1: Bully

1.6K 18 3
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.





***


COOKER

“Ang tapang mo, hah!” Sigaw ni Betchay Lapepe. Nasa hallway kami sa pagitan ng mga classrooms, kaya kuha namin ang atensyon ng kapwa namin studyante.

“Matapang talaga ako, duh?” Gumuhit ang ngisi sa labi ko. Humalukipkip ako at pinakiramdaman ang mga studyanteng usisero at usisera.

“Tama nga ang sabi-sabi isa ka talagang bully!”

Nagpantig ang tenga ko. Bully? Ako bully? Sinamaan ko siya ng tingin. Tingin na isasama ko siya sa hukay.

“Away na yan!”

“Sabunutan!” 

Niliko ko ang tingin sa mga studyanteng pumalibot samin. Mga sabik makakita ng away. Naglabasan sila sa kanilang classrooms at pumaikot samin. Nagmuka tuloy kaming nasa boxing ring. 'Yung ibang studyante nakasilip sa bintana sa loob ng classroom nila makakita lang ng away.

Tsk.

Mga marites nga naman.

“ANO? BAKIT ‘DI KA MAGSALITA! PIPI KA BA?” Sigaw niya at tumawa na parang baliw. Napailing ako.

“Hindi naman. Naisip ko lang magandang pagkakataon ito para magpasikat, right? Siguradong maugong muli ang maganda kong pangalan sa buong university.” Nakangisi kong saad. Hinawi ko ang straight at mahaba kong buhok papunta sa 'king likod.

“Maganda nga ang pangalan mo, mula ka naman sa mahirap na pamilya!” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

“Mahirap? Is that so?” Nakangisi kong kumento. Hindi ako nagtataas ng tono dahil gusto kong mang-asar. Mambwisit.

“YAH! MAHIRAP NA PAMILYA! BASAHAN! HAMPAS LUPA! POOR!” Halos lumabas ang ugat sa leeg niya sa pagsigaw.

Natawa ako at napailing. Kung 'yon ang pangblackmail niya hindi tatalab. Dahil una tanggap kong mahirap ang pamilya ko, pangalawa napadpad ako sa Standbee University dahil pinag-aaral ako ni Inspector Pions.

“ANONG NAKAKATAWA? MAY NAKAKATAWA BA?” Sigaw niya. Inis na inis.

“Dahil nakakatawa ka, Betchay Lapepe.” Sagot ko.

“Whoaaaa!”

“Hahahaha!”

“Kapangit ng pangalan!”

“Hahahaha!”

“Go Cooker!”

Reaction ng mga manonood, habang si Betchay magkasalubong ang kilay.

“You know what Betchay Lapepe? Mayaman ka nga pero ang pangalan mo. . .” Huminto ako at lumingon sa paligid, ang mga usisero at usisera tahimik habang naghihintay ng sunod kong babanggitin. “Pero ang pangalan mo mas mahirap pa sa ‘kin.”

Napatakip ako sa bibig at natawa. Hindi doon natapos dahil ang mga nakapaligid saming studyante mga nagtawanan din. Kaya napuno ng halakhakan ang hallway.

“Shut the fuck up guys!” Sigaw ko. Tumahimik muli ang maingay na paligid.

Mga masunurin.

Iba talaga ang nagagawa ng isang Cooker Dionne.

The Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon