilan ng mga mga kabataan sa paggamit ng social media?
3. lang oras gumagamit ng social media ang mga kabataan?
4. Ano-anong wika ang kadalasang ginagamit ng mga kabataan sa social media?3. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral.
> Ang kahalagan ng pananaliksik na ito ay mabatid kung maaapektuhan ba nang paggamit ng social media ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa ating sariling wika at paano nakatutulong ang paggamit ng social media sa pagpapa-unlad ng wikang Filipino. At upang malaman din kung gaano kalaking oras ang ginugugol ng mga kabataan o mga pilipino sa paggamit ng social media at dulot nito sa pagpapalaganap o pagpapa-unlad ng wika.4. Rebyu at Kaugnayan na Literatura
> Apektado ang wika sa paglitaw ng mga imbensyon, inobasyon ng pagbabago at sistemamg tumuugon sa pagtaas ng lebel ng impomasyon. Ayon kay Quijano 2015 ang makabagong teknolohiya at kalakaran ng kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na banta bagkus ito ay nagsisilbing isang hamon sa bawat isa.5. Teoretikal na gabay at konseptuwal na balangkas
> Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang pakipag-unawaan sa kapwa tao at nalilikha ang mga salita at isinisilang sa pangangailangan ng
sambayanan at nagtataglay ng mga kahulugang itinatag ng mga kaugalian. Gagamitan ng "input-process-output-model".☆☆☆☆☆☆☆☆
Suriin: Basahin at suriin ang teksto. Pansinin kung paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa tekso.
Karakol: Pasayaw na Panalangin ni Myra Miller
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
> Ang teksto ay tungkol sa karakol na isang uri ng aktibidad ng mga deboto na kilala rin bilang "pasayaw na panalangin". Isang impluwensiya ng mga kastilang sumakop sa ating bansa na isang kagawian na ngayon ng mga taga-Cavite.2. Ano ang gampanin ng mga salitang may salungguhit?
> Ang gampanin ng mga salitang may salungguhit ay pag-uugnay-ugnay ang mga ideya upang mas maintindihan at mabasa ng maayos ang mga nilalaman ng bawat pangungusap sa teksto. Upang maging maayos ang daloy ng mga kaisipan at mga salita sa bawat pangungusap sa teksto.3. Ano kaya ang maaaring mangyari sa daloy ng idea sa tekso kung wala ang mga salitang may sakunguhit?
> Kung wala ang mga salitang may salungguhit ay maaaring hindi maintindihan nang mambabasa ang pagkaka-ugnay-ugnay at pagkakasunod-sunod ng mga ideya. At maaaring hindi nito maipahayag ang tunay na nais iparating o makuhang impormasyon ng mambabasa ng tekso at magdudulot ito ng magulong ideya.☆☆☆☆☆☆☆
Balikan: Mapapadali ang pagsusulat ng panimulang pananaliksik kung nakabisa mo ang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Upang matiyak ito, subuking ibigay ang suno-sunod na hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
Kabanata I
A. Pasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
E. Teoretikal at Gabay na Balangkas
F. Saklaw at LimitasyonKabanata II
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglilikom ng Dayos
E. Paraan ng Pagsusuri ng DatosKabatana III
A. Resulta at DiskusyonKabanata IV
A. Lagom
B. Kongklusyon
C. Rekomendasyon☆☆☆☆☆☆
Suriin: Basahin at suriin ang teksto. Alamin kung anong penomenang panlipunan at kultural ang masasalamin dito. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan.
1. Anong penomenang kultural at panlipunan ang masasalamin sa tekstong ito?
> Mga kinagisnang kultura, tradisyon, paniniwala, at hanap-buhay.2. Ano ang kaugnayan ng mga penomenang kultural at panlipunan na masasalamin sa teksto sa pamumuhay ng mga tao sa lugar na ito?
> Nang dahil sa mga penomenang kultural at panlipunan na ito ay nasasalamin ang mayaman at mayabong na mga paniniwala, kultura, at tradisyon ng pamumuhay ng mga tao sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Tulad na lamang ng mga fiesta, karakol, at prusisyon.3. Paano makatutulong ang mga penomenang kultural at panlipunan sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa wika at kultura ng isang lugar?
> Dahil sa pagkakaroon ng iba't ibang paniniwala, tradisyon, kultura, pagkain, kasuotan, gawi, hanapbuhay, at wika sa iba't-ibang luagar sa bansa na maaaring pag-aralan upang makabuo ng magandang resulta sa pananaliksik sa wika at kultura na pakikinabangan ng mga mag-aaral.☆☆☆☆☆☆
Lingguwistika ang tawag sa kaugnay ng wikang sinasalita ayon sa heograpikong kalagayan ng isang lugar maaring ito ay balbal, kolokyal, diyalektal , kolokyal, diyalektal, teknikal at masining.
Kultural isang katangian ng wika na
nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika.Pelikula ay isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Ito ay may iba't ibang uri gaya ng aksiyon, animation, dokumentasiyon, drama, pantasya, histori kal, katatakutan, komedya, musikal, sci-fic, at iba pa.
Dula ito ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalaan ay naglalarawan ng kawili-wiling mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Isang uri ng panitikan sa anyo ng tuluyan na dapat na itanghal sa entablado, may
mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa pamamagitan ng mga diyalogo.☆☆☆☆☆
BINABASA MO ANG
Grade 11 Modules 2021-2022 ABM
Randommodules ABM public school student :) Subjects: ▪︎ Komunikasyon at Pananaliksik ▪︎ Contemporary Arts ▪︎ PE and Health ▪︎ General Math ▪︎ Business Math ▪︎ Reading and writing skills ▪︎ Understanding Culture, Society, and Politics (UCSP) ▪︎ Organizatio...