✔️ Komunikasyon at Pananaliksik (Part 2)

168 0 0
                                    

Gawain 1:

Ano ang mga kaalaman ang nakapaloob sa sumusunod:

1. Ponolohiya
> Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga tunog, paghinto, pagtaas-pagbaba ng unig, at pagpapahaba ng tunog. Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral o batayang yunit ng mahahalagang tunog.

2. Morpolohiya
> Ang Morpolohiya naman ay ang
pinakamalit na yunit ng isang salita
na may kahulugan. Ito ay pag-aaral sa isang salita para nalaman
ang relasyon ng isang salita sa ibang
salitang may kaparehong lenggwaheng ginagamit at kung paano ito nabuo.

3. Sintaksis
> Ito ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng
mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap. Ito ay isang formasyon ng mga pangungusap sa isang wika na kung saan maaaring mauna ang paksa sa
panaguri o panaguri sa paksa.

4. Semantika
> Ito ay ang pag-aaral na tumutukoy sa kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag. Ito ay pag aaral ng mga salita upang matukoy kung ano ang kahulugan ng isang salita base sa sitwasyon at paano ito gamitin.

☆☆☆☆☆☆

Gawain 2:

1. "Wala akong ibibigay, butas na ang bulsa ko." Ano ang kahulugan ng butas ang bulsa sa pahayag?
> Ubos na ang pera o wala nang pera.

2. Ang babae ay mala-Liza Soberano ang itsura. Ano ang ipinapahayag sa mala-Liza Soberano?
> Marahil ang babae ay kahawig at kasing ganda ni Liza Soberano kaya naging mala-Liza Soberano ang itsura ng babae. Ibig-sabihin nito ay maganda ang babae kagaya ni Liza Soberano ang kagandahang taglay nito.

3. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang pagkain ng tao?
A. buto
B. kuto
C. luto
D. puto
> D. Puto

4. Bumalik ang mag-aaral sa loob ng klasrum. Alin ang paksa sa pangungusap?
> Ang paksa sa pangungusap ay "mag-aaral"

☆☆☆☆☆☆

Gawain 3:

Sumulat ng limang pangungusap gamit ang natutunan mo sa kakayahang lingguwistiko.

1. Nag banta ang bata na isusumbong niya raw ang kaaway niya sa kanyang tatay.

2. Sa susunod daw na buwan magbabayad ng utang si Marites.

3. Laging hatinggabi umuuwi ang asawa ni Marites.

4. Ang dagat ay nakapalalim, Napakalalim ang dagat na napuntahan ni Juan.

5. Si ate raw ang bibili ng pandesal bukas ng umaga.

☆☆☆☆☆☆☆

Gawain 4:

Gumawa ng isang slogan batay sa mga ginawang pangungusap sa itaas. Isulat sa short bond paper.

"Ang tunay na kaibigan ay nagpapautang at nagbabayad ng utang."

☆☆☆☆☆☆☆

Gawain 5:

Tukuyin ang mga salita batay sa gamit at grupong kinabibilangan nito. Ihanay ang mga salita batay sa rehistro nito.

Kalusugan:
Covid19
Alcohol
Social distancing
Face mask

Edukasyon:
Pasukan
Pagsusulit
Guro
Brigada eskuwela
Distance learning

Agrikultura:
Pataba
Bigas
Mais
Bigas
Isda

Social Media:
Facebook
Like
Basher
Mobile legends
Tiktok

☆☆☆☆☆☆

Gawain 6: Suriin

Ang tekstong ito ay nagpapakita ng angkop na salita at paraan ng paggamit ng salita batay sa pinag-uusapan. Unawain ang nilalaman ng teksto upang masagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon