Essays Part 1

54 0 0
                                    

Komunikasyon at pananaliksik:

Ang mga Pilipino ay nagkakaiba sa
paggamit ng wika sa iba't-ibang grupong sosyal at kultural sa bansa. Dahil ito sa iba't ibang mga kultura at paniniwala natin. Sa pamamagitan ng paggamit natin ng ating wikang kinagisnan ay naipakikita natin kung anong mga tradisyon, kultura, mga bagay na pinaniniwalaan natin, at ang ating paraan ng pamumuhay sa iba pang mga tao. Ngunit kahit na sa ganun, kilala at nagkakaisa ang mga pilipino sa maraming bagay, kahit na iba't ibang tradisyon at paniniwala ang mayroon sa ating bansa. May mga kultura pa rin na nagkakaisa sa atin at kilala ang mga Pilipino sa sikat na mga kulturang ito na ating isinabubuhay.

Ang mga Pilipino ay likas na masiyahin, ang katangiang ito ay nagpapagaan sa anumang hirap o problemang ating pinagdadaanan. Hindi nawawala ang positibong pananaw natin sa buhay at hindi tayo nawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga nararanasan nating mga suliranin. Kaya naman ay madalas tayong makitang nakangiti at nagtatawanan habang masayang nagkukuwentuhan. Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging religious at matibay ang pananampalataya sa Diyos. Ang ating pagiging masayahin ay nag-uugat sa ating matibay na
pananampalataya sa Diyos. Matibay ang ating pananalig na lagi tayong ginagabayan ng Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay. Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging polite. Laging pinamumulat sa bawat batang Pilipino ang kahalagahan ng pagiging magalang. Ang paghalik sa kamay o pagmamano sa mga nakatatanda ay isa ring paraan ng pagpapakita ng paggalang. Kilala rin tayo sa pagiging hospitable. Dahil ikinatutuwa ng mga Pilipino ang pagdalaw ng mga bisita kaya naman mainit at magiliw natin silang tinatanggap sa ating mga tahanan. Ipaghahanda natin sila ng mga pagkain at pinapatulog din natin sila sa ating tahanan. Malaki rin ang pagpapahalaga natin sa edukasyon. Maraming magulang na itinuturing ang edukasyon na pinaka mahalagang pamanang maibibigay sa mga anak sapagkat ito ay isang yamang hindi mananakaw at hindi mauubos. Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging hardworking at matiyaga. Hindi tayo namimili ng trabaho basta ito ay mabuti, marangal, at mapagkakakitaan. Ang mga kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop noon sa ating bansa.

☆☆☆☆☆

Filipino sa Piling Larangan:

"Ang wika ng Millennials"

Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, kasabay nito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao, na kaugnay ng lumalaking konsepto ng pagbabago ng wika, at sa paglipas ng panahon nakabuo ang mga makabagong kabataan o kilala sa tawag na millennials ng kanilang paraan ng komunikasyon na mas nagpaunlad ng gramatikang Filipino. Kasabay ito ng pag-unlad ng estado ng pamumuhay at teknolohiya, na ilan lang din sa naging instrumento ng pag-unlad ng aspekto ng wika dito sa ating bansa. Isang implikasyon nito ang pagkakabuo ng millennial slangs o mga salitang balbal. Kung dati ay gamit pa ng mga Pilipino ang lumang ortograpiya, ngayon ay ginagamit na hindi lamang ang bagong ortograpiya na may pinag-anib na mga bagong konseptong panggramatika na nagagamit sa pang-araw-araw.

Ang balbal o slang word ay ang hindi pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang parikular na grupo ng lipunan. Kadalasan itong hindi matutunton sa diksyunaryo. Tinatawag din itong salitang kalye. Halimbawa nito ay arat na (Tara na) petmalu (malupit) sakalam (malakas) Marites (Mare, anong latest) at marami pang iba. Ang bawat tao ay nabibilang sa iba't ibang uri ng lipunan o grupong sosyal/kultural, kaya't may kani-kaniyang arbitraryo ang mga ito. Gaya na lamang ng mga homosekswal na ginagamit ang "bekimon" (gay language) na sila lamang ang madali at mabilis na makaiintindi. Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinaka-dinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito.

Sa ating henerasyon maraming nauuso ngunit agad ding nalalaos sapagkat ang wika ay patuloy na nagbabago kung kaya't ang mga bagong usbong na salita na uso
ngayon ay maaaring hindi na uso sa susunod na panahon. Dulot din ito ng pag-aanib dito ng inobasyon sa teknolohiya, kaya't nailathala ang ganitong konsepto sa gramatikang Filipino. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magkaroon ng mas malalim na pag-aaral patungkol sa mga makabagong salita o ang mga millennial slangs at kung paano nito mas pinapaunlad ang gramatikong Filipino at sa kabilang banda ay magdulot ng mas malalim na kamulatan at kaalaman sa mga makabagong salita na ginagamit ng kahit sino. Isa pang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mas magkaroon ng kalinawan ang paraan ng komunikasyon ng mga millennial sa mga naunang salinlahi na sakaling kumilatis sa mga pag-aaral ng ganitong paksa.

☆☆☆☆☆

UCSP:

Education is a human right of all people and every child because education is a process of having a general knowledge, developing the powers of reasoning and judging, developing skills, characters, manners, and preparing our selves intellectually for future life purposes. Going to schools or studying is a step of having empowering right to flourish and grow as a person. It is not a privileged because having education is our right and the government made it a human rights for everyone. For many Filipino parents, the education is considered to be the most important heritage that can be given to their children because it is a resource that cannot be stolen and will not be consumed. The right to education is legally guaranteed for all without any discrimination. States and government have the obligation to protect, respect, and fulfil our rights to education. All people has the rights to study. The government provided public schools so that people can study without paying any tuition fees. But it's our rights and it depends on us if we're going to study or not. Education shall be free and equally accessible for everyone, and must be the highest quality especially for poor families. It must be a legal right for everyone such as children, youth and adults. Poverty and education are intertwined.
In fact, one of the biggest contributors to global poverty is lack of access to education. In order to effectively fight poverty around the world, the lack of education for children in developing countries especially for girls, must be addressed. Education is free and accessible for everyone, yet 61 million children around the world are not in school, most of them are girls. Educating children no matter where they are is one of the biggest steps we can take toward ending extreme poverty. The Global Partnership for Education is the only multilateral partnership devoted to getting all these children into school for a quality education. To make this happen, we need to work together with the public governments, nongovernment organizations, public and private organizations, teachers, and parents.

☆☆☆☆☆

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon