POSISYONG PAPEL: TEENAGE PREGNANCY

65 0 0
                                    

"POSISYONG PAPEL: TEENAGE PREGNANCY O MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA KABATAANG BABAE"

Ang pagiging marupok at mapusok sa mga makamundong bagay ang nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari? sapat ba ang pamimigay ng contraceptives o paggamit ng condom upang mapigilan ito gayong maraming kabataan ay hindi alam kung paano ito gamitin o saan maaaring bilhin. Hindi ito sapat, dahil hindi natuturuan ng wastong sex education ang kabataan. Sa Pilipinas, iilang paaralan lamang ang nag tuturo ng sex education at kakaunti lamang ang mga mag-aaral na pupumasok sa asignaturang ito at karamihan ay nagtatawanan pa habang nakikinig.

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ang isa sa mga dahilan ng pagbaliktad ng mga pangarap ng kabataang tulad ko, nagiging sanhi ng tuluyang paghinto sa pag-aaral at maagang paghahanap buhay upang may pantustos lamang sa pangangailangan ng kanilang nabuong pamilya. Hindi man nararapat o hindi man sadya ngunit ito ay malaking responsibilidad sa kanilang murang edad at malaking problema sa ating bansa na dapat tuldukan.

Ang teenage pregnancy o maagang pag bubuntis ng mga kabataang babae sa edad na 15-19 ay isa sa mga isyung kinakaharap ng pilipinas at ng buong mundo. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) 1 sa 10 kabataang babae na may edad na 15-19 ang nag sisimula nang mag dalang tao. Samantalang 8% naman ang magulang na at 2% ang nagdadalang tao sa kanilang unang anak ayon sa resulta ng 2013 National Demographic and Health Survey (NOHS). Ayon naman sa World Health Organization (WHO) mahigit kumulang 18.5 milyong babae na may edad 15-19 ang nag dadalang tao bawat taon sa buong mundo. At ang komplikasyon lamang habang nagbubuntis ang nagiging dahilan kung bakit namamatay ang sanggol na dinadala ng mga kabataang babae na may edad na 15-19. Samantalang, bawat taon ay 3.9 milyong kabataang babae na may edad na 15-19 ay sumasailalim sa pag papalaglag ng bata. Samantalang, 50 na batang ina kada taon ang tuluyang nang huminto at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Ang tanging solusyon dito ay turuan ang mga kabataan ng sex education at turuan silang gumamit ng condom at contraceptive, maging ang kahalagahan ng safe sex. Dapat din ay maging accessible sa kabataan ang mga condom at contraceptive. Dahil karamihan sa mga kaso ng teenage pregnancy ay hindi sila nakakagamit ng sex protection dahil hindi sila marunong gumamit o nahihiya/hindi nila alam kung saan bibili. Dapat ay i-block ang mga makamundong website sa internet at social media at lagyan ng age restriction upang maiwasan ang pagiging kuryosidad ng kabataan. Ipaalam sa kabataan na ang pagiging ina at ama ay isang malaki, mabigat at habang buhay na responsibilidad.

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon