✔️ Kom at Pan (filipino) (1)

25 0 0
                                    

Pag gamit ng wika sa mga pelikula

Ang mga pelikula at dulang Filipino ay ating isang katangian bilang Pilipino. Laman nito
ang mga kwentong sumasalamin sa reyalidad ng buhay ng mga Pilipino lalo
na ang mga pelikulang Filipino at indie films. Dahil itinatampok ang kuwentong hango sa tunay na buhay ng mga Pilipino, dala ng mga pelikulang ito ang kulturang kumakatawan sa ating pagkatao kasama na ang wikang nagsisilbing isang simbolo ng ating pakakakilanlan. Sa patuloy na pag-unlad ng pelikula at dulang Filipino, napapa-unlad din nito ang ating mga kultura at wika. Sapagkat kadalasang wikang Filipino ang ginagamit sa pagsasalaysay at diyalogo ng mga kwentong isinasabuhay sa pelikula at dula. Ang bawat linyang binibitawan ng mga karakter sa pelikula ay isa sa mga tumatatak sa mga manonood na siyang dahilan para mas mapaunlad ang sarili nating wika dahil nagiging sentro ito ng usapan ng mga Pilipino.

☆☆☆☆☆☆

Manood ng pelikula o makinig ng dulang Flipino sa radyo. Gumawa ng isang maikling video na nagpapatunay na ang lingguwistika at kultural na ugnayan ay nasasalamin sa mga pelikula at dulang Filipino.

Ang Lingguwistika ay pang-agham na pag-aaral ng wika. Nagsasangkot ito ng pagsusuri ng porma ng wika, kahulugan ng wika, at wika sa konteksto, pati na rin ng pagsusuri ng mga salik, panlipunan,
pangkasaysayan, at pampulitika na mga kadahilanan na nakakaimpluwensya sa wika. Samantalang, ang kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon, ugali, paraan ng pamumuhay, relihiyon, at wika.

Ang pelikulang aking pinanood ay may pamagat na Barcelona: A love untold directed by Olivia Lamasan, starring by Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang pelikula ay ipinalabas taong 2016 at kinunan ito sa Barcelona, Spain. Bagamat, nasa wikang ingles nakasulat ang pamagat ng pelikula nanatili pa ring nakasentro sa wikang Filipino ang mga linyang tumatak at pinag-usapan na lalong nagpayabong sa ating wika at kultura. Halimbawa nito ang linyang binatawan ng Karakter ni Kathryn Bernardo na si Mia "Huwag mo akong mahilin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Because that is what I
deserve."

Makikita o maririnig sa pelikula ang paggamit ng iba't ibang lenggwahe tulad ng ingles, tagalog, at espanyol.

Ang mga pelikula at dulang Filipino ay ating isang identidad bilang Pilipino. Laman nito
ang mga kwentong sumasalamin sa reyalidad ng buhay ng mga Pilipino lalo na ang mga pelikulang Filipino at indie films. Dahil itinatampok ang kuwentong hango sa tunay na buhay ng mga Pilipino, dala ng mga pelikulang ito ang kulturang kumakatawan sa ating pagkatao kasama na ang wikang nagsisilbing isang simbolo ng ating pakakakilanlan. Sa patuloy na pag-unlad ng pelikula at dulang Filipino, napapa-unlad din nito ang ating mga kultura at wika. Sapagkat, kadalasang wikang Filipino ang ginagamit sa pagsasalaysay at diyalogo ng mga kwentong isinasabuhay sa pelikula at dula. Ang bawat linyang binibitawan ng mga karakter sa pelikula ay isa sa mga tumatatak sa mga manonood na siyang dahilan para mas mapaunlad ang sarili nating wika dahil nagiging sentro ito ng usapan ng mga Pilipino.

Bagamat, kadalasang nasa wikang ingles na ang mga pamagat ng mga sumikat na pelikula, lagi pa ring nakasentro sa wikang Filipino ang mga diyalogo. isa pa, ang wikang ingles ay isa sa ating opisyal na lenggwahe sa Pilipinas. Ginagawa lamang ito upang makapanghiyakat ng mas maraming manonood at upang makipagsabayan sa mga pelikula ng ibang bansa.

Nangangahulugan lamang ito na gaano man katanyag ang mga pelikulang internasyonal, natatangi pa rin ang pelikulang Pilipino dahil sa malinaw na pagpapakita ng ating paglinang sa wika, kultura at identidad bilang mga Pilipino.

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon