✔️ Komunikasyon at Pananaliksik (Part 3)

106 0 0
                                    

Gawain 4:

"Huwag mo akong mahilin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Because that is what I deserve."

> Ang linyang iyan na sinabi ni Mia, ang karakter ni Kathryn Bernardo sa pelikulang Barcelona: A love untold, ang isa sa mga linya ng pelikula na tumatak sa akin. Dahil para sa akin lahat tayo ay karapatdapat na mahalin ng buo at tanggapin kung ano man tayo. Matututo rin tayong magpatawad at tumanggap para muling makapagsimula ng panibagong pahina ng ating buhay. Lahat tayo ay karapatdapat sa pagmamahal na deserve nating matanggap.

~~~~~

Gawain 6: Paggawa ng Tula

Ating sariling wika ay karapatdapat pahalagahan,

Dahil tayo ay pilipino at ito ang ating pinagmulan,

Sariling wika ay ipagmalaki at ating tangkilikin,

Wika natin ay mahalin, pagkat ito ang pinagkaloob sa atin,

Ating mga bayani ay nag buwis ng kanilang buhay.

Sila ay namatay para sa bayan nang matigil na ang away.

Upang ang kalayaan ay makamit at sa atin ay ialay.

Nang tayo ay mamuhay ng malaya at may ginhawa.

Laging tatandaan ang kahalagahan ng wika sa ating bayan.

Manatili sana sa ating isipan na ang wika ay ating paksa.

Huwag itong ikahiya sapagkat ito ay yaman sa ating bansa.

Wikang dapat nating mahalin, pagka-ingatan, at palaganapin.

~~~~~

Gawain 7: Sumulat ng Sanaysay

Sumulat ng sanaysay batay sa iyong karanasan. Paano naimpluwensyahan ng social media at mass media ang paggamit mo ng sariling wika? Bumuo ng sariling pamagat.

"Ang ating pakikipag-ugnayan sa social media."

> Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Ang wika ay napakahalagang instrumento dahil ito ang nagiging tulay sa pagkakaintindihan ng mga mamamayan ng isang bansa. Pinagtitibay nito ang diwa ng pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino. Ang ating wika ay lalong umusbong dahil sa ating paggamit ng mga social media. Ang social media ay isa rin instrumento upang magpahayagan ang mga tao ng kanilang saloobin o nais sabihin. Sa panahon ngayon ng pandemya, social media ang nagiging tulay sa mabisang komunikasyon. Sa pamamagitan ng paggamit natin ng social media at mass media, malaya nating naipapahayag ang ating saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay. Para sa akin hindi naman nakakaapekto ang paggamit ng social media sa ating wika. Dahil malaya naman tayong gamitin ang ating kinagisnang wika sa social media.

~~~~~

Slogan:

"Arat na mga lodi, ating mahalin at palaganapin ang ating wika."

~~~~~

Gawain 8: Pagyamanin

1. Mike Enriquez
2. Ruffa Mae Quinto
3. Kris Aquino
4. Pia Wurtzbach
5. Tito Boy Abunda

☆☆☆☆☆☆

1. Bakit may mga tao na gumagalaw pinipiling i-spoof ang mga sikat na linya ng mga artista o personalidad?
> Dahil gusto rin nilang sumikat at gayahin ang kanilang mga idolo. Dahil sila ay sumasabay lamang sa uso at nakakaaliw naman talaga ang paggaya ng mga sikat na salita na naging uso dahil sa ating paggamit ng social media.

2. Alin sa mga katangian nito ang nagugustuhan ng mga tao lalo na ang kabataan?
> Nakakaaliw sabihin at gayahin ang mga usong salita sa social media kaya marami ang gumagawa nito. Nakakatawa kasi ang paraan o marahil tumatatak sa isipan natin ang mga sikat na salita na iyon.

~~~~~

Gawain 9: Barayti ng Wika

Magtala ng limang salita mula sa barayti ng wika at limang rehistro ng wika tukuyin kung anong larangan kabilang ang salitang itinala.

1. Nalilibong ako. = Nalilito ako.
2. Wapakels! = Wala akong paki!
3. Laylaydek sika. = Iniirog kita.
4. Beunas Noches! = Magandang gabi!
5. Arat na! = Tara na!

~~~~~

Gawain 10: Tuklasin

1. Ano ang epekto ng paggamit ng teknolohiya sa wikang filipino?
> Ang wika at teknolohiya ay konektado sa isa't-isa. Hindi maiiwasan ang madalas nating pag-depende sa teknolohiya. Nariyan ang cellphone, kompyuter o laptop, at iba pa. Ito ang mga nagsisilbing tulay ng komunikasyon para sa bawat tao. Ngunit hindi rin maikakaila ang mga pangyayari at pagbabago dahil sa maling paggamit at ang malaking epekto nito sa wika at pamumuhay. Sa paggamit ng teknolohiya, nagagawa nating palawakin ang ating bokabularyo. Subalit may mga pagkakataon rin na lumalabis at hindi nagiging makatuwiran ang pagpapahayag na nakaka-apekto sa isang indibidwal at sa pangkalahatan.

2. Ipaliwanag ang sumusunod na salita na ukol sa nangyayari sa wika sa panahon ngayon.

a. Pagpapaikli ng salita
> Madalas na ginagamitan ang pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang salita o letra sa isang salita upang mapaikli ang ito at mapagsana ang dalawang salita.

b. Paggamit ng akronim
> Upang malimitahan ang pag type ng mahabang salita o pagkahaba-haba lalo na kung karaniwan naman ang salitang gagamitin.

c. Paggamit ng mga slang word
> Upang gawing masaya at kawili-wili ang usapan o komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao.

☆☆☆☆☆☆☆

Messenger Activity:

Kitty: Hey, Wazzup!
Angel: Yow, Wazzup!
Kitty: Kamusta kn?
Angel: Oki lng naman. Hahaha ikaw?
Kitty: Keri lang din HAHAHA
Angel: Ano ginagawa mue ngayn?
Kitty: Nood tv Hahaha
Angel: Kita tayo bukas ah, may sabihin ako sayo.
Kitty: Saan? Sigi sigi Hihihi

~~~~~

Gawain 11: Isagawa

1. Ang telebisyon ba at ang radyo ay isang matinding pangangailangan ng tao sa pagkuha ng mga impormasyon sa araw-araw? bakit?
> Opo dahil sa telebisyon at radyo ka makakakuha ng mga totoong balita at impormasyon. Makakakuha ka rin ng kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa bansa. Malalaman mo din sa kanila kung may paparating na bagyo o iba pang sakuna at makakapaghanda ka para ito ay agapan.

2. Paano nakapag-ambag ang balita sa telebisyon o radyo sa wastong gamit ng salita sa pang-araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa kapwa?
> Ang telebisyon at radyo ang mga pangunahing paraan ng telekomunikasyon ng ating bansa. Ito ay nagbibigay ng libangan, edukasyon, mahahalagang impormasyon, mga babala, at mga balita. Upang magkaroon ng kamalayaan at kaalaman ang mga tao sa mga nangyayari sa kanilang lugar o ating bansa.

☆☆☆☆☆

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon