ano ang nilalaman ng teksto?
> Ang nilalaman ng teksto ay ang mga mahahalagang bahagi ng panukalang-proyekto.ano-ano ang mga mahahalagang bahagi ng panukalang proyekto?
> pagpapahayag ng suliranin, layunin, at plano na dapat gawinsa iyong palagay, ano ang panukalang proyekto?
> Ang panukalang proyekto ay ang pagpapasa o pagpaplano ng isang minumungkahing proyekto. Nakasaad rito ang mga hakbang na kinakailangan upang magawa ang ninanais na layunin.~~~~~
Gawain 1:
1. Ano ang proyektong isasagawa?
> Pagpapagawa ng malalalim at malalawak na kanal2. Ano ang dahilan kung bakit kailangang ipagawa ang nasabing proyekto?
> Upang hindi na maantala ang trabaho ng mga mamamayan, maging mapanatag ang kanilang buhay at hindi na mabahala sa tuwing may malakas na ulan, dahil hindi na babaha. Upang mabawasan ang trabaho at alalahanin ng mga opisyal ng barangay sa paglikas sa mga apektadong pamilya dahil sa baha. Upang hindi masira ang panamin ng mga magsasaka tuwing bumabaha.3. Sa anong lugar isasagawa ang nasabing proyekto?
> Barangay Lagao, Lungsod ng Heneral Santos4. Sino ang makikinabang o makakabenepisyo sa nasabing proyekto?
> Mamamayan ng barangay, mga barangay opisyal, at mga magsasaka sa barangay.~~~~
1. Pamagat ng panukalang proyekto
> "Panukala sa pagpapagawa ng malalalim at malalawak na kanal sa barangay lagao"2. Nagpadala
> Tess F. Calledo3. Petsa
> Mayo 25, 20204. Pagpapahayag ng suliranin
> Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Lagao sa kasalukuyan ay ang pagbaha sa mga iilang bahagi ng Barangay tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagka antala sa kanilang trabaho at pagkasira ng mga kalsada. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang mababaw at maliit na kanal na dinadaluyan ng malakas na bolyum ng tubig.5. Layunin
> Makapagpagawa ng mga malalalim at malalawak na kanal na makatutulong
upang mapigilan ang pag-apaw ng malakas na tubig na siyang dahilan ng pagbaha
sa mga kalsada. Ito rin ay makakatulong sa mga mamamayan upang di maantala
ang kanilang paghahanap-buhay.6. Plano ng dapat gawin
> 1. Pagpapasa, pag-aaproba at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng malalalim at malalawak na kanal. (2 linggo)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor ng gagawa
ng kanal (1 araw)
4. Pagpapagawa ng malalalim at malalawak na kanal sa ilalim ng pamamahala
ng konseho ng Barangay Lagao.
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng nasabing proyekto. (1 araw)7.) Badyet
> 800,000 - 1,000,000 pesos8. Paano mapapakinabangan ng mamayan ang panukalang proyekto
> Hindi na aapaw ang tubig kanal at hindi na babaha sa kalsada at sa mga kabahayan ng Barangay Lagao kahit malakas pa na ulan ang darating. Hindi na mamomoblema ang
mamamayan sa baha at hindi na maaantala ang kanilang pagtatrabaho. Dahil mayroon nang malalalim at malalawak na kanal na para sa kapakanan at kaligtasan ng mga lahat sa barangay.~~~~
Gawain pagganap 1:
Gawain 1: Magbigay ng tatlong suliranin na nakita mo sa inyong purok na dapat bigyan ng aksyon.
1. Makalat na basura sa barangay
2. Umaapaw at baradong kanal na nagdudulot ng baha tuwing umuulan
3. Kakulangan ng mga posteng may ilaw sa daan
BINABASA MO ANG
Grade 11 Modules 2021-2022 ABM
Randommodules ABM public school student :) Subjects: ▪︎ Komunikasyon at Pananaliksik ▪︎ Contemporary Arts ▪︎ PE and Health ▪︎ General Math ▪︎ Business Math ▪︎ Reading and writing skills ▪︎ Understanding Culture, Society, and Politics (UCSP) ▪︎ Organizatio...