wikang Filipino (essay)
"Ang wika ng Millennials"
Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, kasabay nito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao, na kaugnay ng lumalaking konsepto ng pagbabago ng wika, at sa paglipas ng panahon nakabuo ang mga makabagong kabataan o kilala sa tawag na millennials ng kanilang paraan ng komunikasyon na mas nagpaunlad ng gramatikang Filipino. Kasabay ito ng pag-unlad ng estado ng pamumuhay at teknolohiya, na ilan lang din sa naging instrumento ng pag-unlad ng aspekto ng wika dito sa ating bansa.
Isang implikasyon nito ang pagkakabuo ng millennial slangs o mga salitang balbal. Kung dati ay gamit pa ng mga Pilipino ang lumang ortograpiya, ngayon ay ginagamit na hindi lamang ang bagong ortograpiya na may pinag-anib na mga bagong konseptong panggramatika na nagagamit sa pang-araw-araw.
Ang balbal o slang word ay ang hindi pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang parikular na grupo ng lipunan. Kadalasan itong hindi matutunton sa diksyunaryo. Tinatawag din itong salitang kalye. Halimbawa nito ay arat na (Tara na) petmalu (malupit) sakalam (malakas) Marites (Mare, anong latest) at marami pang iba.
Ang bawat tao ay nabibilang sa iba't ibang uri ng lipunan o grupong sosyal/kultural, kaya't may kani-kaniyang arbitraryo ang mga ito. Gaya na lamang ng mga homosekswal na ginagamit ang "bekimon" (gay language) na sila lamang ang madali at mabilis na makaiintindi. Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinaka-dinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito.
Sa ating henerasyon maraming nauuso ngunit agad ding nalalaos sapagkat ang wika ay patuloy na nagbabago kung kaya't ang mga bagong usbong na salita na uso
ngayon ay maaaring hindi na uso sa susunod na panahon. Dulot din ito ng pag-aanib dito
ng inobasyon sa teknolohiya, kaya't nailathala ang ganitong konsepto sa gramatikang Filipino.Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magkaroon ng mas malalim na pag-aaral patungkol sa mga makabagong salita o ang mga millennial slangs at kung paano nito mas pinapaunlad ang gramatikong Filipino at sa kabilang banda ay magdulot ng mas malalim na kamulatan at kaalaman sa mga makabagong salita na ginagamit ng kahit sino. Isa pang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mas magkaroon ng kalinawan ang paraan ng komunikasyon ng mga millennial sa mga naunang salinlahi na sakaling kumilatis sa mga pag-aaral ng ganitong paksa.
☆☆☆☆☆
"Ang wika ng Millennials at Genzers"
Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, kasabay nito ang pag-unlad ng pamumuhay
ng tao, na kaugnay ng lumalaking konsepto ng pagbabago ng wika. Sa paglipas ng
panahon nakabuo ang mga makabagong kabataan o kilala sa tawag na millennials at generation Z ng kanilang paraan ng komunikasyon na mas nagpaunlad ng gramatikang Filipino. Kasabay ito ng pag-unlad ng estado ng pamumuhay at teknolohiya, at paggamit ng mga social media na ilan lang din sa naging instrumento ng pag-unlad ng aspekto ng wika dito sa ating bansa.Isang implikasyon nito ang pagkakabuo ng millennial slangs at wika ng genzers o mga salitang balbal. Kung dati ay gamit pa ng mga Pilipino ang lumang ortograpiya, ngayon ay ginagamit na hindi lamang ang bagong ortograpiya na may pinag-anib na mga bagong konseptong panggramatika na nagagamit sa pang-araw-araw.
Ang salitang balbal o slang word ay ang hindi pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang parikular na grupo ng lipunan. Kadalasan itong hindi matutunton sa diksyunaryo. Tinatawag din itong salitang kalye. Halimbawa nito ay arat na (Tara na), petmalu (malupit), sakalam (malakas) Marites (Mare, anong latest) at marami pang iba.
Ang bawat tao ay nabibilang sa iba't ibang uri ng lipunan o grupong sosyal/kultural, kaya't may kani-kaniyang arbitraryo ang mga ito. Gaya na lamang ng mga homosekswal na ginagamit ang "bekimon" (gay language) na sila lamang ang madali at mabilis na makaiintindi. Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinaka-dinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito.
Sa ating henerasyon at mga naglipas na mga henerasyon, maraming nauusong mga salita ngunit agad ding nalalaos sapagkat ang wika ay patuloy na nagbabago kung kaya't ang mga bagong usbong na salita na uso ngayon ay maaaring hindi na uso sa susunod na panahon. Dulot din ito ng pag-aanib dito ng inobasyon sa teknolohiya, kaya't nailathala ang ganitong konsepto sa gramatikang Filipino.
BINABASA MO ANG
Grade 11 Modules 2021-2022 ABM
Casualemodules ABM public school student :) Subjects: ▪︎ Komunikasyon at Pananaliksik ▪︎ Contemporary Arts ▪︎ PE and Health ▪︎ General Math ▪︎ Business Math ▪︎ Reading and writing skills ▪︎ Understanding Culture, Society, and Politics (UCSP) ▪︎ Organizatio...