"Sitwasyong Pangwika sa Pelikula"
Bagaman mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon
taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. lyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, starting Over Again; It takes A Man and A Woman; Bride for Rent; You're My Boss; You're still the one, at iba pa.Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio, diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki. Subalit, hindi rin mapasusubalian ang katotohanang dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasaita, nakauunawa, at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa.
Bagaman laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na
tono ay impormal, at waring hindi gaanong estrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming
babasahin at palabas na Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at lumikha.☆☆☆☆☆☆☆

BINABASA MO ANG
Grade 11 Modules 2021-2022 ABM
Diversosmodules ABM public school student :) Subjects: ▪︎ Komunikasyon at Pananaliksik ▪︎ Contemporary Arts ▪︎ PE and Health ▪︎ General Math ▪︎ Business Math ▪︎ Reading and writing skills ▪︎ Understanding Culture, Society, and Politics (UCSP) ▪︎ Organizatio...