Aralin 1: Pagsulat sa akademikong sulatin: Buod
Subukin:
1. sanggunian
2. buod
3. ikatlong
4. masaya
5. saliring
6. bantas
7. balangkas
8. opinyon
9. Ihanay
10. sintesis
11. pang-ugnay
12. pangunahin
13. tauhan
14. suliraning
15. obhetibo☆☆☆☆☆
Gawain 1:
1. Tungkol saan ang buod na iyong binasa? Ano ang pangunahing suliraning kanilang kinakaharap?
> Ang buod ay tungkol sa isang pamilya na iba't ibang trahedya ang kinakaharap. Pinapakita dito ang pagmamahal ng isang ama na si Edgar sa kanyang pamilya na handa siyang gawin ang lahat upang maitaguyod at maprotektahan ang kanyang pamilya. Ang pangunahing suliraning kanilang kinakaharap ay pagkakabaon sa utang dahil sa Ponzi scheme na humantong sa pagbabanta sa kanilang pamilya.2. Masasabi mo bang sapat na ang buod na iyong binasa upang makita ang pangkalahatang ideya ng akda? Ipaliwanag ang iyong sagot.
> Opo, dahil ang pagbubuod ay isang paraan upang mabawasan ang mga nilalaman ng isang konteksto at maiwan ang mga manahalagang impormasyon nito. Sa binasang buod ay buo na ang pangunahing ideya at malalaman na agad ang kinakaharap ng mga tauhan o daloy ng kaisipan na nakapaloob sa kuwento nang hindi na kailangan pang basahin ang buong kuwento. Ngunit kaya paring nitong makapag-engganyo ng manonood o mambabasa sa kuwento.3. Mula sa binasang buod, matutukoy mo ba ang mga pangunahin at katulong na kaisipan nito? Gawain ito ng balangkas.
Pamagat: "Honor Thy Father" sa direksyon ni Erik Matti
A. Pangunahing kaisipan:
> Ang pangunahing kaisipan ng pelikula ay ang isang mundo ng desperasyon, isang komentaryo tungkol sa pagkakabaon sa utang dahil nasangkot ang pamilya sa Ponzi scheme. Hindi nila alam kung saan napunta o itinago ng ama ni Kaye ang malaking pera matapos itong mamatay. Dahil dito kaya nagdulot ito ng sunod-sunod na trahedya sa pamilya. Tungkol ito sa pagsasakripisyo at pakikipaglaban ng ama para maprotektahan niya ang kanyang pamilya.Mga pantulong na kaisipan:
> Pang-babanta sa pamilya at kasakiman sa pera. Ang tema o iba pang kaisipan ng pelikula ay tungkol sa trahedya ng isang pamilya, relihiyon, at karahasan.☆☆☆☆☆☆
1. Ano-ano ang mga katangian ng isang mahusay na buod?
> Ang katangian ng isang mahusay na buod ay sumasagot sa mga pangunahing katanungan na sino, ano, saan, bakit, at paano. Nagsaad ng pangunahing ideya at mga pantulong na ideya, at mga pangunahing ebidensya o kaisipan. Nagtataglay din ito ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto at inaasahang maihahayag ang kabuoang mensahe ng isang akdang komprehensibong natalakay sa isang maikling sulatin lamang.2. Bakit mahalaga ang pagsulat ng isang buod? Paano ito makakatulong sa iyo bilang mag-aaral sa SHS?
> Ang kahalagahan ng isang buod ay upang mas mapadali ang pag-unawa ng mambabasa sa kwento o iba pang mga akda. Upang malaman kung naunawaan o naging mapanuring mambabasa ba ang nagbasa sa akda. Ang pangunahing layunin ng buod ay mapaikli ang kabuuan ng isang kwento. Nakakatulong ito dahil upang makuha ang atensiyon ng isang potensiyal na tagabasa sa akda.3. Bakit hindi kailangang maglagay ng sariling opinyon o kuro-kuro sa ginagawang buod?
> Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko tulad ng buod, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng akda kaya hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos at opinyon na hindi binanggit sa mismong akda. Dahil ang buod ay pinaikling kuwento ayon sa pagkakaintindi at kaisipan na nakapaloob dito at hindi dahil ayon sa gusto mong isulat o ibahagi na opinyon.☆☆☆☆☆
Aralin 2: Katitikan ng Pulong
1. Sitwasyon A: Higit na mas mauunawaan at mas maranasan ang pagsusulat ng Katitikan ng Pulong sa pamamagitan ng pagsasatao ng isang pulong. Batid mo ang nagaganap sa lipunang kinabibilangan mo,
subukin ang iyong kaalaman at sariling opinyon hinggil sa isang proyekto, isyu, o problemang kinahaharap ngayon ng mga Pilipino.
BINABASA MO ANG
Grade 11 Modules 2021-2022 ABM
Aléatoiremodules ABM public school student :) Subjects: ▪︎ Komunikasyon at Pananaliksik ▪︎ Contemporary Arts ▪︎ PE and Health ▪︎ General Math ▪︎ Business Math ▪︎ Reading and writing skills ▪︎ Understanding Culture, Society, and Politics (UCSP) ▪︎ Organizatio...