Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Part 1

52 0 0
                                    

1. Ano-ano ang dahilan ng sumulat ng blog bakit siya nagsusulat?
> Siya ay nagsusulat para makapag-comply sa pinagawang takdang aralin upang maka-graduate. Siya ay nagsusulat upang ilahad ang mga bagay-bagay at damdamin na hindi niya kayang ipalabas sa bibig. Siya ay nag susulat upang hindi nasasayang ang kanyang mga naiisip na salita at mga damdamin. At higit sa lahat, siya ay nagsusulat para sa kanyang kasaysayan.

2. Madali lang ba para sa kanya ang pagsusulat? Bakit oo at bakit hindi?
> Opo, madali lang sa kanya ang pagsusulat dahil siya ay tahimik at nadiskubre niya na mas nailalahad niya ang mga bagay-bagay at damdamin na hindi niya kayang ipalabas sa bibig. At mas napagtanto niya na sa pamamagitan ng pagsusulat ay mas napaparating niya ng maayos ang kanyang saloobin patungo sa isang tao.

3. Isa-isahin ang kahalagan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat?
> kung parati tayong nagsusulat ay mas malilinang ang ating kakayahan na sumulat ng iba pang sulatin gaya ng tula, maikling kwento, at iba pa. sa pamamagitan ng pagsulat, maaari nating maipahayag ang ating damdamin o saloobin kahit pa hindi
tayo magsalita. Maaaring madagdagan ang iyong kaalaman at lumawak ang iyong imahenasyon sa pamamagitan ng pagsusulat. Pwede ring gamitin ang pagsusulat sa paglalahad, pagsasalaysay, pangangatwiran, at paglalarawan.

4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapagsulat, anong paksa ang gusto mong uri ng sulatin? Bakit?
> Nais ko magsulat ng isang nobelang libro dahil mahilig akong magbasa ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig, fantasy, at iba pa kaya gusto kong subukan na gumawa ng sarili kong nobela gamit ang aking kaalaman at imahenasyon.

☆☆☆☆☆☆

Gawain 1:

1. Bumuo ng kahulugan ng pagsulat batay sa mga depinisyon at ideya ng iba't ibang manunulat.
> Ang pagsusulat ay isang pisikal at mental na aktibidad na ginagawa para sa iba't ibang layunin gaya ng paglalahad, pagsasalaysay, pangangatwiran, at paglalarawan. Pisikal na aktibidad ang pagsusulat dahil ginagamitan ito ng kamay upang makapag-sulat o makapag-type ng nais mong isulat. Mental na aktibidad din ang pagsusulat dahil isa itong ehersisyo upang isulat ang ating mga ideya at imahenasyon. Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao at isang paraan upang maglahad ng damdamin.

2. Isa-isahin ang mga katangiang taglay ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba.

1.) Ang akademikong pagsulat ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.

2.) Ang akademikong pagsulat ay obhetibo sapagkat ito ay may layunin na pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina o larangan. Binibigyang diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa.

3.) Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.

4.) Ang akademikong pagsulat ay may pananagutan sapagkat ito ay kumikilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.

5.) Ang akademikong pagsulat ay may kalinawan sapagkat ito ay may paninindigang sinusundan. Dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.

Grade 11 Modules 2021-2022 ABMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon