✔️ Komunikasyon at Pananaliksik (Part 4)

81 0 0
                                    

Paggawa ng balita:

Samo't saring problema sa panahon ng pandemya.

Dahil sa patuloy na paglala ng pandemya at sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng covid19 virus. Samo't saring problema ang nahaharap ng bawat tao sa panahon ng pandemya. Nariyan ang isyu sa pangkalusugan, kabuhayan, edukasyon, at iba pa. Dahil sa patuloy na pagkalat ng covid19 virus sa buong mundo, nangangamba ang mga eskperto dahil maraming mga tao na ang natatamaan, namamatay, at nahahawa ng virus na lubhang nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan. Kaya naman labis na inimumungkahi ng mga eskperto na magpabakuna na ang mga pasok sa pwede nang mabigyan ng bakuna upang makamit ang community population protection. Upang maiwasan ang lalong pagtaas ng mga kaso ng covid19. Para matulungan na rin ang mga frontliners sa pagsugpo ng pandemya. Dahil din sa pandemya kaya labis ding naapektuhan ang kabuhayan ng maraming Pilipino. Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho, mga nag sara at naluging negosyo dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Kaya maraming mga tao ang nagugutom dahil sa kawalan ng pagkukunan ng pera. Labis ding naapektuhan ang ekonomiya ng ating bansa sanhi ng biglang pagbagsak nito dahil sa pandemya. Isa din sa mga labis naapektuhan ng pandemya ay ang edukasyon. Dahil sa pandemya kaya hindi sang-ayon ang mga eskperto at department of education na muling ibalik ang face to face class dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng natataman ng virus. Kaya hindi muna pwedeng magkaroon ng face to face class ang mga kabataan. Dahil dito kaya naging blended learning, na pinagsamang online class at modular learning ang klase ng mga mag aaral. Ngunit maraming mga estudyante at guro ang nahihirapan pa rin dahil sa mahinang internet o walang data, walang gagamitin na pang online class kaya hindi sila nakakapasok sa kanilang mga klase.

☆☆☆☆☆☆

1. Ano-ano ang mga isyu sa napakinggang balita tungkol sa covid19?
> Mga isyu sa bakunahan, patuloy na pagtaas ng mga kaso ng covid19, pagpapatupad ng mahigpit na ecq, walang face to face class, kabuhayan, at ekonomiya.

2. Ano-ano ang mga mahahalagang detalye ang inilahad ng nagsasalita sa balita?
> Ang pagsusumite ng pagbibigay ng booster shot vaccine kapag natapos nang bakuhanan ang lahat ng mga tao bilang pandagdag proteksyon. Ang mga natuklasang bagong variant ng covid19 virus tulad ng delta variant na mas mabilis nakapanghawa.

3. Magtala ng limang (5) salitang ginamit kaugnay ng isyu sa balita. Ano ang kahulugan ng mga salitang ito?

Pangkabuhayan ~ Trabaho na pinagkukunan ng pera

Banta ~ Pagbibigay ng babala

Pagpapatupad ~ Pagsasagawa ng isang bagay

Suspende ~ Hindi pagbibigay ng pahintulot

Isyu ~ problema o pangyayari na nakababahala

☆☆☆☆☆☆

1. Ang sari-sari store ang pangkabuhayan ng mag-anak na Dela Cruz.

2. Bakuna ang solusyon upang matugunan ang banta ng covid19 virus sa mga tao.

3. Si Juan ay suspende muna sa kanyang trabaho dahil sa laging huling pagpasok.

4. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas sa bansa.

5. Maraming isyu ang kumakalat sa social media na nakababahala.

☆☆☆☆☆

Sumulat ng isang panayam tungkol sa napapanahong isyu.

Tanong: Nang dahil sa covid19 kaya wala pa ring face to face class ngayong school year, ano ang iyong masasabi tungkol dito.

Sagot: Para sa akin, ayos lamang na wala pa ring face to face class ngayong school year. Dahil mas mahalaga ang kalusugan at buhay ng tao lalo pa at marami pa ring mga tao ang hindi nagpapabakuna. Marami pa namang ibang paraan upang mabigyan pa rin ng edukasyon ang kabataan tulad ng blended learning, online class, at modular learning. Mataas pa rin ang kaso ng mga tinamaan ng covid19 virus at hindi pa rin natatapos ang pandemya. Wala naman tayong magagawa kaya kailangan na lang gumawa ng paraan.

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon